Ikadalawampu't-isang kabanata : Battle of vengeance

89 21 0
                                    

"Opo, mama!" sagot ng batang unggoy.

"Di mo nakasalubong?" naririmarim na tanong ng babaeng unggoy.

"Hindi naman, mama!" nakahinga nang maluwag ang babaeng unggoy sa sinagot ng kanyang kaisa-isang anak.

"Saan ka ba nagpunta? Sinusunod mo naman siguro ang bilin ko? Wag kang masyadong maglalalayo! Mahihirapan akong iligtas ka." gaya ng isang normal na ina ay nagsimula itong magbunganga sa anak. Iyon ay 'di dahil natural na mabunganga ang mga babae. Ang totoo n'yan ay nature ng sinumang ina, anumang lahi, ang mag-alala at isaalang-alang ang kapakanan ng kanilang mga supling.

"D'yan-d'yan lang, mama." malabong sagot ng batang unggoy. Nag-iwas ito ng tingin sa nag-oobserbang ina. Alam n'ya kasing kapag nag-slip-up s'ya ay makakaranas s'ya ng pansasabon.

"Anak ko. Makinig ka sa'kin. Hindi ako magagalit sa'yo. Kaya huwag mo nang isekreto kung anuman 'yan." mainam na pangungumbinsi sa kanya ng inang unggoy. Puno ng lambing ang tono ng ina.

Malikot ang mga mata ng batang unggoy. Kung saan-saan nito nililibot ang mga mata na animo'y naghahanap ng sagot sa kung saan.

"Mama meron akong naging bagong kaibigan. Kawangis natin s'ya ngunit
'di rin natin s'ya kawangis." bunyag ng batang unggoy sa tinatagong lihim.

Nagsalubong ang kilay ng babaeng unggoy.

Agad namang ni-regret ng batang unggoy ang pagsasabi n'ya ng katotohanan pagkakitang-pagkakita n'ya sa pangungunot ng noo ng ina.

"Anong ibig mong sabihin sa kawangis natin pero 'di rin natin kawangis?"

Nakahinga naman nang maluwag ang unggoy ng makita n'yang iba ang pinagpokusan ng ina.

"Wala s'yang balahibo," magiliw na sagot ng batang unggoy.

"Ano?" tumalon ang puso ng batang unggoy sa 'di inaakalang magiging eksahiradang reaksyon ng kanyang ina.

"Saan mo kinikita ang tao na 'yan?" walang pasensyang tanong ng inang unggoy sa kanyang anak.

"Pero 'di po s'ya masamang nilalang, mama! Nagsasabi ako ng totoo! Sa katunayan ay may dalawa s'yang kasamahang magic beasts na gustong-gusto s'ya." desperadong depensa ng batang unggoy sa innocence ni Peter.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo.Masyado ka pang bata, inosente at napaglalalangan pa." malamig na pambabalewala ng ina sa sinasabi ng kanyang anak na batang unggoy.

"Dalhin mo ko sa kanya bukas. Pakikita ko sa'yo ang totoong kulay n'yan." may pinalidas na hayag ng babaeng unggoy. At nagwalk-out na ito sa kanyang anak.

Patawad, kaibigan! walang magawang palahaw ng batang unggoy sa kanyang dibdib.

"Buti na lang ay natapat ang insidenteng 'to sa araw na ito." bulong ng inang unggoy sa hangin.

"Paniguradong 'di magiging banta bukas ang mga hunghang na asong 'yon sa aming teritoryo." nakangisi at nasisiyahan sa naalalang bagay na na-accomplish n'ya ang babaeng unggoy.

"Ang isa lang namang 'yon ang may kakayahang pumanik dito sa itaas ng puno." By injuring the only true potential threat alam na ng babaeng unggoy na walang magiging bisa ang iba pa nitong kalahi sa pagsubok nilang mang-invade kinabukasan o maaaring sa susunod pang mga araw.

"Humanda ka tusong tao. Talaga namang pangahas ka upang tangkaing lokohin ang aking anak." nagbago ang timpla nito nang maalala ang kanyang planong lakad para kinabukasan.

...

"Gwa!" gumanti ng kaway si Peter nang makita n'ya ang paparating na kumakaway na batang unggoy.

Napako sa ere ang nakataas n'yang palad. Sa likuran kasi ng batang unggoy ay may lumitaw na isang bagong presensya. Nang tanawin n'ya ito ng maigi ay tsaka pa lamang n'ya natanto ang identidad nito. Isa rin itong unggoy.

Tumaas ang mga kilay ni Peter at sinimulang sukatin ang bagong dating. All he can say ay na-impress s'ya sa nakita.

Katulad ito ng batang unggoy.

Ashen brown sa kulay, sa kabuuan, ngunit ang banda n'yang dibdib at tiyan ay naiiba. Imbes na kulay tsokolate ay putimputi ang pitis na pitis na nitong mga balahibo rito.

Speaking of dibdib at t'yan, may nakasusurpresa s'yang mga napansin rito.

Sa kanyang dibdib ay may dalawang katamtamang laking bundok ang proud na proud na mga nakatayo. Isa pala itong babae. Ang t'yan naman nito ay patag at masarap sa mga mata kung tititigan.

Nang tingnang muli ni Peter ang kabuuan ng babaeng unggoy, nadiskubre n'ya na may kaaya-aya pala itong pigura.

Perpektong hourglass shape.

Wala tuloy sa oras na napatanong sa sarili ang ating bida.

At nang maalala n'ya ang mala-anghel nitong mukha na una n'yang nasilayan, napailing na lang s'ya in disbelief.

Unggoy ba talaga ang babaeng 'to? si Peter.

Di man makapaniwala si Peter, there is no doubt na isa talagang unggoy ang may kahali-halinang itsura at pigurang babae.

Hindi man halata ay balot na balot ang buong pangangatawan ng babae ng balahibo. Napagkamalan lang itong balat dahil na rin sa sobrang kapitisan at nagkataon ding kakulay ng balahibo nila ang balat ng sa mga tao.

Malalapad at depinadong-depinado ang katikasan ng mga balikat ng babaeng unggoy

Higit sa lahat at ang pinakaimportanteng katotohanang ang pares ng mga kamay at paa nito ay kawangis ng sa 'sang unggoy.

Lulukso-luksong lumapit ang batang unggoy at nagsabi ng 'di maunawaang mga salita. Pero base sa mga aksyon nito ay pinakikilala n'ya ang kasama.

Nginitian at yinukuran ni Peter ang babaeng unggoy.

Salungat sa kanyang inaasahan ay agad naging agresibo ang babaeng unggoy.

Sa mga mata't-tainga ni Peter ay pulos 'di intelehenteng salita ang lumalabas sa bibig ng agresibong unggoy.

Samantalang ang batang unggoy ay nasa pagitan ng dalawa. Mahigpit itong nakakapit sa ina at pilit 'tong pinakakalma.

Humarang naman ang dalawang alaga ni Peter sa harapan ng babaeng unggoy at sabay na nagpawala ng kani-kanilang mapagbantang mga ungol.

Di sinasadyang natabig palayo ng babaeng unggoy ang kanyang anak.

Sunod na nanlaki ang mga mata, napahiyaw sa kalibot ang babaeng unggoy, Regeneration Slime, Terrestrial Wolf at maging si Peter sa sunod na mga kaganapan.

May isang itim na bulto ang napakaliksing sumibad tungo sa direksyon ng batang unggoy.

Bago sila maka-react ay bumangga na muna ang maliksing itim na bulto sa unggoy.

Tumilansik papalayo ang bata sa kanilang posisyon.

Otomatiko namang sinundan 'yon ng bulto. Binangga at muling pinatalsik palayo ng itim na bulto ang bata.

Pinahinto ng bulto gamit ang mala-posteng n'yang paa ang gumugulong na batang unggoy nung makasiguro itong malayo na sila sa apat.

Crunch!

"Gwā!" palahaw sa sakit ng batang unggoy sa huli n'yang mga sandali.

Naghihinagpis na palahaw ang naging reaksyon sa pagkakasaksi ng inang unggoy sa trahedyang sinapit ng kanyang anak. Nawalan ng lakas ang babaeng unggoy. Napaluhod ito nang takasan s'ya ng lakas sa katawan.

Mapanghamong tumingin sa apat ang napakalupit na oso. Umungal pa ito sa direksyon nila.

Tulalang napatingin sa nagulanit na bangkay ng batang unggoy si Peter.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon