Ikalabingwalong kabanata : A bountiful hunt

108 26 3
                                    

Di s'ya mapalagay kung makikita ba ng batang unggoy ang eksakto pwestong ito. Nagpabalik-balik s'ya sa pwesto.

After some brainstorming ay nag-decide si Peter na maglagay rito ng palatandaan na madaling mage-gets ng batang unggoy, at the same time ay magiging palatandaan n'ya na rin ng pinanggalingan before they start roaming to hunt para sa makakain ni Ichiro.

Bumalik sa loob ng dungeon si Peter and after a while ay may dala-dala na s'yang gamit.

Huminga s'ya ng malalim. Umunday sa harapan. Nagkalaglag ang nagtataasang mga damo na nakatirik dito. Sa bawat pagwasiwas ng kamay na may hawak-hawak ng napakatalim na karit ay otomatikong nangangalaglag ang nagtataasang damo. Inulit-ulit n'ya 'yon makailangan beses sa paligid.

Tinarak n'ya ang hawak na karit sa lupa nang ma-satisfy na ang kanyang goal.

Naghalf-knelt si Peter. Sinimulang mano-manong bunutin ang natitirang nakausling mga parte ng damong 'di naputol na nakakonekta pa rin sa lupa sa parteng 'yon ng Eternal Forest.

Bumalik ang tingin n'ya sa matalim na karit sa lupa. Ang karit na 'yon ay binili n'ya noon sa loob ng Livelihood Dungeon. Gamit ang valuable n'yang
dungeon points. Ito ang ikalawa n'yang karit, actually. Meron na s'yang pre-existing sickle nung unang napunta sa kanya ang dungeon.

Binili n'ya lang ito para sa mga panahong nagtutulong sila sa mga gawain ng kanyang dungeon guide na si Peach.

Hinugot n'ya 'yon sa pagkakabaon.

Tumungo s'ya sa pinakagitna ng nahawang lugar. Nag-upong tambay roon si Peter. Ginuhit-guhitan n'ya at binura-bura 'yon makailang ulit. Nang naging mas bihasa na sa paggamit ng karit bilang panulat ay nagtake shape
na ang kanyang drino-drawing.

Napangiwi si Peter sa naguhit.

"Wala akong talento rito," anito, naiiling.

Rinetrace ni Peter ang ginuhit. This time ay mas madiin ang ginagawa n'yang gamit sa karit. Sa ganitong paraan ay 'di 'yon madaling mabura.

"Siguro nama'y madali n'ya na 'tong makikita?" ani Peter habang pinakatitigan ginuhit n'yang isang malaking nakatalop na saging. Di ito perpekto. May mga linyang 'di malilinis ang pagkakatugma ngunit maiintindihan pa rin naman kung ano ang nasa larawan.

Sumulyap s'ya sa isang banda. Ang lugar kung saan dumaan ang batang unggoy. Nung una ay naisipan n'yang tabasin din ang higanteng mga ligaw na damo roon pero he vetoed the idea. Paano kung makita 'yun ng unggoy, malito roon at lumihis ito ng daan. Malamang sa malamang ay 'di pa sila magkita. Nakontento na s'ya sa nagawa.

Unti-unti n'yang paaamuin ang batang unggoy. Kung nanaisin n'ya ay maaari s'yang bumalik kanina sa dungeon upang kumuha ng ilang piling ng saging upang pakainin muli ang unggoy but he resisted the idea.

Tama na muna ang ilang pirasong pinakain n'ya rito. The moment na nakita n'ya s'ya kanina ay alam n'yang dapat n'ya itong maging panibagong companion. Kung aaluin n'ya ang isang nilalang lalo na kung bata pa ito, maling paraan ang pagbibigay rito ng marami agad. Kailangan ay gradually n'yang dagdagan ang amount ng ibibigay n'ya para mas maging grateful sa kanya ang batang unggoy at successfully n'ya itong mapaamo.

Tinatawag n'ya ang plano na OPERATION SEDUCTION.

Malay n'ya, maaaring magka-surprise bonus pa s'ya.

Sa lusog ng itsura ng batang unggoy ay isandaang porsyentong sigurado s'ya na may pamilya ito. He can't resist the possibility na ma-recruit n'ya rin sila with the help of the little one. Lumawak ang ngiti n'ya sa na-e-envision. Pinagpag n'ya ang kanyang ulo. Ni-remind ang sariling 'di 'to ang lugar at oras upang mag-daydream.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon