CHAPTER 10 LOVE

16 0 0
                                    

CERYS

Magtatanghali pa lang at katatapos lang ng morning routine at practice ng Estrella. Puspusan na ang trabaho namin dahil in the next two weeks irerelease na ang debut single namin at magdedebut na kami. Naging abala kami ng mga nakaraang linggo dahil sa mga photoshoots, teaser videos at shoot ng MV namin. Sobrang saya naman nila at mas ganado pang mag-ensayo dahil nga sa nalalapit naming debut.

Sa wakas sa ilang taon nilang paghihintay at pagtetraining mapapakita narin nila sa madla kung ano ang meron sa kanila. NAkakaproud ang mga kagrupo ko, kung siguro sumuko sila nung mga panahong nahihirapan sila hindi siguro ako nandito ngayon at magdedebut kasama sila.

"Girls, selfie tayo!" aya ni Karen sabay taas ng phone nya at lumapit naman kami para magkita kami sa camera.

Ang lalaki ng ngiti nila, sana palaging ganito. Yung naging problema ni Lenie nung nakaraan, eto ang ginawa naming sagot. Para hindi na nila kami mapigilan magdebut, magdedebut na kami. Kasama ko parin si Lenie at Tapsi sa bahay, nung una medyo nahihirapan pa ako mag-adjust pero di kalaunan ay nasanay na ako sa ingay at gulo nilang mag-amo

Umiinom ako ng tubig ng bigla pumasok si Alliah ng practice room kasama si Karen na may hawak ng cake. Napatingin kaming apat sakanila tapos ay lumapit sila sa akin.

"Congratulations, Cerys!" sigaw nila, at may paparty poppers pa sila Karen at Lenie na ikinagulat ko.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko dahil ako lang ang kinocongratulate nila at pangalan ko lang ang nakasulat sa cake. My miniature pang manika doon na medyo kahawig ko. "Diba dapat tayong lahat ang kinocongratulate?"

Tumawa sila sa sinabi ko. "Bawal pa tayo magcelebrate, saka na kapag nagdebut na tayo. Pero etong celebration na ito para saiyo." pagpapaliwanag ni Alliah.

"E? para saan?"

"Syempre, tagumpay ka sa unang project mo as an artist. Mamaya pupunta ka na sa pressconference para sa una mong ginanapan na film. Wala kami doon kaya gusto lang namin na icongrats ka at iparamdam na proud kami saiyo."

Proud?

Kailan ba ako huling nakatanggap ng papuring ganoon?

Ngiting ngiti si Alliah habang pinapaliwanag ang mga nangyayari samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin ko hindi ako sanay na may nagsusurprise sa akin o pinagcecelebrate ang achievements ko.

Aalis kase ako mamaya at hindi na ako makakatuloy sa practice dahil may pressconference akong dadaluhan. Comeback kase ng Eros ngayon at may interview sila kasama kaming mga cast ng movie at mamaya rin lang unang ipapanood sa mga investors, sponsors at nakabili ng ticket yung short film nila.

Isa sa dahilan kung bakit ako sumali sa film project na iyon dahil sa buong grupo ko ako may pinakamalinis na records at walang background pagdating sa kahit na anong performing, dancing, singing at acting. Sadya talagang pumasok ako sa kumpanyang ito ng walang kahit na anong experience sa pagsali o pagparticipate sa ganoon.

Hindi gaya nila, sila Kayla, Alliah at Cielo ay dati ng sumasali sa mga dancing competition may cover group sila noon at narepresent na nila ang pilipinas sa ibang bansa. Si Karen naman nagrerelease narin sya ng song at dance covers nya dati sa youtube channel nya. Si Lenie naman she was a trained ballerina at dati rin syang sumasali sa modeling.

"Ah, ganun ba. Salamat." Yun lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko talaga alam kung papaano ang magiging reaksyon ko.

"May isusuot ka na ba mamaya?" tanong ni Kayla

"Meron naman, nakapili na ako ng damit ko."

"May mag-aayos na ba saiyo? Maganda ka na pero kailangan nating siguraduhin na aagaw ka dapat ng atensyon doon." sabat ni Karen.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon