CHAPTER 6 MISSED

27 0 0
                                    

CERYS

Nagising ako sa alarm ko mula sa pagkakatulog. Umaga na naman pala, papasok na naman ako ngayon sa Up Entertainment pero aalis din kaagad. Walang training and activities lahat ng artist at trainees ngayon dahil may event na naman kami. Parte parin ito ng Anniversary activities namin at ngayong araw ay pupunta kami sa isang charity home for the aged, magseserve kami doon at magpapasaya ng mga matatanda.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng wala pa sa wisyo at nagulat ng may biglang dumamba sa akin at pinagdidilaan ang mukha ko.

Aso? Bat may aso rito?

Ay, oo nga pala. Nandito nga pala si Lenie.

"Alis Tapsi! Bumaba ka sa kama ko, yung balahibo mo dumidikit sa bed sheet." Tinulak ko sya pero di parin sya naalis at nililingkis parin ako kaya napairap na lang ako. Manang mana sya sa amo nya ng kakulitan.

Speaking of, asan na nga pala yung amo nito? Nagising ako ng wala sya sa tabi ko, himala at nagising iyon ng maaga.

"Tapsi, asan si Lenie?" pagtatanong ko sa aso na akala mo naman ay maiintindihan ako at sasagutin nun. "Hay nako! Bumaba ka nga sa kama ko." Sabi ko at tumayo na sa kinahihigaan ko kaya umalis narin si Tapsi.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakaamoy ako ng parang nasusunog, saka ko lang narealize na punong puno na ng usok dito sa second floor.

Dali dali akong bumaba para sundan kung saan nanggagaling iyong usok dahil baka nasusunog na nga ang bahay ko. Pagkarating ko ng kusina ay nakita kong ang napaka kalat na lamesa, nakakita pa ako ng mga ingredients na nagkalat at ilang sunog na bagay na hindi ko na mawari kung ano.

Naknangteteng anong nangyayari!?

"Ay, Sis! Good morning. Gising ka na pala." Nakita ko si Lenie na nakasuot ng apron at chef hat. May hawak syang sandok at kawali. "Tamang tama, breakfast is about to served. Kain na!"

Ilang halo pa doon sa kawali ko na hawak nya ay nilagay nya na iyon sa gitna ng lamesa. Oo, yung mismong kawali ang nilagay nya ni hindi man lang nya nilagay sa plato muna o sinapinan man lang yung pwet ng kawali.

Nakangiti syang proud na proud sa akin at saka hinubad ang kitchen gloves nya. "Kain na Sis. Look oh! Ang dami kong hinanda. Hindi ko kase alam preference mo, may tapsilog dyan, may toast bread with egg and beans, bacon, hams, and more." Sabi nya isa isang tinuro ang mga bagay na sunog na hindi ko mawari kanina pa.

Mababaliw ako sa sobrang kalat at disaster ng itsura ng kusina ko!

"LENIE JOYYYYY!!!!" sigaw ko na ikinagulat nya.

"Ano ba naman itong ginawa mo sa kusina ko!? Ang kalat, puno ng usok, puro sunog yang putahe mo na niluto mo, gusto mo bang palayasin na kaagad kita rito!?"

"Sorry na Sis, maglilinis na lang ako mamaya. Kainin mo na iyang niluto ko, wag ka na mainit ulo."

"Kainin? Pagkain ba tawag mo dito? Eh mukha ng uling itong mga nakahain e."

"Sobra ka nman, nasunog lang ng kaunti kase di naman ako sanay magluto, pero give it a chance, Sis. Masarap yan."

Napairap na lang ako dahil sumasagot sagot parin sya sa mga sermon ko kahit obvious naman na mamatay kahit na sino ang kumain nun.

"ikaw ba natikman mo na itong mga hinain mo?"

"Hindi pa." sabi nya na sobrang hina at parang inosente.

"Pwes ikaw kumain muna nito bago ako, kapag hindi ka namatay kakainin ko rin." Hamon ko sa kanya.

Kumuha sya ng isang sunog na bagay sa lamesa na hindi ko mawari, iyon ata yung tinuro nyang toasted bread kanina, at sinubukan nyang kumagat.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon