Ikalabimpitong kabanata : Befriending a wild child!

91 24 0
                                    

Makinis ang mukha nito.

Mapagkakamalan talagang tao kung ang mukha lang ang 'yong pagbabasehan.

Isang bata? nasurpresa at may pagtatakang tanong ni Peter sa kanyang loob-loob.

Nataken-aback si Peter nang mag-expand ang vision na nakapokus lang kanina sa maliit na mukha nitong nakaengkwentro.

Normal na maliit ang mukha nito dahil bata pa lang pala ang isang 'to.

Maganda.

Iyan ang unang salitang pumasok sa isipan n'ya kung paano ide-describe ang maliit na nilalang.

Kulay brown?

Not exactly right nor wrong.

It's more like ashen brown ang pitis na pitis nitong balahibong bumabalot sa halos buo nitong katawan.

Ashen brown is obviously brown in color but it has a tinge of gray and silver into it. Meron ding kahalong shiny glow ang balahibo ng nilalang.

Kung 'di mo 'yon mamasdang mabuti ay aakalain mong balat lang 'yon ng tao kesa sa balahibo.

Ang buong dibdib pababa sa tiyan ay ibang kulay ang balahibo. Kakulay ng mukha nitong medyo maputi.

"Gwi! Gwi! Griiiii!" angil nito sa kanya. Pilit nitong pinakikita ang ngipin in an attempt to intimidate which is an utter failure. Masyado itong cute upang katakutan.

Oo. Meron itong broad shoulders at matipunong pangangatawan na nagbibigay rito ng element of coolness ngunit mas nananaig pa rin talaga ang ka-cute-an. Its tummy and cheeks appears to be too healthy.

Di na napigilan pa ni Peter ang kinikimkim na tawa sa inaakto nitong may kakaibang mga pattern sa katawan na batang unggoy. Tipid s'yang tumawa na 'di naglaon ay naging hagalpak na halakhak.

"Gwe?!" ungot ng batang unggoy sa pagkalito.

Napapapahid sa dulo ng mga matang huminto si Peter.

"Sorry!" hingi n'ya rito ng dispensa.

Napakamot sa ulo ang batang unggoy. Di n'ya mapakiwari ang gagawin sa wirdong kaha-kaharap. Napaatras s'ya nang akmang hahawakan s'ya ni Peter.

"Sorry," awkward na sabi ni Peter.

Napaisip si Peter. Di nagtagal ay tila may nagsinding light bulb sa ulunan n'ya.

Tama, aniya sa sarili.

"D'yan ka lang!" excited na bilin ni Peter sa batang unggoy.

"?" naestatwa at nalilitong naiwan doon ang batang unggoy. Di nito alam kung aalis na ba s'ya o hindi.

Maingat at dahan-dahang lumapit si Kawaii-kun sa mailap na unggoy.

Napaatras ang bata.

"Kyu!" sumubok ang Regeneration Slime na makipag-communicate rito.

"Gwe?!" walang-ideyang sagot ng batang unggoy.

Bumuhos ang imaginary na luha ng parang batang si Kawaii-kun.

Na-frustrate man, at least ay na-pique naman ng Regeneration Slime ang curiosity ng inosenteng nilalang.

"Gra!!" reklamo ng grumpy na Terrestrial Wolf.

Nagulat at napaatras ng isandaang hakbang patalikod ang batang unggoy.
Gutom na si Ichiro ngunit binilinan sila ng kanilang master na off-limits ang kaharap nila ngayon.

"Grr! Grr! Grr!" galit na angil ng batang unggoy na ngayon lang napansin ang malaki ngunit nananahimik na asong-lobo.

"Kyu!" pinagalitan ni Kawaii-kun ang asong-lobo dahil sa nasaksihan.

Taos-puso ang nararamdamang galit ng batang unggoy sa appearance ni Ichiro. Malaki kasi ang pagkakahawig n'ya sa kanila. Sa mga nilalang na kumitil sa kanyang ama at sa kasalukuyang mga kinakalaban ng kanyang ina sa araw-araw.

Laglag ang pangang nagpabalik-balik ang mga mata ni Ichiro sa batang unggoy at kay Kawaii-kun. Meron itong suot-suot na wronged look. Wala s'yang masamang ginawa rito kundi isang singhal lamang. Di n'ya naman alam na sobrang sensitibo pala ng unggoy na 'to. Medyo bad mood lang naman s'ya. Kung alam n'ya lang sana, sana'y 'di n'ya na 'to pinagdiskitahan at sinubok subukan.

Napansin ni Peter ang kakaibang atmospera sa pagitan ng mga binilinang alaga at maging nang nagpupuyos sa galit na batang unggoy sa kanyang pagbabalik. Tiningnan n'ya isa-isa ang dalawang alaga. Nang lumapat ang tingin sa asong-lobo ay napansin n'ya ang ginagawa nitong pilit napag-iwas sa kanyang mga mata. Umiling-iling at napangisi na lang si Peter nang ma-gets ang tunay na nangyari.

Dumukot sa ngayo'y bitbit-bitbit n'ya ng sling bag ang ating bida.

Sa paglabas muli ng kanyang kamay rito ay meron na 'tong kasa-kasamang  isang mahaba't-matabang prutas.

Slow motion n'yang binalatan ang saging. Mabagal rin s'yang humakbang papunta sa pwesto ng maliit na unggoy. Sa bawat paghakbang ay sinasadya n'yang pagalawin pagewang-gewang ang bagong natalupang saging. Napangiti si Peter sa pagtatagumpay ng kanyang plano. Hindi gumagalaw sa pwesto at atentibong na-hook sa hawak-hawak n'yang saging ang inosenteng unggoy.

Di naglaon ay nakarating sa harapan ng unggoy si Peter.

Maingat na nagpabalik-balik ang tingin ng unggoy kay Peter at sa saging. Sa takam ay napaikot ito ng dila sa paligid ng mga labi.

Marahang inilapit ni Peter ang saging sa mukha ng unggoy.

Akmang aabutin na ng unggoy ang saging ngunit agad din nitong binabawi ang iniusling kamay. Naulit 'yon ng makailang beses bago nito tuluyang 'di na natiis ang kagustuhan.

Pakurap-kurap na pinanonood ni Peter ang masiyang kumakain ng saging na unggoy. Natawa s'ya nung masama s'yang tingnan nito na akala mo ay aagawin ang binigay na pagkain. Nailing s'ya nang mukhang luging-luging napatingin ang unggoy sa balat ng saging. Nagliwanag ang mga mata ng unggoy nang binaba n'ya sa harapan nito ang isang piling ng saging na nilabas n'ya mula sa kanyang bag. Agad 'yong nilantakan ng unggoy. Di na-resist ni Peter ang temptasyon at maingat na pinat ang ulo ng namumuwalang nilalang.

Nagmaang-maangan ang unggoy sa mga haplos ng nilalang na ngayon n'ya pa lang nasilayan. Masyado s'yang busy at good mood sa pagkain ng masasarap na prutas. Dahil ang nilalang sa kanyang harapan ang nagbigay sa kanya nito ay pagbibigyan n'ya muna ang paghawak sa kanya nito.

Ngayon lang. anitong batang unggoy sa kanyang kalooban. Patuloy pa rin ito sa pagsumpal ng mga saging sa kanyang namumuwalang bibig. May umaasang tingin ang ibinigay ng unggoy sa pagtingin n'yang muli kay Peter. Kung anu-ano rin ang pinagsasasabi nitong 'di maunawaan ng tatlo.

Gayunpaman ay nahalata pa rin ni Peter sa exaggerated na gestures ng unggoy ang nais nitong ipahiwatig.

Di malaman ni Peter ang isasagot sa umaasang batang unggoy. Napakamot tuloy sa batok ang lalaki.

"Uhm.." umpisa ni Peter.

"Balik ka na lang dito.." turo ni Peter sa kinatatayuan, "bukas."

"Wala na kasi akong dala," mwestra n'ya kasabay ng sinasabi n'ya.

Nakailang ulit si Peter ng dalawang sinasabi bago maunawaan ng unggoy ang kanyang pakahulugan.

Nalaglag ang balikat ng inosenteng nilalang sa realisasyon. Maagap namang inalo at yinapos-yapos ni Peter ang unggoy at pilit pinaunawa ang sinabi.

Makaraan ang ilang paliwanag ay naka-recover naman ang unggoy.

Unti-unting lumakad paalis ang nilalang ngunit 'yon ay bago makailang ulit na sumulyap-sulyap sa kanya. Sa bawat sulyap nito ay s'ya namang pagkaway n'ya rito. Medyo nag-aalala s'ya kung naunawaan bang talaga ng batang unggoy ang kanilang usapan.





Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon