CHAPTER 17 NOT A JOKE

35 1 0
                                    

CERYS

"Lenie Joy, ano ba!?" inis na sabi ko sa kanya saka tinulak sya palayo. Paano ba naman nakasandal ang ulo nya sa balikat ko habang nagpophone sya. Nangangawit na ako! "Magkasama na tayo sa bahay araw-araw lingkis ka parin ng lingkis sa akin. Magsawa ka nga!" inis na sabi ko. Likas na talaga sa babaeng iyan ang maging clingy at malambing. Sobrang kabaliktaran ko kaya nagtataka rin ako sa sarili ko kung papaano ko napakisamahan yan ng ilang buwan e.

"Sungit naman neto, dyan ka na nga!" padabog syang umalis sa tabi ko. Napataas ang kilay ko ng wala sa oras, natututo na syang sumagot sagot sa katarayan ko paminsan minsan. Pasalamat sya di pa umaabot sa punta na gusto ko syang sabunutan.

"Nag-aaway na naman kayo." Natatawang puna ni Alliah sa amin e.

"Eh, kase itong si Cerys e!"

"Ano!?" sabat ko bago pa sya magpatuloy ng kasasalita.

"Wala!"

Natawa naman sila Alliah sa aming dalawa. Napakaisip bata talaga nitong si Lenie! Mabuti naman at hindi na sya sumagot dahil baka batuhin ko na sya ng kung ano.

Nasa backstage kami ngayon at naghihintay ng signal dahil may performance kami mamaya, kaya andito lang ako sa sulok nakaupo habang naghihintay. Sobrang dami ng TV guestings, mall shows at kung anu-ano pa nung mga nakaraang araw ang dinaluhan namin. Sobrang gulo at abala ang mga tao dito sa backstage, hindi lang production staff, pati narin ang ibang artist na naghihintay gaya namin. Buti nalang kami relax pa muna, mamaya pa naman kami nagpeperform.

Maya maya pa ay biglang tumahimik ang kaninang magulo na backstage, nang mapalingat ako sa kung sino ang dumating, ang Eros pala. Napalingon lahat ang tao nang dumating sila dahil sa suot nila. Nakasuot sila ng all black attire at parang mga hari ang datingan nila.

"Nice hair, Lester!" bati ni Karen kay Lester.

"Ako lang ito, Kayla!" sagot ni Lester.

"Ako si Kayla." Nakasimangot na singit ni Kayla sa kanya at natawa si Karen.

Biglang napakunot ang noo ni Lester. "Hala! Bat kase kayo magkamukha?" napakamot pa sa ulo ng sabihin nya iyon.

"Siguro kase kambal kami." Walang ganang sagot ni Kayla.

Natawa naman sila Alliah sa kanila, alam naman namin sinadya ni Lester iyon para mang-asar. Malaki ang pagkakahawig ng kambal pero kung titignan mo sila hindi na sila mapagkakamalang parehong tao.

Ngayon ko lang napansin, bago nga ang hairstyle ng Eros. Si Lester nagpagupit at may highlights ng puti ang kulay itim nyang buhok. Si Josh kulay gray na ang buhok, si Jaster mahaba na ang buhok nagpa-extensions ata, tapos si Ken ay kulay itim parin ang buhok nya pero medyo mahaba sa likod at kinulayan iyon ng puti. Lahat sila bagay ang bagong hairstyle sa mga outfit nila ngayon, pero mas nagustuhan ko yung buhok ni Paulo.

Lalo syang gumwapo sa buhok nya na medyo humaba kaysa dati, naka-half bun sya pero may ilang hibla ng buhok nya galing sa bangs nya ang nakababa, kalahati itim at kalahati nun ay puti. Pati rin ang mahabang buhok nya sa likod ay ganun din ang kulay pero saliwa sa kulay ng bangs nya. Napaka gwapo.

Nagulat ako ng may umupo ako sa tabi ko habang abala akong pagmasdan si Paulo na nakikipag-usap ngayon kay Lester.

"Bunganga mo, sara mo." Sinamaan ko ng tingin kaagad si Ken nang makaupo sya sa tabi ko dahil sa sinabi nya.

"Hi, Ace!" Bigla akong napatingin kay Jaster na may hila hilang monoblock na upuan saka umupo rin sa harapan ko. Ang laki ng ngiti nya sakin.

"Epal." Bulong ni Ken ng makita ang ginawa ni Jaster.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon