Ikapitong kabanata : The older, the wiser

209 35 1
                                    

"Kamusta naman ang pamimitas mo sa kakahuyan ginoong mangangalakal?" Bungad ng magbubukid na si Richard kay Peter.

"Naging masagana ang aking pag-ani." May siglang sambit ni Peter. Kasabay noon ay ang paglalabas n'ya sa isang may katamtamang laking prutas, isang pirasong dalandan.

Batak na batak ang mga daliri ni Peter sa pagkakahawak sa isang kulay kahel na dalandan. 'Di hamak na mas malaki ito sa mga pangkaraniwang tinitinda sa mga palengke sa Earth.

"Pasensya na ginoong mangangalakal kung sakali mang madarama mong binabastos ko kayo sasabihin. Ngunit ngayon pa lang ay sinasabi ko ng hindi iyon ang intensyon ko." Pasintabi ni Richard.

Tumango si Peter bilang pagpayag na naghudyat sa pagsasalita ng magbubukid.

"Kung masagana ang iyong naging pag-ani nasaan na ang bungkos ng iyong mga prutas?" Pagkwestiyon ni Richard kay Peter.

Malakas na tinapik ni Peter ang kanyang suot-suot na malaking sling bag.

Otomatiko namang tumungo roon ang mga mata ni Richard.

"Tama na ho ang pagtawag n'yo sa'kin ng ginoong mangangalakal. Peter na lang po." Request ni Peter sa magbubukid.

"Medyo nakakalito. Kapangalan mo kasi ang anak ko." Sagot naman ni Richard. "Pero kung iyan ho ang nais n'yo."

"Salamat." Ani Peter.

"Ibig mo bang sabihin ay nandyan ang mga napamitas mo, Ginoong Peter?" Kuryosong pagbabalik ni Richard sa topic sa pamamagitan ng isang tanong.

"Oo." Pagkumpirma ni Peter.

Napanganga ang magbubukid.

"I-ibig mong sabihin isa 'yang dimensional bag gaya ng sa mga alamat?" Nanlalaking mata at hindi makapaniwalang tanong ni Richard.

Tumango si Peter na ikinatulala ng magbubukid.

Tumango si Peter ngunit sa katunayan ay hindi 'yon isang dimensional bag. Isa lamang 'yong normal na sling bag na binigay sa kanya ni Peach. Sa totoo lang kumuha lang s'ya ng tig-iisang piraso ng mga napamitas na prutas at sinilid sa bag.

Kung ganun bakit s'ya nagsinungaling? Bakit n'ya pinalalabas na isa 'yong dimensional bag?

Dahil convenient yun para sa kanya. Dahil 'yon ang hinihingi ng pagkakataon.

"Pinag-iisipan ko kung paano at kung may pagkakataon bang magamit ko ang mga prutas na ito sa pagkakalakal?" Sabi ni Peter kay Richard.

"Mawalang-galang na Ginoong Peter. Wala ka bang dala-dalang produkto mula sa pinanggalingan mo?"

Napasigaw na lang si Peter sa isipan n'ya nang makuha ang inaasahang tanong.

"Meron naman ngunit pinag-iisipan ko pa kung ilalabas ko ba iyon." Umpisa ni Peter.

"Bakit pinag-iisipan mo pa ginoo?" Tanong ng magbubukid.

"Mabuti ng maging maingat. Nangangamba akong baka hindi iyon magustuhan ng mga kanayon mo." Pagsisinungaling ni Peter.

"Bakit naman?" Ani Richard. 

"Nature na ng mga taong i-reject o maging maingat sa mga bagong bagay. Sa palagay ko ay bagong produkto sa lugar na ito ang mga mais. Bilang isang mangangalakal ay isa rin akong maingat na tao. Natatakot akong baka pumalya ang negosyo ko at madungisan ang reputasyon ko." Muntik na ring mapaniwala ni Peter sa kasinungalingan ang sarili.

Pinakiramdaman ni Peter ang magiging reaksiyon ni Richard sa salitang mais.

Saglit na pasimpleng napangisi si Peter nang walang maging reaksiyon dito si Richard. Mukhang hindi nga kilala rito ang mais.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon