Simula : Livelihood Dungeon!

542 70 2
                                    

Magiliw na nagwawalis at pasipol-sipol pa ang isang lalaki sa bakanteng karinderya. Makaraang makawalis ay inagiwan at pinalisan naman nito ang kisame at mga kagamitan sa karinderya.

"Peter halika saglit dito sa kusina!" Pasigaw na utos ng isang boses.

"Andyan na po aling Martha!" Ganting sigaw ng lalaking nagmamadali pang tumungo sa pinanggalingan ng tawag.

Pagdating sa kusina ni Peter ay agad na tumambad sa kanya ang matabang pigura ng isang may katandaan ng babae. Ito ang amo ni Peter. Ang may-ari ng karinderyang si aling Martha.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo aling Martha?" Magiliw na tanong ni Peter.

"Ikaw ang magkaliskis ng mga tilapia, Peter. May nakalimutan akong bilhin sa palengke." Utos ng matandang babaeng mataba sa lalaki.

"Pero hindi po ako marunong n'yan aling Martha." Matinding pagtanggi ni Peter sa ale.

"Matututunan mo ba kung hindi mo pag-aaralan? Sumunod ka na lang. S'ya sige aalis na ko. Baka may dumating pang customer. Mahirap na baka mawalan pa tayo ng mga regular." Walang nagawa si Peter kundi sumunod sa gusto ng ale.

Pinapagpapawisang tinitigan ni Peter ang mga tilapiang mahihina na ngunit humihinga-hinga pa sa palangganita.

Diniinan n'ya ang pagkakahawak sa sobrang talim na kutsilyo. Wala sa sariling sunod-sunod na napalunok si Peter.

Maya-maya pa'y mabagal n'yang tinutok sa mga tilapya ang talim ng hawak na kutsilyo. Sa ginawa'y patindi rin nang patindi ang panginginig ng kamay na may hawak dito. Unti-unting naubos ang kulay ng mukha n'ya nang hindi sinasadyang mapatingin s'ya sa mata ng mga tilapia.

"Hi.. hindi ko talaga kaya." Nangingilid-luhang sambit ni Peter sa matamlay n'yang boses.

Kakatwang isiping ang isang simpleng gawaing pagkakaliskis ng isda para sa iba ay mahirap sa lalaki. Ngunit iyon ang katotohanan.

"Matatalo ko pa yata ang personal record ko." Napakagat-labing sambit ni Peter sa sarili.

Ang tinutukoy ni Peter na personal record ay ang pagkakatanggal sa trabaho. Ang pinakamatulin n'yang pagkaka-fire currently ay isang linggo. Samantalang nanganganib s'ya ngayong matanggal sa unang araw pa lang n'ya. Kahapon lang s'ya nag-apply kay aling Martha.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito si Peter? Kung bakit hindi na lang n'ya kaliskisan ang mga isda upang hindi s'ya matanggal.

Iyon ay hindi lang mahirap kay Peter. Isa itong imposibleng bagay para sa kanya.

May sikreto si Peter.

Mula pagkabata ay hindi na n'ya kayang manakit o pumatay ng anumang nilalang. Ito ang kanyang nature bilang tao.

Kung tatanungin mo si Peter kung bibigyan s'ya ng pagkakataon, gugustuhin n'ya bang mabago ang katangian n'yang ito?

Matulin at walang pagdadalawang-isip na sasagutin n'yang hindi. Hindi n'ya ito babaguhin. Sapagkat 'yon ang sa tingin n'ya ay tama. Mahal ni Peter ang lahat ng likha ng Maykapal.

Sa mga palabas nga at mga anime na napanood n'ya mula pagkabata ang hilig n'yang mga tauhan ay ang mabubuting nilalang. At kung tatanungin mo s'ya kung sino ang pinakapaborito n'ya ay isa lang ang isasagot n'ya.

"Yung malaking bulas na lalaking android na sobrang buti sa kabila ng purpose ng pagkakagawa sa kanya. Tumatak sa isip ko ang kabaitan n'ya. Sa isang scene, iniwas n'yang matapakan ang isang lupon ng mga langgam na hindi n'ya agad napansin. Pati na rin ng nakasandal s'ya sa puno ay tinuntungan s'ya ng mga maiilap na ibon dahil napansin nila ang good nature n'ya. He is so cool. I want to be like him." Proud na sagot ni Peter laging nakakatanggap ng mga wirdong tingin.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon