"Ken-ken, anak."
Narinig kong tawag ni Mom sakin habang kumakatok saka nya binuksan ang pinto ng kwarto ko. Napatigil tuloy ako sa pagstrum ng gitara ko
"Baba ka na anak, nandyan na ang mga bisita."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko para sumama sa kanya palabas.
"Wait mom, I have something for you." Sabi ko saka nahihiya kong inabot sa kanya ng isang bracelet na ako mismo ang gumawa.
Ngayon ko na ibinigay sa kanya dahil nakokorninhan ako kung sa harap pa ng mga bisita ko ibibigay ito.
"Salamat, anak." Niyakap naman nya ako at hinalikan sa noo.
"Happy Birthday, Mom!" bati ko sa kanya saka kami lumabas.
Lumapit kami kay Dad na may kausap na isang lalaki at babae, they are talking about business na hindi ko maintindihan. My dad introduces me to them.
"Ken-ken magmano ka kay Tito Rouel at Tita Niziel mo." Ginawa ko naman ang sabi nila.
"Ohh ito pala si Ken-ken, gwapong bata a. Mukhang maraming papaiyaking babae." Sabi ni Tito Rouel kay Dad at nagtawanan silang apat.
"Akala ko may makakalaro na si Aya dito sa party mo Felice, akala ko mag-kaedad lang sila ng anak mo." Sabi naman ni Tita Niziel kay Mom.
"Ilang taon na ba si Aya?"
"6years old palang sya kaya medyo pasaway pa ang batang iyon."
"Ah, si Ken-ken 9yrs old na. Sa pagkakaalam ko same school lang sila ng pinapasukan ng anak mo."
Wala naman akong kilala sa mga bisita nila Mom, mas gusto ko nalang magkulong sa kwarto o di kaya'y sumama kay Lolo Ipe at makipagkwentuhan sa kanya.
"Oo nga pala, asaan si Aya?" pagtatanong ni Mama
"Hindi nga namin alam kung saan nagsusuot ang batang iyon. Kanina ay andito lang sya." Sagot ni Tito Rouel
"Ayun sya Hon, nasa dessert section. Natutuwa sa chocolate fountain. Wait tawagin ko."
Umalis naman kaagad si Tita Niziel para siguro sunduin yung anak nya, nag-usap namang uli sila Dad at Tito tungkol sa business na balak nilang buuin.
Gusto ko ng bumalik sa kwarto ko, wala naman akong gagawin dito.
"Aya, wag kang pasaway! Sabi ko di ba behave ka lang."
"Eh, mama naman kumakain pa ako doon e. Wala naman ako gagawin dito! Gusto ko nang umuwi."
"Wag kang pasaway Aya, napag-usapan na natin ito. Sabi mo magbebehave ka."
Nakita namin si Tita Niziel pabalik sa amin na may kaladkad kaladkad na batang babae na naksuot ng puting dress at sobrang dungis ng mukha dahil sa chocolate.
"Felice, Athan! Eto si Aya." Sabi ni Tita Niziel kela Mom at Dad.
"Mukhang may nag-enjoy sa chocolate a." pabirong sabi ni Dad doon sa bata.
Ngumiti naman ang batang iyon kela Dad at Mom na nangingitim ang ngipin dahil sa chocolate kaya natawa sila.
"Hello po Tito at Tita! Ako po si Aya." Malawak na ngiti nya saka nagmano kela mama at papa.
Napunta naman ang tingin sa akin ng bata at parang nabigla sya.
"Ohh, kilala kita a." sabi nya.
"kilala mo si Ken-ken?" tanong ni Mom sa kanya.
"eh? Ken-ken ang pangalan mo? Ang korni naman." Tapos bigla syang tumawa kaya pasimple syang kinurot ng mama nya. "Ay, sorry. Opo, tita kilala ko sya." Sabi nya pinipigilan ang ngiti nya.

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...