KENJI
"I'll get this one and this one. Then size 9 of these pair of shoes." Ibinigay ko na doon sa isang sales lady ang mga napili kong damit at sapatos. Nandito ako sa isang boutique shop ng isang mall, namimili ng mga bagong damit at sapatos.
"Youre here again Ken, long time no see!" lumingon ako sa taong tumawag sa akin. Si Mavs pala, isa sa mga kaibigan ko at sya lang naman ang mayari netong clothing line na ito.
"'Sup, Mavs!" I gently tapped his shoulder and he did the same thing to me.
"Mukhang napapadalas ang pagbili mo sa shop ko a, halata namang saktong sakto sa style mo ang mga clothes ko." Natatawa nyang sabi. "Bat di mo pa kase tanggapin ang alok ko na maging ambassador ko? Sigurado mas rarami ang magiging fans mo at mas lalaki ang sales ko."
"Then what? For free? I need to pay my bills, man."
"'To naman, presyong tropa lang."
"Sige, basta hindi lang ako. Kasama ko rin dapat members ko."
Napangiwi sya at lumayo uli sa akin. "Hindi ko kayo afford, man. Kung mag-isa ka lang kaya ko pa."
Natawa na lang ako sa kanya dahil kahit kailan talaga ay napaka kuripot ng isang ito. Businessman nga. Pabalik na sana ako sa pagtingin uli ng mga damit na matitipuhan ko nang marinig kong maring ang phone ko.
Boy Bugnutin calling...
Bakit naman tatawag ito? Rest day namin ngayon, ayoko makita o marinig kahit na sino sa kanila dahil nagsasawa na ako sa mga presesya nila. Di ba pwedeng bigyan ako ng isang araw ni Lord na makalayo sa mga ito?
"Sagutin ko lang ito Mavs." Tinanguan nya ako at hindi na pinansin. Lumabas naman ako ng store nya para magkausap kami ng malinaw ni Pau. Sasagutin ko yung tawag kahit ayoko baka mamaya hindi ako pauwiin ng condo e.
"Hello, Pau."
"Asan ka Ken?"
"Namimili ng damit." Naririnig kong medyo maingay sa lugar nya, ilang putok ng baril at tumatawa tawa pa si Josh sa gilid nya. Oo nga pala, ngayon nga pala sila pupunta ng shooting range.
"Hindi ka ba pupunta rito? Kanina ka pa namin hininhintay. Bat di ka sumama?" tanong ni Paulo. "Oy, Pau! Si Ken ba iyan? Pasunurin mo na rito, maglaban kami." Rinig kong sabi ni Josh sa kabilang linya. "Manahimik ka dyan, Josh!"
Natawa na lang ako sa narinig ko. "Hindi muna ako pupunta dyan ngayon, next time na lang siguro. I have plans today, bro." kahit ang totoo wala pa akong plano kung paano ko gagamitin ang isang buong libre kong araw ngayon. Gusto kong magliwaliw kahit saan dahil napakadalang ng ganitong araw para sa amin.
"Sige, ingat ka na lang bro." may ilan pang hinabilin at sinabi si Paulo bago niya ibinaba ang tawag.
Madalas kase kaming tatlo pumunta sa shooting range na iyon. Nakahiligan naming tatlo ang mga baril at pag-aasinta simula nung naglalaro kami ng ilang online games sa phone namin. Naisip namin bakit hindi kami matuto mismong humawak ng baril kaya sinubukan namin iyon at kapag may libreng oras kami ay nag-eensayo kaming tatlo umasinta.
Si Jaster at Lester hindi nila gaanong gusto ang mga iyon, though naglalaro din naman sila ng ilang online games gaya ng amin ay hindi nila ginustong aralin humawak ng mismong baril dahil daw ang ingay nun.
Kami nila Paulo at Josh, may sarisarili kaming baril sa bahay. Lisensyado naman kami para makahawak ng ganoon.
Pagkababa ng tawag ni Paulo ay ibinaba ko na cellphone ko saka ko lang napansin na nasa loob parin pala ako ng mall, nakaligtaan kong isuot ang facemask ko at hoodie ko bago ako lumabas ng boutique ni Mavs kaya napagtitinginan tuloy ako ng hindi oras dito.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomansaMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...