Unang kabanata : The boy who cried wolf!

471 62 6
                                    

Sa pagbalik ng ulirat ni Peter sa pagdating n'ya sa mundo ng diyosa, agad n'yang narinig ang paglagaslas. Sa pagmulat ng kanyang mga mata, napanganga s'ya sa nakita. Sa harapan ni Peter ay ang isang matayog at mabatong burol.

Nang makabawi ang lalaki sa pagkamangha ay hinanap ng paningin n'ya ang naririnig na paglagaslas.

Sa kanyang pagyuko ay nakita n'ya ang makinang na dumadaloy na tubig. Muling namangha si Peter.

Sigurado na s'yang wala s'ya sa Earth.

Sa mahigit dalawampung taon n'yang pamamalagi sa mundo, ni isang beses ay hindi pa s'ya nakakita ng anyong tubig na kasinlinis ng nakikita n'ya sa kasalukuyan.

Hinawakan ni Peter ang kanyang mukha.

Sa sobrang linis ng tubig ay maaari ka ng manalamin.

"Wala namang pinagbago. Talaga bang namatay ako? Bakit 'yun na 'yun pa rin ang itsura ko?" Tanong ni Peter habang tinatagilid ang mukha, at nanliliit ang paningin.

Makaraang maglaho ang pagkamangha sa kalinisan ng tubig, inumpisahan ng magmasid sa paligid si Peter.

Tumalikod s'ya at nakita ang isa ring matayog at mabatong burol. Makaraan 'yon ay tiningnan n'ya naman ang bandang kaliwa n'ya.

Nakita n'ya ang matulin na pag-agos ng tubig sa makipot na batis. Hindi makita ni Peter ang dulo ng anyong-tubig.

Samantalang ang kinatatayuan n'ya ay isang makipot na daanang lupa sa pagitan ng burol at batis.

Pinahiran ni Peter ang pawisan n'yang noo.

Sinulyapan n'ya ang kalangitan. Itinabing n'ya ang kanang kamay sa tapat ng kanyang noo upang hindi direktang tumitig sa araw.

Ang langit ay hindi kulimlim. Mababa ang tyansang uulan. Ang bughaw na langit ay puno ng mapuputing palutang-lutang na kaulapan, na pawang mababagal na naggagalawan pasilangan.

Ang haring-araw ay marilag na sumisilay sa lahat ng nilalang na abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Base sa obserbasyon ni Peter, patanghali pa lang ayon sa posisyon ng araw, maging sa init ng kapaligiran. Yun ay kung ang mundo ngang ito ay isang parallel earth gaya ng sinabi ng diyosa.

Iniluhod ni Peter ang isang tuhod sa lupa. Pinagsalikop n'ya ang dalawang palad. Ibinaba n'ya ang mga ito sa batid upang sumalok ng tubig. Hinilamos ng lalaki ang una. Ang mga sumunod ay nilagok ni Peter upang pawiin ang panunuyo ng lalamunan.

Naglakad si Peter paalis sa lugar.

Sa bawat paghakbang ay ang pawang pagkalabog ng bilanggo sa kanyang dibdib.

Pinaghalong kaba at pagkasabik ang nadarama ni Peter.

Kaba dahil wala s'yang kaide-ideya sa bagong mundong kanyang pananahanan. Nandoon na rin ang pag-aalala sa mga panganib na maaari n'yang kaharapin.

Sabik dahil sa mga inaasahang bagay at pangyayari. Tulad na lang ng kakayahang gumamit ng mahika.

Binaybay n'ya ang makipot na daanan sa pag-asang makakita s'ya ng anumang uri ng pamayanan.

...

"Waaa!" Makapatid-litid na sigaw ni Peter. Litaw ang kanyang ngala-ngala.

Matuling humahangos ang lalaki. Mas matulin pa ang takbo n'ya sa isang mananakbo sa Olympics sa binabaybay na kakahuyan.

Maya-maya lang ay lumabas ang isang lobo na malinaw namang humahabol kay Peter.

"Kapag minamalas ka nga naman."

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon