Ikasiyam na kabanata : Land expansion, gristmill and the travelling peddler

151 33 1
                                    

Matagumpay na inani ni Peter ang mga pananim na mais.

Maingat na inihiwalay ni Peter ang bawat isang mais sa halaman.

Una, hinawakan n'ya munang maigi gamit ang isang kamay ang tangkay ng halaman, kasunod neto ay maingat n'yang inihiwalay gamit ang bakanteng kamay ang bunga sa tainga ng halaman. Inulit n'ya 'yon nang inulit hanggang sa nagamay na ni Peter ang proseso.

Sa bawat halamang mais ay may apat na bunggang mais. Suma tutal ay may apat na dosenang mais ang kanyang naani.

Inilagay ni Peter sa isang tabi ang bungkos ng mga napamitas na mais na naipon bago ibinukas ang kanyang sariling status.

Bumungad ang malawak na ngiti sa mga labi ni Peter nang matanaw ang updated na status. Narinig kasi nito ang pamilyar na tunog ng notipikasyon.

...

First Harvest Achievement!

Rewards!

- Expand the land upto 200 square meter.

- Build an establishment of your choice for free.

Dungeon Points : 100+

Livelihood Points : 100+

Master Points : 100+

Claim Rewards :

Yes 👈 or No?

...

At syempre walang pag-aatubiling clinick ni Peter ang yes.

Maliban doon meron pang ilang string of messages na napansin si Peter aside sa First Harvest Achievement. Kaya naman pinagpaliban muna ni Peter ang pag-check sa kanyang mga reward to check the other messages.

...

You've gained an additional 480 Livelihood Points for successfully harvesting 48 corns.

...

Quests Unlocked!

You completing the First Harvest Achievement signifies that you're no longer a beginner dungeon master, with that in mind, the quests feature is unlocked. Finishing quests rewards you the hard to get Dungeon Points.

...

Dali-daling chineck ni Peter ang status upang alamin kung ilan ang eksaktong bilang ng kanyang points, na may tatlong uri.

...

Name : Peter Bulalakaw
Race : Human
Gender : Male
Age : 23
Lifespan : (40-90)

Title/s :

Master of the Livelihood Dungeon!
Passionate Tamer!

Status :

Stats.

Strength : E
Resilience : E
Agility : E
Spirit : E

Main Ability :

Livelihood Dungeon!

Dungeon Points : 100
Livelihood Points : 580
Master Points : 110

Sub-ability :

Appraisal

...

Sa ngayon ay may mahigit sa isang daang puntos ang tatlong uring mayroon s'ya. Natatakam si Peter sa numero ng mga puntos. Pinahid n'ya ang laway sapagkat ang bawat karagdagang puntos ay laging welcome sa kanya. Ang mga puntos kasing 'yon ay representasyon ng kanyang masaganang resources at magandang hinaharap.

"Hindi ko muna gagalawin ang mga puntos. Mahirap na. Masyado pa akong excited. Mamaya ay makagawa pa ako nang kaestupiduhan dahil sa excitement. For now..." Disiplinadong paalala ni Peter sa sarili.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon