Ikatatlumpung kabanata : Noriko-san at Under D. Saya

113 21 0
                                    

Pook!

"Bwā?!"

Slash!

"Gwō!"

Shing!

"Heok?!"

Slash!

"Gwā?!"

"Grr!"

"Gwē?!"

"Argh!"

"Brr!"

It's total chaos out there.

Blood spilling out in every corner.

Nag-aalingawngawan din sa hangin ng malawak na kagubatan ang malalakas na tunog nang pagkadurog ng buto't mga laman.

Meron din namang mauulinigang cutting and penetrating sounds.

Nandyan din ang magkahalong mga tunog ng stimulated na battlecries at desperadong dying throes mula sa magkabilaang mga panig.

Habang nagaganap ang lahat ng 'yon ay may isang nilalang ang walang pagpipilian kundi saksihan ang kaliwa't-kanang kitilan ng mga buhay.

Iyon ay walang iba kundi ang mapagmataas na babaeng Frosty Chicken na dala-dala ni Peter. Paano ba nama'y mahigpit s'yang hawak-hawak ng tao sa kanyang mukha.

Kitang-kita tuloy nang napakalaking mga mata ng babaeng manok ang bawat malagim na segundo sa kanyang maikli pa lamang na buhay.

Inunday mula sa itaas ng mabalahibong nilalang ang pagkalaki-laki n'yang palakol.

Sinubukang salagin ng may kulay berdeng balat na nilalang, ang tira ng mabalahibong kalabang tumotore sa kanya ang taas, gamit ang kanyang maliit na hawak-hawak na punyal.
Gayunpaman, ang naging last-ditch effort ng maliit na nilalang ay napawalambisa ng malaking deprensya ng kanilang physique.

Nabali ang poorly-made na punyal ng pobreng nilalang nang napakalakas na hawat nang pagkakaunday ng napakalaking palakol. Nasundan 'yon nang malinis na pagkakahati sa dalawa ng green-skinned na nilalang.

Di nakuntento o nagbaba ng kanyang guard ang mabalahibong nilalang, bagkus mas naging ganado pa 'to para sa dugo. Nag-take 'to ng dalawang mabibigat ngunit matutuling paabanteng hakbang, pagkatapos ay winasiwas n'ya horizontally sa isa n'yang gilid ang mabigat na palakol. Sa ginawa'y umani na naman s'ya ng dalawang buhay ng goblins.

Walang kamuwang-muwang ang dalawang may bitbit pang punyal at espada sa kanilang kinahinatnat. Bumagsak ang malinis na nahati pahalang na mga goblin sa lupa.

Ngunit sa ginawang atakeng 'yun ng kobold ay nagkaroon ng opening ang ilang goblins sa kabila n'yang gilid.

Galit na galit ang tatlong goblins sa nasaksihan pagkakitil nitong mortal nilang kaaway sa dalawang kagrupo.

Papatusok na tinira ng dalawang goblins ang naka-off ang guard na kobold. Samantalang ang natitirang goblin nilang kasama ay tumalon ng pagkataas. Pabaligtad nitong hawak ang punyal gamit ang dalawang kamay. Mula sa ibabaw ng kanyang ulo'y inunday nito gamit ang buong lakas ang punyal.

Inayudahan ng kobold ng available n'ya pang kamay ang may hawak-hawak na kamay sa malaking palakol.
Pilit pinilig ng mabalahibong nilalang ang katawan sa direksyon ng maliliit n'yang kalaban. Alam n'ya sa sarili gamit ang kanyang mayamang eksperyensa sa pakikipagdigma na unguardable ang atakeng 'yon. Wala naman s'yang choice kundi sabayan ang atake ng tatlong goblins at magdasal na lang siguro na mas maging mabilis ang kanyang counter.

Unang finocusan ng kobold ang lumilipad na goblin. It has the most threatening attack of the three, after all.

Diagonally n'yang inatake 'to mula sa ibaba.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon