Ikalabinsiyam na kabanata : Commandment

99 22 1
                                    

Bago pa man pumutok ang liwanag ay gising na ang ating bida. Balak n'yang tumungo sa kanilang meeting point sa oras na pumutok ang bukang-liwayway. Na-realize n'ya kasing wala silang na-set na oras sapagkat 'di naman talaga sila nagkakaunawaan.

Pero bago ang lahat ng 'yon ay kinausap n'ya muna si Peach para sa ilang importanteng mga bagay.

Hindi s'ya preparado sa mga sirkumstansyang tulad ng engkwentro n'ya noon kay Felipe.

Learning from his previous mistake ay gumawa na ng countermeasures si Peter.

Nagbigay s'ya ng ilang set ng malilinaw na commands sa dungeon guide. Ito ay magtatake effect in the immediate future. Mag-i-stand din 'to until may i-modify s'ya sa mga utos.

Ang pinakapunto ng kanyang bagong mga kautusan ay sa oras na may 'di inaasahang pangyayari gaya ng insidente n'ya kay Felipe where he is invalidated or missing, si Peach ay magtatake-over at magsu-substitute sa regular n'yang rutina sa paggawa.

Ilalabas ni Peach sa unang oras ng umaga ang kanyang mga alagang manok. Ibabalik sila sa oras na malapit ng lumubog ang araw o kung nagbabadya ang masamang panahon.

Nandyan din ang pagdidilig isang beses sa umaga, tanghali at sa hapon.

Mementinahin din ang kalinis sa loob ng dungeon. Lalong-lalo na ang pagtatanggal ng ligaw na mga damo.

Kung may natapat na dapat anihin sa panahong 'yon ay kailangan n'ya 'yong anihin. Tapos ay dapat n'ya rin 'yong lagay sa karampatang uri ng storage ni Peter.

Meron mang ibang 'di nabanggit ay pawang sari-sari na 'yong 'di lubhang importanteng mga bagay.

"Pasensya ka na. Pangako ko hahanapan kita ng mga makakatulong sa lalong madaling panahon, Peach." napapakamot sa batok na sabi ni Peter.

Taos sa puso ang hiya n'ya sa dungeon guide. Bilang isang lalaki ay inaatasan n'ya ang isang bata, na isang babae pa talaga, ang gumawa sa mga gawain n'ya sa kanyang farming dungeon. Ngunit wala namang choice si Peter dahil marami s'yang task at hand. Pero, mas importante talaga sa lahat ang palakasin ang kanyang battle prowess ng kanyang personnels. That way, mas maproprotektahan n'ya ng maayos ang lahat ng kanyang nasasakupan. He can only feel sorry for her pero he will never retract his pre-existing command.

...

Naka-decuatrong uminom ang isang relax na nakaupong si Peter. Nilapag ang kahoy na baso sa isang kahoy na lamesita. Pagkatapos ay sinandal n'ya ang likuran sa kahoy n'yang rocking chair. Ginawa n'ya ring unan ang pinagpatong na mga braso. Pasipol-sipol n'yang minasdan ang kalangitan habang s'ya ay matiyagang nag-aabang sa katipan. Pinantulak n'ya ang paang nakadikit sa lupa upang paduyanin ang upuan. Kumagat s'ya sa tinapay na kadarampot n'ya lang sa kanyang lamesita. Sa harapan n'ya nama'y magiliw na nagpapambuno ang mga alagang si Ichiro at Kawaii-kun. Kung 'di mo alam ang tunay na sirkumstansya ni Peter ay maliliyo ka n'ya. Aakalain mong silang mag-aamo ay simpleng nag-u-unwind lamang sa isang mapayapang hardin at wala sa mapanganib na Eternal Forest.

Sa katunayan, constantly na nakabukas ang lagusan tungo sa kanyang dungeon, sa kanyang likuran.

Lumapit si Kawaii-kun kay Peter.

"Kyū!" tila ito'y nagpapaalam.

Tuwang-tuwa ang Regeneration Slime matapos s'yang tanguan ng amo. Dali-dali itong dumaib sa malaking kahoy na basket sa harapan ng lamesita sa takot na magbago pa ang isip ng amo.
Naghalughog ito ng makakain.

"Maaari ka ring kumain, Ichiro." sabi ni Peter sa asong-lobo.

Ang lahat ng kagamitang gawa sa kahoy na 'yon ay pawang mga bagay na napamili ni Peter sa travelling peddlar sa ikalawa nitong pagbabalik sa nayon. Sa totoo lang ay meron ng mga kagamitang pambahay sa loob ng master's lodge n'ya na mas magaganda pa rito ngunit wala s'yang balak ilabas ang mga 'yon sa dungeon.
Ang mga kagamitang kahoy ay ilan lamang sa sets na napamili n'ya kay Thomas sa makailang ulit nilang mga transaksyon.

Ibig sabihin, disposable.

Kung magkakagipitan at kailangan magkatakbuhan ay iiwan n'ya na lang ang mga ito. Mas importante ang mga buhay kesa sa mga kagamitan lamang.

"Matutulog muna 'ko. Gisingin n'yo na lang ako kapag dumating na ang batang unggoy o kung may panganib kayong mararamdaman." Bilin n'ya sa dalawa na alerto namang nagtanguan.

...

"Hmm!" kamot sa pisngi ng natutulog na si Peter.

"Hmm!" kunot-noo n'yang kinamot ulit 'yon.

Plak!

Umalingawngaw ang lutong ng pagsampal ni Peter sa sarili.

"Gwihehe!" isang maliit na boses ang nagpipigil ng kanyang tawa.

Pinagpatuloy ng batang unggoy ang maingat na pangingiliti sa mukha ni Peter.

Sobrang kunot na ang noo ng natutulog na Peter. Di pa rin mawala-wala ang pangangati ng isang n'yang pisngi. Nagsisimula na itong ma-badtrip kahit nahihimbing.

Pak!

Nagulantang at napaigkas si Peter sa lakas ng pagkakasampal n'ya sa sarili.

"Gwahaha! Gwahaha!"

Hindi na nakapagpigil pa ang unggoy sa pagbunghalit.

Nawala agad ang pagka-badtrip ni Peter pagkakitang-pagkakita sa unggoy. Pilit nitong tinatago ang katawang hamak na mas maliit sa kanyang alagang slime.

"Cute," mahinang bulalas n'ya.

"Halika rito!" tawag-pansin ni Peter dito.

Talon-lukso namang lumapit ang batang unggoy sa kanya. Excited itong tumitig na may antisipasyon sa kanya.
Inabot ni Peter ang isang piling ng saging sa gulat na gulat na unggoy.

"Sa'yo 'yan. Kainin mo na." maluha-luhang tiningnan s'ya nitong akala mo ay nakatingin sa isang anghel.

Sumalampak ang batang unggoy sa lupa. Sinimulan nitong maganang lantakan ang mga saging.

Umupo si Peter sa tabi unggoy.

Di naman ito natinag sa pag-upo n'ya roon. Ngumiti si Peter. Smooth na nagpro-proceed ang kanyang plano.

Tinuloy n'ya kung saan s'ya nag-stop sa ginagawa kahapon. Inumpisahan n'ya sa pag-pat ng ulo ng inosenteng nilalang. Nag-flinch saglit ang unggoy bago ni-resume ang pagkain. Ilang sandali pa lang ang lumilipas ay nag-attempt muli si Peter. Pinat n'ya ang ulo nito. This time wala na 'tong reaksyon. Naging bolder s'ya. Hinagod n'ya ang ulo nito mula sa harap papuntang likod.

"Grr!" nasasarapan na reaksyon ng batang unggoy.

Napangisi si Peter. Pinagpatuloy n'ya ang paghimas sa ulo ng unggoy maka-ilang beses hanggang sa matapos na itong kumain.

Gaya ng dati, namaalam itong unggoy at tumungo sa kung saan matapos n'yang kainin ang bigay na saging sa kanya ng wirdong kaibigan.

Sa sumunod na araw ay dumating ang unggoy sa kaparehong oras.

Kagaya nang dating gawi ay pinakain ni Peter ng saging ang unggoy pagkatapos ay nag-resume ang pagpapaamo n'ya rito. Nagawa n'ya itong yakapin sa pagkakataong ito.

Naging kaibigan na ng unggoy si Kawaii-kun but for some unknown reason ay hostile ito kay Ichiro to the dismay of the latter.

Nagpatuloy ito sa sumunod pang mga araw hanggang kaibiganin na rin nito ang lobo.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon