Ikatlong kabanata : Si Peter Bulalakaw at ang dungeon guide

304 52 2
                                    

Pagkahintong-pagkahinto nang paghakbang ni Peter ay bahagya n'yang tiningala ang kanyang ulo.

Binasa ni Peter ang nakasulat sa signboard sa ilalim lamang ng bubong nang gawa sa kahoy na taberna.

Paano n'ya nalamang isa 'yong taberna? Simple lang. Ang nakasulat sa signboard sa itaas ay ang mismong salitang, 'TABERNA'.

Ngunit ang ikinatataka ni Peter ay ang kakayahan n'yang mabasa ang banyaga sa kanyang mga letra. Isa itong malaking hiwaga para sa kanya.

"Ginoo!" Pagtawag nang pansin n'ya ng amang magbubukid ng batang si Peter.

Bumalik ang tingin ni Peter sa harapan n'ya. Unang bumagsak ang paningin n'ya sa likod ng mag-ama ngunit hindi rin nagtagal ang pamamalagi noon doon.

Napukaw nang isang bagay ang atensyon ni Peter. Hindi sinasadyang nahagip nang bagay na yaon ang atensyon n'ya. Mula sa likuran ng mag-amang magbubukid ay tumungo sa pintuan ng taberna ang mga mata ni Peter. Nakita na ni Peter ang ganoong uri ng mga pintuan sa lumang mga palabas. Sa mga luma ngunit klasikong mga pelikulang banyaga na pawang ang mga tema ay cowboy at mga barilan.

"Tara na! Pasok ka na, ginoo." Paanyaya ng amang magbubukid. Kinaway pa nito ang kamay na nagpapalapit kay Peter.

Pinaunlakan naman ni Peter ang paanyaya nito at pumasok sa loob ng kulay tsokolateng taberna.

Tinulak nang nangungunang magbubukid ang magkabilang pintuan bago pinauna ang dalawang Peter. Makaraang makapasok ng dalawa ay tsaka ito pumasok at binitawan ang mga pinto ng taberna.

"May panauhin ka tandang John. May mangangalakal ang dumayo sa lugar natin mula pa sa silangan at eto s'ya. Kumakalam ang kanyang sikmura kaya sa iyong taberna ko s'ya dinala." May kalakasang bungad ng amang magbubukid sa loob ng taberna.

Samantala, ang paksa nang pasimulang usapan na si Peter ay abala sa pagmamasid sa loob ng taberna.

Mabagal itong naglakad habang nililibot ang mga mata. Lingid sa kaalaman ni Peter ay labis-labis ang pagnanasa n'ya na mapunan ang kuryusidad sa mga bagay tungkol sa medieval period. Hindi n'ya pansin o inaalintana man lang ang nawiwirduhang tingin sa kanya ng tatlong kasama sa loob ng taberna.

Si Peter ay kasalukuyang may malapad na ngiti habang sinusuri ang paligid n'ya. Ang apat na sulok ng pader ay pawang gawa sa kahoy kagaya ng nasa labas. Sa bawat sulok ay may tig-dadalawang candle wall lights na pawang nakakabit sa mga pader. Napansin n'ya ring may simpleng disenyo lang talaga ang taberna. Para lang itong isang malaking karinderya sa modern era. May apat sulok na pader. Walang eksaheradong mga muwebles na nakasabit sa anumang sulok. Sa tantiya rin ni Peter ang laki ng simpleng taberna na ito ay ganito. Hindi lalampas sa limang metro ang lapad nito. Samantalang kung ang haba naman ang pag-uusapan, sa palagay n'ya ay naglalaro 'yon sa labindalawa hanggang labinlimang metro.

Pumunta naman ang atensyon ni Peter sa harapan. Nagliwanag ang mga mata ni Peter. Doon napansin n'ya ang walong mesa at labing-anim na mga upuan. Nakahilera ang mga mesa sa pamamagitan nang pagkakahati sa dalawang hanay. Ang mga upuan ay nahahati sa tig-dadalawa. Nakalagay ang bawat dalawang upuan sa magkabilang gilid ng bawat mesa.

Sa totoo lang, medyo na-disappoint si Peter sa simpleng disenyo ng loob ng taberna. Ang inaasahan nito sa loob ng isang taberna sa panahong medieval ay kagarbuhan. Bagamat simple ang disenyo ng taberna, nabawi naman yaon sa mga lamesa at silya. Ang bawat isang parihabang mga mesa at silya ay makikintab at kulay kalawang. At ang bawat isa rito ay magagarang disenyo. Nadidisenyuhan ito ng may unipormeng mga bilugang butas at kung ano-ano pa.

Pagdating naman sa counter ng taberna ay napansin n'yang tulad din ito ng sa mga modernong bar. May bartender at may mahabang mesa na humaharang dito. Ang kaibahan lang ay gawa rin sa kahoy ang isang ito.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon