Ikatatlumpu't-walong kabanata : Livelihood Points reaching the million mark!

70 13 0
                                    

"Naku!" tumalon ang pusong hiyaw ni Moriko.

"Kyū!" nanlalaking-matang reaksyon ni Kawaii-kun.

"Hindi!" naririmarim na pagsigaw ni Peter.

Nagulat ang tatlo sa sunod na naging aksyon ng mabangis, malinggit at mabalahibong nilalang. Masyado matulin ang mga pangyayari kaya half a step beat late silang nakapag-react.

"Noon... noon...noon!" ang kanina pang mala-vicegrip na kapit ng mabangis na nilalang sa pobreng itlog ni Ichiro ay biglaan na lang lumuwag which is outside of their expectations.
Ang pinakamatuling nakapag-react ay si Moriko. Sinungaban ng babaeng Man-Ki ang matuling umaalpas na halimaw. Napangisi si Moriko nung akala n'ya ay mahuhuli n'ya 'to. Kasi sobrang focus lang 'to sa kung anumang goal ang nasa kanyang harapan. Akala tuloy ni Moriko ay 'di 'to nagpa-pay attention sa paligid which is just one huge assumption of hers. Bigla 'tong nag-slowdown that made Moriko lose her balance and ultimately trip on her own. After noon ay zumigzag ng daan ang mabangis na Honey Badger upang lumampas sa pinagmukha n'yang tangang Man-Ki.

Ang effort ni Moriko was not totally in vain. Dahil sa aksyon n'yang 'yon ay nakapaghanda si Kawaii-kun. Tinalon ng luntiang kulay na slime ang papalapit na sa kanyang nilalang who's going on the rampage. Inabot 'to ng Regeneration Slime unexpectedly. Maging ang mabangis na Honey Badger ay nagulat sa 'di inaasahang burst of speed ni Kawaii-kun. Nagulat man ay madali pa ring naka-recover ang malinggit at mabangis na badger. Nginisian nito si Kawaii-kun habang kanyang minamasdan ang slime ni Peter.

"Poof!" confident na nagpakawala ng masama at masangsang na hangin mula sa kanyang likuran ang badger.

Nag-froze ang nakapaskil na lokong ngisi sa mga labi ng mabangis na Honey Badger. Di inaasahan ng Honey Badger na 'di man lang maaapektuhan nang pinawalan n'yang masamang hangin ang mas maliit pa sa kanyang wriggling na nilalang. Sa katunayan ay marami s'yang na-miscalculate tungkol sa kaharap. One of which is being on par with it when it comes to speed, to the Honey Badger's surprise. Tumalsik ang Honey Badger nang ni-ram s'ya ni Kawaii-kun which caused it to be surprised once again. Namahitsa ang Honey Badger dahil sa impact ng pagkaka-tackle sa kanya. Nagpaikot-ikot ito sa hangin for a little while before it amazingly did a quick recovery from spinning around.

"Cough! Cough!" 'di naman totally naging in vain ang mabahong surpresa ng mabangis na badger.

Out of commission currently ang babaeng Man-Ki because nasinghot n'ya ang lagim ng Honey Badger.

Nantatakbo ulit ang Honey Badger pagkalapag ng apat n'yang mga paa sa lupa. He never did bother to look for Kawaii-kun again. Ayaw n'ya nang makalaban 'to. He clearly didn't know its origin, plus its weaknesses and strengths. Maaantala lamang ang plano n'ya by being entangled with it.

Nakangisi namang sumugod sa Honey Badger si Peter. Kitang-kita n'ya ang annoyed na pagtakas nito kay Kawaii-kun. Sa kanilang tatlo, s'ya ang pinakapreparado sa pag-tackle sa Honey Badger. Tiniming n'ya ang pag-intercept n'ya rito.

Medyo nagulat ang Honey Badger sa biglang appearance ni Peter. Di nito natuunan ng pansin ang tao. Ang lahat kasi ng atensyon n'ya ay nasa mga yabag na dala-dala ng humahabol na Regeneration Slime.

"Huli ka!" nagbubunying sabi ni Peter matapos n'ya mahawakan ang magkabilaang gilid ng Honey Badger.

Nagpupumiglas na nakapulas sa mga kamay ni Peter ang badger. Hindi pa kasi n'ya hustong nalalapat ang pagkakahigpit sa hawak dito.

Namutla s'ya, ang Regeneration Slime at ang kaka-recover pa lamang na Man-Ki, pagkakitang-pagkakita nilang patungo na ang mabangis na Honey Badger sa mga walang kadipe-dipensang si Peach at mga manok.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon