CHAPTER 4 BATTLE AMONG THE STARS

25 0 0
                                    

CERYS

Another day here in the company with my groupmates. Masyado na naman silang masaya dahil nakapag hire na ang management ng sarili naming stylist, make-up artist at hair stylist. Inuunti-unti na nilang buoin ang mga staffs na makakatrabaho namin behind the cameras.

Matapos ang ilang pagpapakilala sa mga taong iyon ay nagpractice kami dahil mamaya ay may gaganaping event sa Auditorium ng Up Entertainment kasama ang mga artist ng iba pang department at ilang official trainees. Iintroduce ang grupo namin dahil malapit na nga ang debut namin at mayroon pang ilang announcements.

"Good Job girls! Ready na kayo mamaya. Pwede na kayo kumain at magpahinga bago performance nyo mamaya." Sabi ng trainer namin sabay alis na at iniwan kami.

Tapos na ang practice. Ang dugyot ko sa pakiramdam, baka magshower muna ako bago kami ayusan mamaya.

"Yiieee! Excited na ako, omigosshhh. Kayla paki kurot ako baka na nanaginip ako." Nginisihan lang sya ng kakambal nyang si Kayla at binatukan.

"Aray naman! Sabi ko kurot lang."

"Ayaw mo nun, para mas lalo kang magising sa katotohanan."

Nagtawanan naman sila doon, nagpupunas ng pawis at umiinom ng tubig. Nandito lang kami sa gilid ni Cielo na nakamasid kung paano magharutan sila Karen at Kayla.

"Tingin mo ba may problema si Lenie?" biglang sabi ni Cielo sa akin habang nakatitig kay Lenie.

Kapansin pansin kase na kanina pa sya tahimik at parang malalim ang iniisip, hindi naman kase ganon yung babaeng yun dahil madalas ay maingay sya, malambing at makulit.

"Tingin mo?" tanong ko pabalik kay Cielo.

Si Cielo tahimik lang na tao pero kapag may iniisip sya sinasabi kaagad sa amin. Madalas sya ang kasakasama ko lang sa sulok dahil ako wala naman akong paki sa mga bagay na hindi apektado sa akin. Habang sya naman, tahimik lang lagi na nagmamasid kaya parang naiintidihan nya lahat ng nangyayari.

Nakita kong nilapitan ni Alliah si Lenie at kinalabit. Ngumiti naman si Lenie pero tahimik parin sya matapos nun.

Napansin rin siguro ni Alliah ang nangyayari sa kanya, mararaming iniisip si Alliah dahil nga sya ang madalas makipagugnayan sa mga staff para sa concerns ng grupo namin pero kapag napansin nyang may mali kahit na isa sa amin ay hindi na sya mapalagay at gagawin lahat para matulungan ka lang.

"Lenie." Tawag ko sa kanya dahil nilapitan namin sya ni Cielo.

"Lunch na tayo." Aya ko at narinig ko namang natawa si Cielo sa gilid.

"We? Talaga? Sasabay ka na samin kumain?" biglang nanliwanag ang mata nya ng marinig nya mula saakin iyon saka ngumiti. Di ko kase alam ang sasabihin ko, di naman ako sanay na magcomfort ng tao kaya wala ako ibang nasabi kung hindi ay ayain sya kumain kahit ayaw ko ng may kasama. "Uy, guysss! Sasabay daw si Cerys satin mag lunch." Inanannounce nya sa mga kasama namin kaya napatingin yung tatlo pa sa akin. Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko.

"Bago iyan a. May sakit ka ba?" sabi ni Karen.

"Manlilibre ka ba Cerys?" pagbibiro ni Alliah.

"Libre nyo mukha nyo." Napairap na lang ako dahil parang ang saya saya nila ngayon.

"Tara na sa cafeteria, baka magbago pa yung isip nyang si Cerys!" aya ni Kayla.

"Masarap ulam ngayon sa cafeteria guys, balita ko burger stake daw." Tuwang tuwang pabalita ni Lenie.

"Eh kaso diet tayo kaya di mo makakain yon." Sabi ni Karen kaya medyo nawalan sila ng gana ng maalala yun, kaya bagsak ang balikat nila na lumabas sa practice room.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon