CHAPTER 21 FAMILY

55 0 0
                                    


CERYS

Nasa tapat ako ng kwarto kung saan naroon si Josh. Kanina pa ako dito pero ni hindi ko magawang pumasok. Sabi sa amin kanina ayos naman na daw ang estado nya, hinihintay nalang namin na magising sya.

Nakaramdam ako na may lalabas ng pinto kaya tumalikod kaagad ako at akmang babalik sa kwarto ko. Pareho kase kaming naka-admit ngayon sa hospital para magpagaling, nasa VIP rooms kami dahil nakaabang ang media and reporters sa labas mahirap na baka may makalusot.

"Aya." Nang marinig ko ang boses nya napalingon ako. Si Ken pala ang lumabas ng kwarto. Sila kase ang magbabantay kay Josh hanggang sa makarecover sya.

Dali syang lumapit sakin para alalayan ako. "Bat nandito ka pa? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" umiling ako bilang tugon. Umupo kami sa upuan sa gilid, inalalayan naman nya ako para makaupo dahil nakasaklay ako ngayon at nakabenda ang braso, mayroon ding nakabalot sa sugat sa ulo ko.

Nagpatingin na ako kanina pagkatapos kong kuhaan ng dugo, hindi naman ako nagkafracture at hindi ganoong kalala ang inabot ko. Kailangan ko lang daw talaga ipahinga ang katawan ko hanggang sa gumaling kung gusto ko pang makabalik sa pagsasayaw.

"Kamusta sya?"

"Hinihintay na lang syang magising."

"Sila Jah?"

"Tulog na si Jah, si Paulo at Lester gising parin, hindi rin ata makatulog."

"Ikaw, bat di ka pa matulog? Bat ka lumabas?"

"Pupunta sana ako sa kwarto mo para magbantay saiyo." Napangiti ako ng sabihin nya iyon.

Hinawakan ko ang isa nyang kamay, may mga plaster doon dahil may sugat din syang natamo mula doon sa pagkakabasag nya sa lalagyan ng fire extinguisher kanina pero buti nalang ay hindi ganoong kalala ang mga iyon. Pero kahit na ganoong kababaw lang ang natamo nya, naiinis parin ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari.

"Masakit ba?" tanong ko.

Umiling sya at hinawakan ang kamay ko. "Wag mo munang alalahanin ang ibang tao, alalahanin mo sarili mo."

Kahit na sabihin nya iyon, hindi nakakatulong dahil kahit anong mangyari alam ko namang ako ang dahilan kung bakit may mga napahamak, kung bakit nalagay sa kritikal na kondisyon si Josh. "Aya, please." Nagpakawala sya ng hinga saka pinunasan ang luha na kumawala sa mga mata ko. Di ko namalayan naluluha na naman pala ako. "Wala kang dapat ika-guilty sa nangyari, ginawa mo lang naman ang tingin mong tama."

Nang sabihin nya iyon naiyak ako lalo pero natatawa at the same time. Alam na alam nya talaga kung ano ang nararamdaman at nasa isip ko kahit wala akong sabihin. Inakbayan nya ako at niyakap ng isa nyang braso para patahanin.

"Naiinis ako kay Josh, Ken." Isinandal ako ang ulo ko sa balikat nya. "Bat nya ginawa yun? Diba ayaw nya sakin? Dapat hinayaan nya na lang ako, ako naman dapat kase ang mapapahamak hindi sya."

"Don't say that. Josh won't be happy hearing those words from you."

"Kainis kase! Dapat pala hindi na lang ako nangialam. Sana hindi na ako umepal doon."

"Kung hindi ka nangialam, edi sana napahamak na yung tinulungan mo at hindi nasa kulungan ngayon yun lalaking nanakit sainyo." Hinarap nya ako nang sabihin nya iyon. "Im sure proud si Josh saiyo, Aya, kaya huwag mong sabihin iyan."

Muli na namang may lumabas na luha sa mga mata ko ng sabihin nya iyon, kaya narinig ko syang natawa ng kaunti. Nakakainis talaga itong lalaking ito, alam nya talaga kung ano ang dapat sabihin para mapagaan ang pakiramdam ko.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon