Ikadalawampu't-limang kabanata : Forest Administrator (Queen of the Jungle)

95 18 0
                                    

"Hayaan mong i-introduce ko ang DUNGEON ADMINISTRATOR SYSTEM sa'yo!" ani Peach kay Peter makaraang matapos ang maliit na seremonya.

"Makinig ka rin," baling ni Peach sa babaeng unggoy na nasa kanilang bisinidad lang.

Lumingon at tumango sa kanila ang unggoy in acknowledgement.

Tinapat nang lumulutang-lutang na dungeon guide ang butas ng kamao sa bibig at umubo upang lubusang makuha ang atensyon ng dalawa.

Nagsimula ito.

"Isang 'tong sistemang malaki ang maitutulong sa pagdi-divide ng tasks sa loob ng dungeon." panimula ni Peach.

"Bilang panginoon ng Livelihood Dungeon, natural lang na may pribilehiyo kang iatang ang bawat isang posisyong administrador na 'yong matitipuhan." excited pang dagdag nito.

"Bakit ngayon mo lang 'to in-introduce, Peach?" unexpectedly, kalmado lang si Peter kesa sa excitement na inaasahang makita ni Peach sa kanyang master.

Propesyunal na propesyunal na in-adjust ng dungeon guide ang kanyang emosyon.

Nang ito'y kumalma na ay nagsimulang maglahad ng kanyang rason si Peach.

"Wala akong magagawa. Ganun ang ginawang pagkakadisenyo ng diyosa sa Livelihood Dungeon." kibit-balikat na tugon ni Peach.

"Gusto mo pa bang marinig ang tungkol sa dungeon administrator system, aking master?" si Peach.

"Ipagpatuloy mo," ang medyo dissatisfied na si Peter.

"Ayon sa pagkakadisenyo ng sistemang ito'y maaari lang kitang i-inform sa unang pagkakataon kung makakikita ako ng isang kuwalipikadong kandidato para sa posisyon." patuloy pa ng guide.

"Ano ang mga kuwalipikasyong 'yan aber?" nakahalukipkip na tanong ni Peter.

"Una sa lahat ay katalinuhan," pulos violent reaction ang natanggap ni Peach sa unang kuwalipikasyon pa lamang.

"Kyu!" unang beses narinig ni Peter magalit ang inosenteng slime.

"Gra!" gaya ng slime ay dissatisfied din ang higanteng lobo sa salitang lumabas sa bibig ng guide.

"Hindi ganun ang nais kong ipahiwatig sa inyo. Ipagpaumanhin n'yo kung na-offend ko man kayo, Ichiro, Kawaii-kun." namutla si Peach sa pag-alala sa dalawa n'yang kaibigan. Yumuko ito sa kanila. "Di ko 'yun sinasadya."

"Ang ibig kong sabihin dito ay ang katalinuhang nalalapit sa katalinuhan ng mga tao. Can think, calculate at kung anu-ano pa. Sa tingin ko sa ngayo'y wala pang ganung kakayahan ang babaeng unggoy ngunit hayaan mong i-train ko s'ya master." intense na request ng guide kay Peter.

"Oo naman," si Peter.

"YES!" intense na reaksyon ni Peach sa kanyang pagpayag.

May bahagyang ideya na si Peter sa sinasabi ni Peach.

Maihahalintulad 'yon sa isang teorya ng Agham.

Ayon sa teorya ay magkamag-anak o nagmula raw sa mga unggoy ang sangkatauhan.

Kung tama nga ang teorya, kung nagmula ngang tunay ang mga tao sa mga unggoy ay posibleng-posibleng maturuan ang babaeng unggoy.

"Ang ikalawa namang dahilan ay ang kanyang pagiging bipedal. Gusto ko lang i-emphasize na ang Livelihood Dungeon ay isang dungeon na isinasaalang-alang ang gawaing mga nakatutulong sa pangkabuhayan." ani Peach.

Tumango-tango si Peter.

"Kyū?" kumuluntoy si Kawaii-kun sa narinig. Sinimulan nitong kuwestiyunin ang sariling existence.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon