Ikaanim na kabanata : Regeneration slime

216 37 0
                                    

Raaawr!

Nasurpresa si Peter sa biglaang pagsulpot ni Ichiro mula sa kasukalan.

Akmang dadambahin nito ang slime sa harapan ni Peter.

"Tumigil ka, Ichiro!" Desperadong bulyaw ni Peter sa lobo. Kasabay noon ay ang pag-aksyon ni Peter.

Sa desperasyon, tinalon n'ya ang may kapusyawang kulay berdeng slime. Ang kanyang intensyon ay ang protektahan ito sa malulupit na kamay ni Ichiro.

Sa ginawang yun ni Peter parehong nagulat ang dalawang nilalang sa harapan.

Sinubukang pigilan ni Ichiro ang momentum ng kanyang pag-atake ngunit huli na ang lahat.

"Aray ko!" Daing ni Peter, master ni Ichiro.

Lumaganap sa hangin ang malansang amoy ng dugo.

Nakita ng lobo ang mainit na likidong dumadaloy sa mga kuko n'ya at likuran ng kanyang master.

Napuno ng takot si Ichiro sa nagawang pagkakamali. Namutla at nangatog ang lobo. Mahina itong umungol.

Samantalang si Peter ay nasa delikadong sitwasyon.

Iyon ay hindi dahil sa aksidenteng pagkakasugat sa kanya ni Ichiro. Iyon ay dahil sa nagulantang na slime.

Sa hilakbot ng slime sa humahabol na lobo ay wala ito sa tamang huwisyo upang makita ang tunay na sitwasyon. Out of panic, inakala ng slime na ang sumulpot na tao ay kasabwat ng lobo. Sa pagdagan at tila galit na hiyaw nito ay mas nag-panic ang slime. Ginawa nito ang isang malupit na bagay dulot ng desperasyon.

Pinakalat ng slime ang malambot na katawan at binalutan ang ulo ng dumagan sa kanya bilang defense mechanism.

Sa ginawa ng slime sa kanya, nagsimulang hindi makahinga si Peter sa pagkakabara nito ng kanyang airways. As he struggles, pilit binabaklas ni Peter ang slime sa kanyang buong ulo. Dulot noon, lalong tumindi ang pagpapanic ng slime.

Sa nasasaksihang pagkakalagay sa peligro ng kanyang amo, naalarma si Ichiro. Instinctively, umakto ang lobo sa palagay nitong naaayong aksyong magsasalba sa amo. Inatake ni Ichiro ang slime gamit ang matatalim n'ya kuko.

Ang nakakagimbal na sigaw ni Peter ang nagpahinto kay Ichiro. Ang tunog ng amo ang nagsabi sa lobong mali ang ginawa n'yang aksyon. Walang nagawa ang lobo kundi ang angilan ang nakabalot na slime kay Peter.

Samantalang ang slime ay na-regenerate in a blink of an eye ang mga naiwang hiwa na akala mo ay hindi s'ya inatake in the first place.

Samantala, ang slime ay ilang beses muntikan ng mamatay sa pagkalmot ni Ichiro. Maliksi n'ya lamang naiilag ang kanyang core. Ang core ng isang slime ay maikukumpara sa puso ng mga tao. Kapag ang puso ng tao ay lubhang napinsala, nangangahulugan 'yon ng kamatayan. Sobrang natatakot ang slime para sa buhay n'ya na nagsanhi ng paghigpit lalo ng pagkakapalupot n'ya sa tao.

Si Peter, on the other hand ay nagsisimula ng mag-blackout sa pagkakaubos ng supply sa katawan n'ya ng hangin.

"Ganito lang ba itatagal ng second life ko? Ang taas pa naman ng expectations ko sa buhay na ito.

Bwisit kang diyosa ka for giving me false hopes.

No! I can't blame her for my own fault." Mabagal na pag-iisip ni Peter dulot ng mabagal na supply ng hangin sa kanyang utak.

"Hindi! Don't give up, Peter. Huwag mong sayangin ang 2nd chance mo.
Think." Sigaw sa sariling utak ni Peter, reigniting his fighting spirit.

Sumugal si Peter. It is not like meron pa s'yang ibang choice. Bigat na bigat n'yang inangat ang kanina pa nagbagsakang mga kamay.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon