Ikalabing-apat na kabanata : Brewing troubles

143 29 3
                                    

A day later.

Maagang bumalik si Peter sa kanyang Livelihood Dungeon!

Para saan?

Para lang naman dito.

...

Dungeon Points : 1, 100
Livelihood Points : 308, 920
Master Points : 1, 350

...

30, 000 LP ang nakuha n'ya mula sa mga tumubo n'yang abena(oats), dayami(hay), at trigo(wheat).

Kakaunti ang nakuha n'yang LP kesa sa inaasahan. Gayun din naman sa dami ng kanyang inani.

'It's a bit of a let down.' He thought.

Pero agad din namang napawi ang panghihinayang sa puso ni Peter.

Naisip n'yang libre lang ito kung titingnan sa anggulong 'di ito gumasta ng LP. Yun nga lang gumastos s'ya ng baryang Terragon para sa iilang pirasong mga buto na 'yon. For the time being ay mas matimbang ang value ng points sa kanya kesa sa currency ng Kaharian ng Terragon.

'Pero okay na rin 'yon. Nagawa ko namang madiskubre ang isang feature ng Livelihood Dungeon. Na pwede akong mag-import ng mga buto mula sa labas, itanim dito at ma-i-unlock ito ng sistema.' Satisfied na pangungumbinsi ni Peter sa sarili.

What is amazing though was that the gathered 30, 000 Livelihood points ay evenly ang na-contribute sa kanyang LP. 10, 000 for each of the three crops.

Ginapas at binunot n'ya ang mga pananim ayon sa guidance ni Peach.

Pansamantala n'ya muna itong pinagtatabi sa kanyang Crop Storage matapos n'yang mag-ani.

Nagpokus ang mga mata ni Peter sa kanyang Livelihood points.

...

Livelihood Points : 308, 920

...

"Hmm.." Malalim na napaisip ang may-ari ng Livelihood Dungeon!

Ilang beses na nagpipindot si Peter sa hangin. Matapos 'yon ay bigla na lang may lumabas na ilang pakete ng mga buto sa ibabaw ng kanyang nakalahad na palad.

...

A pack of hay seeds (12 pieces)
A pack of oats seeds (12 pieces)
A pack of wheat seeds (12 pieces)

...

Pag-i-inform sa kanya ng kanyang appraisal.

"Mahal! Masyadong kokonti ang mga laman." Kunot-noong reklamo ni Peter sa bilang ng mga buto sa tatlong pakete.

Tama naman ang hinaing ng dungeon master.

Kung ang pagbabasehan ay ang dami nang aanihin sa bilang ng mga buto, masyado nga itong mahal kung ikukumpara n'ya sa inani n'ya noong mga mais.

"This is extortion, Livelihood Dungeon!" Paangil na reklamo ni Peter sa kawalan.

Kahit na ganoo'y salungat ang naging aksyon n'ya sa inirereklamo.

Nagpipindot pa s'ya nang makailang ulit.

Maraming beses.

Isa-isa n'yang hinayaang bumagsak sa lupa ang pakete ng napamiling mga buto mula sa kanyang dungeon shop.

Masyado itong marami upang hawakan n'ya lang sa kanyang mga palad.

Habang kasalukuyang ginagawa ang pamimili ay sibangot si Peter. Sa kada labas ng isang pakete mula sa magical na tindahan ay mas lalong nalulukot ang kanyang pagmumukha.

Wala s'yang nagawa sapagkat kahit alam n'yang extortion ay kailangan n'ya pa ring bilhin ang mga 'yon.

They're a necessity.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon