Ikatatlumpu't-anim na kabanata : Huge Field of Corns! Acquired a Giant Plantain!

74 14 0
                                    

Makapananghali ay nagsimula ng bagong task si Peter. Sinimulan n'yang bungkalin ang isang untouched na area sa loob ng Livelihood Dungeon.

Tinanong n'ya kasi si Peach about something that's bothering him. Ang naging sagot nitong dungeon guide proves that his gut-feeling telling him that something was wrong is right.

Less than two weeks na lang at magiging useless na ang pagtatanim ng mga pananim na naaayon sa summer season. And corns really do fall into those summer crop category.

Napansin kasi ni Peter lately na something is becoming off with the weather. From time to time ay nararamdaman n'yang imbes na maalinsangan ang hangin ay nagiging presko na 'yun which is strange considering na summer time ngayon.

Water has never been a problem para sa kanya dahil sa kanyang Magical Water Fountain of Life na nasa loob ng Livelihood Dungeon n'ya. Infinite ang supply sa kanya nitong tubig. But things can never be said to be the same para sa ibang may mga buhay lalong-lalo na para sa mga wildlife.

What occured next can be said to be a blessing in disguise for them.

It started to rain frequently too, at masasabi n'yang swerteng nasa itaas na sila ng napakatayog na punong saging na 'yon, kung sakali kasing nasa ibaba pa rin sila ay 'di n'ya masisiguro which kinds of dangers they might have been facing by now.

Who knows, it might even revitalize some sort of troublesome creatures.

Napansin n'ya ring there were lots and lots of types of birds and other flying creatures migrating by the day.

Napansin n'ya rin na nag-iiba na ang kulay ng mga dahon sa mga punong natatanaw n'ya sa malayo. He honestly thought it's a beautiful phenomena. From the natural green-colored leaves ay nagtu-turn na ang mga dahon into crimson-colored ones.
"Anong nangyayari, Peach?" tanong ni Peter sa dungeon guide n'ya kanina.

"Malapit nang dumating ang panahon ng taglagas." nakangiting tumugon si Peach sa kanyang master na si Peter.

"Maapektuhan ba nun ang mga pananim ko?" nag-aalalang tanong ni Peter kay Peach.

"Oo at hindi," di inaasahang nakalilito ang naging tugon sa kanya ni Peach.

"Anong ibig mong sabihin?" ani Peter.

"Maaapektuhan nang pagpapalit ng panahon ang 'yong mga pananim depende sa kung anong season sila nararapat itanim." si Peach pa rin.

"Sabihin nating ang 'yong tanim ay seasonal. Hmm?! Gawin nating halimbawa ang paborito mong itanim na mga mais. Kung 'yong maaalala nakalagay sa impormasyong provided sa'yo ng feature ng 'yong Livelihood Dungeon, na summer seasons ang panahon para sa'yong alagang mais.

Kapag spring pa lang o kaya nama'y nag-transition na ang season into autumn/fall, makulit ka at tinanim mo pa rin 'yon talaga, doon na papasok 'yung usapang maaapektuhan ang pananim mong mga mais. Dahil hindi swak sa panahon ang mga pananim, may slim chance talagang mag-fail to bloom ang 'yong pananim but don't worry, master. Maliit lang naman ang tiyansang maganap 'yon. Pero, ito ang medyo malupit. Kapag ang tanim mong lihis sa season ay matagumapay na namunga, mas maliit na yield ang 'yong makukuha kumpara sa yield mo sa tamang panahon." pasensyosang paliwanag ni Peach kay Peter.

"Naintindihan ko na. Maraming salamat sa paliwanag, Peach." si Peter.

"Teka! Isang tanong pa pala. Ibig sabihin ba na kapag all year round ang nakasulat sa feature ng pananim ay walang penalty na matatanggap ang mga pananim ko?" pinigilan ni Peter ang papaalis ng si Peach nang pumasok sa kanyang isipan ang isa na namang importanteng katanungan.

"Tama 'yon, master!" nakangiting kumpirmasyon ng dungeon guide.

"Salamat, Peach!" taos-pusong turan ni Peter sa kanyang katiwala.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon