CHAPTER 22 ARRIVALS

33 0 0
                                    


CERYS

"Ken, magsashower ako pahiram damit mo." Bigla naman nya akong hinagisan ng isa sa maluwag nyang shirt at tumama sa mukha ko. "Wow, Salamat a! Napakabuti mong nilalang." Tinawanan nya lang ako kaya napairap ako bago pa pumasok sa loob ng CR para magshower.

Katatapos lang kase naming maglinis dito sa condo nya, na dating condo ng Eros, andaming binago na mga gamit dahil inayon nya ang mga iyon sa preference nya. Buong unit tuloy ngayon, puro makikita mong kulay ay black, red at gray. Hindi na namin ginalaw yung isang kwarto na kwarto nilang lima dati dahil may times pa rin na dito magpapalipas ng gabi ang Eros dahil di hamak na mas malapit ito sa kumpanya.

Ilang linggo na ang nakalipas magaling na ang braso ko at nakabalik na ako sa trabaho. Andaming nangyari dahil ang daming kong dapat habulin lalo na sa opisina pero naayos ko naman na lahat iyon. Ngayon ay libreng araw ko kaya sinamahan ko si Ken na maglinis ng unit nya.

"Sa susunod mag-iwan ka na rin ng gamit dito."

"Bat ba gustong-gusto mo na mag-iwan ako ng gamit ko sa mga nagiging bahay mo? Gusto mo na ba akong ibahay? Sabihin mo lang, pero pakasalan mo muna ako." Narinig kong natawa sya. Iyan agad ang bungad nya pagkalabas ko ng banyo, nagpatuloy ako sa pagpapatuyo ng buhok ko. Actually, pwede naman akong kumuha ng gamit sa itaas dahil andoon lang ang condo namin ng Estrella, pero tinatamad ako umakyat.

Sya naman ang pumasok sa banyo para magshower, pareho kaming pawis dahil sa dami naming nilinis dito sa unit nya. Ako naman ay humiga sa sofa sa salas, nilakasan ko na rin ang aircon para hindi ako mainitan, nagpophone ako habang hinihintay na matapos sya sa banyo.

Nagugutom na ako. Di naman ako pwede magluto dahil wala pang laman ang kusina ni Ken, kaya nagsearch lang ako ng pagkain sa cellphone. Maya maya lang ay lumabas na sya ng banyo na preskong presko sa paningin ko, may tumutulo pang kaunting tubig mula sa buhok nya. Hindi nya pa nasusuot ang shirt nya na nakasabit sa balikat nya kaya nakatopless sya ngayon.

"Ayos ba?" sabi nya sabay flex ng muscles nya sa harapan ko. Infairness napakaganda naman talaga ng body built nya, ang ganda rin ng pagiging moreno nya. Pero wala akong panahon para pagpantasyahan ngayon, nagugutom ako sa pagkain hindi sa kanya.

"Gutom na ako..."

Hindi nya pinansin ang sinabi ko, isinuot nya lang ang tshirt nyang itim. Lumapit sya sakin sa kinauupuan ko saka dumapa sa ibabaw ko at inihiga ang ulo nya sa tyan ko. Amoy ko pa yung sabon nya, ang bango. Pinaglaruan ko ang basa nya pang buhok habang nakatuon parin ang mga mata ko sa cellphone dahil nagugutom na ako. Wala bang pamerienda itong damuhong ito? Nakakapagod kaya maglinis.

"Aya.."

"Hmm?"

"May naging boyfriend ka pa ba bukod sakin?"

"Bat mo naman natanong?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong nya, bat naman iyan ang gusto nyang pag-usapan?

"Gusto ko lang malaman." Niyakap pa nya ako ng mahigpit at saka lalong ibinaon ang mukha nya sa tyan ko. "Sigurado naman ako na maraming lalaki ang nagkagusto saiyo, kaya gusto ko malaman kung may pinatulan ka."

"Wala akong panahon makipaglandian nung estudyante ako." Sagot ko dahil totoo naman, wala akong ibang pinagkaabalahan kung hindi yung course ko. Wala akong pake sa mga tao sa paligid ko, basta nag-aaral ako.

"We?" maintrigang tanong nya. "Kahit isa wala?"

"Wala nga." Pagkakaila ko uli pero sinamaan nya lang ako ng tingin, kaya hinampas ko sya.

"I don't believe you..." Napahugot ako ng hininga ng sabihin nya iyon, ano ba ikekwento ko? Wala pa naman talaga akong nagiging jowa. "Kahit someone na naging special man lang para saiyo."

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon