Ikatatlumpu't-dalawang kabanata : The Giants Garden's treetop skirmish

68 9 0
                                    

"Bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako." si Peter, kay Moriko.

"Nagpapaliwanag lang po, master." si Moriko naman, kay Peter.

"So ano nga ba ang naging resulta nang pambubulahaw ng grupo ng mga taong 'yon sa teritoryo ng mga Terrestrial Lizards?" usisang muli ni Peter kay Moriko.

Kumunot nang matindi ang noo ni Moriko sa naging katanungan ni Peter na animo'y may mga 'di kaaya-aya 'tong mga alaala na sinasariwa.

"Pinatay ng mga taong 'yon ang ilan sa mga Terrestrial Lizard nang walang kahirap-hirap." sagot ni Moriko na nagpalaki sa mga mata ni Peter.

"Anong ginawa n'yo nang masaksihan n'yo 'yon?" usisa ni Peter kay Moriko.

"Wala. Napatunganga lang kami sa kanila. Masyado kaming nagulat sa mga nakita. Pilit naming nilimi sa aming kaibuturan ang nasaksihan." nag-pause itong si Moriko. Di naman 'yon naging katagalan.

Bago pa man maibukang muli ni Peter ang kanyang bibig, upang muling makapagtanong, ay nagawa na s'yang maunahan ng babaeng Man-Ki.

"Nagpatuloy ang kaguluhan. Di talaga namin inaasahang ganoon pala kalalakas ang mga dayuhang 'yon. Mas lalo kaming namulat nang mag-umpisa ang kanilang pag-ubos sa lupon ng mga Terrestrial Lizard." iiling-iling na kwento sa kanya nang naglalakad sa unahang Man-Ki.

"Doon lang namin lubos naunawaang pagpapakamatay palang talaga ang magiging kaakibat nang pagtatangka naming pagpaslang sa mga taong 'yon. Maswerte pa rin kami at 'di kami naging padalos-dalos at sinugod sila kaagad, kundi ay pulos kami mga nangamatay na." naririmarim na dagdag pang kwento ni Moriko.

Tahimik lang na nakinig ang master nitong magic beast. Sinasaalang-alang n'yang 'di masira ang kaseryosohan ni Moriko sa pagkwekwento.

"Doon na nga s'ya lumabas!" ramdam na ramdam ni Peter ang takot sa pagkakasabing 'yon ng natatangi n'yang babaeng rank C magic beast.

"Isa 'yong malaking dragon. Kagaya ng mga Terrestrial Lizard, nababalot din ng elemento ng kalupaan ang pangangatawan niyon. Di ko pa man din nakukumpirma sapagkat kalalabas palang nito sa panahong 'yon, ay alam ko na rin, na ang malaking dragon na 'yon ay malamang ang pinuno ng matuling nauubos na mga Terrestrial Lizard."
inabutan ni Peter nang maiinom ang alaga n'yang magic beast na napapagal na sa kakwekwento.

"Salamat, master." anitong magic beast matapos pawiin ang pagod.

Tinanguan lang 'yon ni Peter.

"Isang tira lang ng malaking dragon ang kinailangan upang gapiin ang mapapangahas na taong mga 'yon." masiyang pagkwekwento ng kanyang Man-Ki sa konklusyon ng labanan.

"Anong nangyari pagkatapos noon?" usisa ni Peter.

"Bumalik sa loob ng kanyang teritoryo ang malaki't mabatong dragon." tugon ni Moriko.

"Kami nama'y pawang napanganga na lang sa aming nasaksihan. Ang prinoproblema namin na mga dayuhang 'yon ay ganun-ganun na lang idinispatsa ng 'di namin nakikilalang dragon." na-a-amaze na kwento pa ng Man-Ki.

"Noong bumalik kami at kwinento ang nasaksihan naming pangyayari, sangkaterbang sermon ang pinaulan sa'min ng aming sobrang galit na galit na pinuno." may ngiting pilit na binanggit 'yon nang nagre-reminisce pa na si Moriko.

"Sabi n'ya ay maswerte kaming 'di kami tinapos ng dragon na 'yon. Akala mo nga ay kilalang-kilala n'ya 'yung dragon sa pamamaraan ng pananalita n'ya." puna pa rito ni Moriko.

"Sa sumunod n'yang sinabi ay napatunayan ko na tama nga ang aking hinala. Kilala n'ya nga raw ang dragon. Ang dragon daw na 'yun ay isa sa mga tagapamahala ng aming kagubatan.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon