CHAPTER 3 TOKEN OF GRATITUDE

24 0 0
                                    

CERYS

"Maam. Sir. Gising po."

Napamulat ang mata ko ng may gumising sa akin na maintenance employee. Nagulat pa ako kaunti tsaka ko lang naalala na nalock pala ako dito sa roof top kaya si kuyang maintenance ang bumungad sakin.

Ansakit ng likod at leeg ko dahil nakatulog ako ng nakaupo at nakadantay ang ulo ko sa balikat ng katabi ko. Di ko maangat yung ulo ko mula sa pagkakadantay dahil parang may mabigat, yun pala ay nakadantay din ang ulo ni Ken sakin.

Ano ba nangyari kagabi? Sa ganitong pwesto na pala kami inabutan ng antok. Naglatag pa man din ako ng tela at nag-agawan pa kami sa unan di pala magagamit. Sayang effort.

"Gisingin nyo na po si sir, maam."

Tinapik ko si Ken para magising dahil mukhang malalim ang pagkakatulog nya.

"Hoy! Gising na kailangan na nating umalis." Ilang tapik pa ay nagising narin sya. At gaya ko mukhang nangalay rin ang likod nya.

Tumayo sya at nag-unat unat kaya ako ay tumayo narin. Hinarap ko yung maintenance at tsaka ko tinanong kung sya ang naka-assign dito sa area na ito. Pinagsabihan ko na sa susunod ay tignan nya muna ang roof top kung may tao bago sya magsara. Nag-sorry naman sya at nangakong di na uulit.

"Anong oras na ba?" mukhang maaga pa at wala pang tao dito sa kumpanya.

"Mag-aala-sais palang po, Maam.''

May training ako mamayang alas-otso at parang ayoko tuloy umattend dahil ansakit ng likod at leeg ko. Medyo masama pa pakiramdam ko dahil naulanan ako kahapon at di nakapagpalit ng damit. Yung kasama ko kaya? Lumingon ako para tignan kung ayos lang sya pero hindi ko na sya mahagilap.

"Kuya, nasaan yung kasama ko dito kanina?" tanong ko kay kuyang maintenance.

"Umalis na po ata Maam. Di ko rin po kase napansin." Ang bilis naman nung lalaking yun, di man lang nagpaalam na aalis sya.

Umalis na rin ako ng roof top pagsabi ni kuya nun dahil wala naman na akong gagawin doon. Ang sakit talaga ng likod at leeg ko kaya balak ko umuwi na lang. Mabuti ng wala pa masyadong tao dito sa company kaya walang nakakita sa akin o sa amin dito. Tinawagan ko nalang si Alliah para alam nya na hindi ko kaya makapasok ngayong araw.

Kinuha ko na muna ang mga gamit na naiwan ko sa locker ko tsaka ako bumyahe pauwi sa bahay ko. Gusto ko parin ipagpatuloy ang tulog ko at ipahinga pa ng maayos ang katawan ko. Pakiramdam ko rin kase ay kulang din ako sa tulog.

Pagkarating ko ng bahay ay kumain ako, naligo, nagpalit ng damit at saka natulog. Pagkapikit ko sa higaan ay nakaiglip agad ako.

Nagising ako sa sunod sunod na door bell na narinig ko sa bahay ko. Tinignan ko ang oras pasado tanghali na pala, nakatulog rin ako ng mahaba haba. Pero sino ba iyong nagdodoor bell na iyon? Wala namang may nagsabing may pupunta rito.

Dali dali akong pumunta sa gate para magbuksan ang kung sino mang nang-istorbo sa tulog ko. Pagkabukas ko noon ay lumantad sakin si Jaster na hawak hawak ang pwetan nya at nagtatatalon.

"Bakit ka---"

"Maya maya na ako magpapaliwanag Ace. Alis dyan! Excuse me." Sabi nya sabay karipas papasok ng bahay ko habang hawak parin ang pwetan nya.

Hindi na ako nakapalag dahil parang sa estado nya ay hindi ko naman sya mapipigilan kaya sinundan ko nalang sya papasok sa bahay ko. Nadatnan ko syang nag-iikot sa sala at parang may hinahanap. Nung nakita nya ako ay humarap sya sakin.

"Saan ang CR dito?"

Tinuro ko ang pinto kung nasaan ang CR saka dalidali syang pumasok doon tsaka nilock ang pinto. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng kubeta at lumabas sya.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon