Ikalabinlimang kabanata : Hunted

136 25 2
                                    

"Ako nga nga pala si Peter. Welcome sa pagiging bagong mga miyembro ng pamilya namin." Masiglang ani Peter sa mga bagong alaga.

Umi-squat si Peter sa tapat ng mga bago n'yang manok. Sa ngayo'y nakaupo ang lalaki sa ere. Ginawa n'ya 'yon upang maging kalebel ang mga mata sa mga kinakausap. Upang maipakita ang kanyang sinseridad at respeto sa kanila para mas madali s'yang pagkatiwalaan ng mga ito.

Maingat n'yang binuksan ang pintuan ng hawla. Marahan s'yang paatras na lumakad palayo rito.

Nakahinga ng maluwag si Peter nang unti-unting ihakbang ng pares ng Frosty chickens ang kanilang makakaliskis na pares na mga paa sa lupa ng Livelihood Dungeon.

Nakatingala at tila proud na proud na tumayo sa harapan ni Peter ang dalawang Frosty chickens.

Napapitlig ng ulo si Peter sa pagtataka sa kakaibang asta ng pares kesa sa tipikal na kilos ng mga manok. At least ay kasalungat ito ng behaviour ng nauna n'yang alagang uri ng manok na kung tawagin ay Silkie na sa una nilang pagtatagpo ay kitang-kita n'ya ang takot.

Although worried, sinubukang i-initiate ni Peter ang soul contract sa dalawang Frosty chickens gamit ang Crest of friendship.

Soon, Peter unpleasantly found his worries were not that unfounded. Sa haughtiness na pinakikita ng pares ng Frosty chickens ay 'di na s'ya nagtakang na-refuse ang initiate n'yang link for the contract. Much to his surprise thought ay ang pagkaka-establish ng isa rito.

Tumingin s'ya sa Frosty chicken na pumayag sa kanyang in-establish na soul contract.

The rooster is rather acting majestic pero nahuli na ni Peter na isa lang pala iyong fake countenance. The moment na na-establish ang contract ay nararamdaman na ni Peter ang emosyon nito, although vaguely lang.

As for the other chicken, the female one, it's rather a very haughty one, kaya naman minarapat n'ya munang pagtuunan ng pansin ang lalaking Frosty chicken. Alam n'yang medyo mahihirapan s'ya sa hen na 'yon.

"Kumusta? Naiintindihan mo ba ako, mr. rooster?" Panunubok ni Peter kung magkakaintindihan ba sila ng rooster.

"Kru, kru." "Oo naman, ginoong tao."
Tinaas pa nga ng lalaking Frosty chicken ang isa sa kumikinang-kinang na kulay bughaw nitong pakpak sa paraang nagmukha itong isang gentleman.

!!

Bahagyang napaawang ang bibig ni Peter sa nasaksihan bago ito tuluyang napangisi sa kakatwang natutunan.

Natanto ni Peter na 'di gaya ng mga maang na manok na Silkies, ang Frosty chickens ay 'di hamak na mas matalino. At least ang isang ito ay masasabing nagpapakita ng angking talino. Nandoon din ang pagiging pamilyar ng rooster sa mga tao?

To further confirm his speculation, tinesting n'ya ang lalaking Frosty chicken. Ang naturang manok ay kanyang tinanong na madali naman nitong pinaunlakan.

"Alam mong tao ako?" Direct to the point at wala nang paligoy-ligoy na tanong ni Peter dito.

"Krukru." "Oo naman." walang kagatol-gatol na tugon naman ng isa.

Di sigurado si Peter kung imagination n'ya lang ba 'yon o ano pero parang binigyan s'ya nang natatangahang tingin ng Frosty chicken. Natawa at napailing na lang s'ya sa naiisip.

"Paano?" ani Peter.

"Kru kru kru?" "Hindi mo talaga alam?" Naglabasan ang ugat ni Peter sa ulo nang masiguro n'yang minamaliit nga s'ya ng rooster.

Kalma lang, Peter. Marami ka pang pakinabang sa manok na 'yan. Timpi lang. Maliksing paalala ni Peter sa sarili in fear na madala s'ya ng bugso ng damdamin at makagawa ng 'di kanais-nais.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon