Ikadalawampung kabanata : Lurking danger

104 22 0
                                    

"Roar!"

""Grr!""

Clang! Clang!

Somewhere sa 'sang sulok ng malawak na kagubatan ay may nagaganap na sagupaan.

Isa laban sa marami.

Marami laban sa isa.

Normally ang marami ang mayroong bentahe at ang nag-iisa ang nasa malaking disbentahe. Pero, ibahin mo ang Eternal Forest.

Common sense was just an afterthought in this damnable place.

After all ay namumutaktak ang lugar na ito sa magical beasts.

Ang mga magical beast ay synonymous sa mga salitang imposibilidad, kalupitan at kaguluhan.

Maliksing sinugod ng isang malaking bulto ang mga goblin na pumapana mula sa likuran ng grupo.

Saktong-saktong sinalubong naman ng nagliliparang mga palaso ang malaking bulto.

Nagmukhang walang-silbi ang mga palaso. Ni 'di man lang kasi napabagal ng mga 'to ang pasulong na sugod ng maliksing bulto. Tanging ang mga tirang nakadirekta sa ulo nito ang pinag-iiwasan nito. Ang mga palasong papatama sa kanyang katawan ay confidently n'yang pinababayaang tumama. Kaswal nitong in-ignore ang bawat palaso. Nagbabagsakan lang naman ang mga palasong kumukonekta sa makunat nitong katawan.

Mapanuyang ngumisi ang malaking bulto pagkarating nito sa walang kalaban-labang mga goblin archer.

Inangat nito ang gaposteng braso at walang kagatol-gatol itong inunday.

Parang kutsilyong madaling humiwa sa mantikilya ang makukuko nitong mga daliri sa katawan ng nakahilerang mga goblin archer.

Mabagal na humarap sa gitna ng pulutong ng mga goblin ang mapanuyang tumatawang halimaw matapos nitong kitilin ang kanilang mga kasama.

Napaatras ang ilan sa mga goblin ng nakita nila ang nanlilisik at pulampula nitong mga mata, naglalakihan at nagtatalimang mga pangil at ang sobrang nakakasindak nitong kadambuhalaan.

Dumagundong ang kalupaan sa pagtayo nito sa apat na mga paa.

Humigpit ang kapit ng mga goblin sa kanilang mga sandata nang makita nila ang threatening nitong posisyon.

Mahinang nanginig ang lupa nang sumalakay ang dambuhalang mandaragit.

Walang naka-react sa sobrang liksi ng dambuhala. Ang minalas-malas na mga na-target nito ay agarang nagkagula-gulanit. Ang dalawa nga rito'y dilat na dilat pa nung nadakma sila ng sobrang lalaking makukukong harapang mga paa ng halimaw.

Durog-durog ang mga buto nila sa itaas ng katawan. Ang maliliit nga nilang mga sibat ay nakabagsak lang sa tabi nila. Ni 'di man lang nila ito nagamit pandepensa sa sarili.

Ang huling goblin nama'y nasa bibig ng malupit na oso. Siyang-siya ito sa paglapa sa katawan nang naghihisteryang goblin. Punompuno ng dugo ang paligid ng namumuwalan n'yang bibig. Musika sa pandinig ng bayolenteng oso ang mga palahaw ng kagat-kagat na goblin. Sinadya nitong bagalan ang pagnguya sa kanyang biktima to barely keep it alive. Nang manawa na ay tsaka nito tuluyang diniin dito ang mga panga.

Nasaksihang lahat 'yon ng mga mandirigmang goblin. Kilabot ang kanilang nadama sa pagpapahirap na sinapit ng kasama. Rinig na rinig nila ang pagnguya ng oso sa laman ng nabiktimang kasama hanggang umabot sa puntong malutong na paglagutok na senyales ng kamatayan ng kasamahan.

Kumick-in ang instincts ng bawat isang natitirang goblins nung makita nila ang sinapit ng kapwa nilang mga mandirigmang goblin. Sa kanilang takot ay sabay-sabay silang marahas na nagsipag-atake.

Nginisian lang ng napakalupit na oso ang mga desperadong nagsisisugod sa kanyang mga mandirigmang goblin.

Kaswal na binato ng oso ang half-eaten na goblin. Pinakita n'ya sa mga pararating na goblins ang naliligo sa dugong mga pangil.

Bukas-bisig na sinalubong ng oso ang nagpupuyos na mga kaaway.

Humahagalpal na sinalubong ng mandaragit ang kanyang willing na mga biktima.

Dito nagsimula ang food banquet ng oso. Matulin n'ya lang brutal na ginapi ang mga goblin. Pagkatapos ay isa-isa n'ya silang nilapa.

Dumagundong ang magkasunod na mga pagbunghalit at mga ungalan mula sa nagwaging panig.

Pagkatapos ay coincidentally na humarap 'to sa kinaroroonang direksyon nina Peter at muling nagce-celebrate na umatungal.

...

Walang kamalay-malay na naglalaro noon ang may wirdong kumbinsyong magkakasama. Isang tao at tatlong magical beasts na may iba't-ibang uri.

Paikot-ikot na tumatakbo ang isang higanteng asong-lobong may sakay-sakay na isang maliit na unggoy sa kanyang likod. Tuwang-tuwa ang dalawang magical beasts kahit na sa isang maliit at wirdong bilog lang sila pumapaikot-ikot.

Ang dalawa ay sina Ichiro at ang batang unggoy na sa ngayon ay magkaibigan na.

Masiyang nakamasid naman sa pagkakaupo ang amo ng lobo na s'ya ring may gawa ng wirdong bilog.

Tinabas ng amo ang malalagong damo kamakailan lang sa parteng 'yon ng Eternal Forest na kanilang naging meeting point.

Ang among ito ay si Peter.

Tumutungga noon sa kanyang baso si Peter nang maibuga n'ya ang lahat ng iniinom sa lubhang pagkagulat.

Biglang lumagay sa isang battlepose ang Terrestrial Wolf na naging muntik-muntikan ng dahilan nang pagkahulog ng batang unggoy mula sa kanyang likuran. Buti na lang ay maganda ang reflexes ng batang unggoy at agad 'tong nakakapit na kanyang damong balahibo.

Dali-dali dumash at kumubli ang Regeneration Slime sa binti ni Peter upang gamitin ito bilang proteksyon.

Nagliparan din ang nabulahaw na mga nilalang na panghimpapawid sa kanilang paligid.

Iyon kasi ay pareho-pareho nilang narinig.

Isa 'yong nakagigimbal na atungal na punompuno ng negatibong mga emosyon. Na pinangungunahan ng poot at kahambugan.

Gumana nang matulin ang isip ni Peter matapos maka-recover sa pagkagulat.

"Kawaii-kun!" inutusan n'ya ang slime na sumakay sa kanyang balikat gamit ang telepathy.

"Ihahatid na kita, bata!" sabi ni Peter sa direksyon ng batang unggoy.

Di man lubos nauunawaan ng unggoy ay naiintindihan n'ya sa tono at uri ng pagkakataon ang nais ipahiwatig ng kaibibang 'di mabalahibo. Tumalon 'to mula sa likuran ni Ichiro at tsaka humarap kay Peter. Pinalo nito ang tapat ng dibdib makailang ulit gamit ang gilid ng nakakuyom na kamao.

Natawa na lamang si Peter sa nasaksihan. Mantakin mong s'ya pa ang ni-reassure nito.

Kahit may halo mang pag-alala ay para sa kaligtasan ng unggoy ay naghiwalay sila ng landas at sabay na pumulas.

"Ichiro!" matigas na bigkas ni Peter.

Grim na tumango ang higanteng asong-lobo.

Pumasok silang tatlo sa Livelihood Dungeon kaalinsabay nang pagpulas ng napakaliksing tumakbong batang unggoy.

...

Sasaglit na panahon pa lang ang nagdaraan simula nang maghiwalay sila'y malayo na ang nababaybay ng batang unggoy.

Sobrang liksi n'yang kumilos gamit-gamit ang apat na mga biyas.

Lumiwanag ang mga mata ng bata nang matanaw na nito ang kanyang tahanan sa may kalayuan.

Eksperto nitong inakyat ang magagaspang na balat ng isang puno.

Mapapamaang ka na lang sa liksi n'ya sa pagsampa na mahihiya maging ang mga akyat-bahay.

"Mama!" tawag ng bata sa isang babaeng unggoy na puno ng mga sugat.

Lumipat ang tingin n'ya mula sa ibaba ng puno patungo sa anak.

"Anak! Ayos ka lang? Narinig mo 'yon?" nag-aalala nitong tanong.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon