Ikalabing-anim na kabanata : Young monkey

108 26 0
                                    

Banayad na umiihip ang mahalumigmig na hangin sa isang maaliwalas at payak na umaga.

Nag-iindakan ang naglalaparan at mayayabong na mga dahon sa pagsamyo nitong mapepreksyong mga bugso ng hangin.

Rinig na rinig din sa malayo ang kontentong putakan at harutan ng ligalig na sangkamanukan. Maluwat silang nagtatakbuhan sa masamyong parang. Malugod nilang
ine-enjoy ang maririkit na tanawin sa ubod-lawak na kinikilusan sa mumunting oras ng kanilang kasarinlan.

Sa lilim ng natatanging puno sa lugar mauulinigan ang mga wirdong tunog nang mahahabang paghigop.

Sa kabilang banda ay may matagal-tagal na ring lumiligid-ligid na isang kahali-halina at mumunting paru-paro sa punong ito hanggang sa 'di na nga nito napigilan ang matinding kagustuhan. Dumapo ang paru-paro sa madidilaw at mahahabang bunga sa ilalim ng naglalaparang mga dahon.

Sa ilalim ng matabang katawan ng punong yaon ay makikita ang paulit-ulit na paggalaw ng isang higanteng bultong may kulay tsokolate at bahid ng kadahunan.

Ang bultong ito ay isa palang kakaibang uri ng asong-lobo. Isang variant. Isang rare na lobong nag-evolve bilang isang resilient na Terrestrial Wolf. At ang asong-lobong ito ay isa sa dalawang alaga ni Peter na nag-e-especialize sa labanan na kung tawagin ay Ichiro. Relax na nakasalampak ang asong-lobo salungat sa nakaka-intimidate na imahe ng higanteng nilalang. Ang buntot nito ay matulin na umiikot-ikot na animo ito'y elesi. Ang kanyang ulo ay gumagalaw rin paitaas at ibaba. Dinidilaan n'ya kasi sa buong mukha ang namumutla at may mahigpit na nakasarang mga talukap na si Peter.

Samantalang ang Regeneration Slime na si Kawaii-kun ay 'di pa rin umaalis sa kanang balikat ng amo simula pa nang insidente kagabi. Halos humiwalay kasi ang balikat ni Peter sa kanyang katawan. Mahahalata mong sobra ang pag-aalalang nadarama ng Regeneration Slime kahit 'di n'ya ito maipakita dahil sa kanyang kakulangan ng ekspresyon.

Di pa rin kasi nagigising ang kanilang amo kahit naagapang gamutin ni Kawaii-kun ang malubhang pinsala.
Marami-rami rin kasing dugo ang nawala kay Peter sa maikling pagbuka na 'yon ng kanyang malubhang sugat.

"Wah!" Napatalon sa tuwa ang dalawang pets nang mamulat at tuluyan nang magkamalay ang kanilang pinakamamahal na amo.

Inihit ng ubo si Peter dahil pinasok ng 'di n'ya malamang uri ng likido ang umawang na bunganga. Nakalasa rin s'ya ng may pinaghalong lansa at mabatong lasa. Madiin n'yang pinahiran ang basambasang mukha pagkaupo n'ya mula sa pagkakahiga.

"Ano 'tong pinahid n'yo sa'kin Ichiro at Kawaii--" Naputol ang sasabihin n'ya dahil dinamba na s'ya ng dalawa.

"Ugh," daing ni Peter. Sumakit especially ang likod, likuran ng ulo at baba n'ya sa pwersahang pahigang bagsak n'ya sa lupa ngunit imbes na s'ya ay magalit, tumawa na lang ang master ng dalawa. Hinayaan n'ya lang ang ginagawa sa kanyang pandidila nang nakadagan sa katawan n'yang asong-lobo. Alam n'yang ito ang paraan nito to show its affection.

Lalong natawa ang master ng Livelihood Dungeon nang bigla na lang walang pagho-holdback na inatake ni Kawaii-kun si Ichiro sa mukha.

Napikon ang Regeneration Slime dahil tumilansik ito palayo nang tamaan s'ya ng kuya n'yang si Ichiro noong sabay silang dumamba kay Peter.

Uminit ang puso ni Peter sa simpleng ngunit busilak na interaksyon nilang tatlo. Na-realize n'ya kung gaano talaga kadelikado ang bagong mundong pinanahanan. He has this close-shave sa kamatayan. Sa mundong ito na nag-iisa s'ya at walang kasangga, tanging ang walang hinihiling-kapalit na pagmamahal ng dalawang alaga lang ang tanging makakapitan n'ya. Napatunayan n'ya 'yon kagabi. Hindi nila s'ya iniwan when he was at his most vulnerable and direst moment. He wanted and needed to cherish them more. Handa n'yang ibuwis ang sariling buhay para sa tangi n'yang pamilya.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon