Ikadalawampu't-walong kabanata : Successively reaching rank C

93 16 0
                                    

Gaya ng kanyang nakagawian sa nagdaang mga araw, matiyaga n'yang hiniwalay ang kernels sa cobs nito.

Kapag okay na, kanya naman itong ipinaglililipat sa magic tool, tapos ay isasalang n'ya naman 'to sa napakataas na temperatura hanggang sa tuluyan na nga 'yong mag-dry.

While at it, sinipat-sipat at pinipisil-pisil n'ya naman ang pinatutuyo sa arawan na 10, 000 pirasong mga mais.

...

Nangyari 'yon habang busy sa kanyang mga mais si Peter.

"Master!" tawag-pansin sa kanya ng dungeon guide na si Peach.

"Anong problema, Peach?" seryosong tumayo, lumapit at nagtanong si Peter sa tensyonadong dungeon guide.

"Si Kawaii-kun.. si Kawaii-kun po kasi master!" di na pinatapos pa ng master ang sinasabi ng dungeon guide.

Matulin nang sumibad ang master sa direksyong laging nilalagian ng mga alagang sina Ichiro at Kawaii-kun.

Doon ay nakita n'ya isang nakagugulat na tagpo.

May umaatikabong bakbakan ang kasalukuyang nagaganap sa pagitan ni Moriko at ng isang higanteng oso?

Ang kataka-taka pa rito ay pilit na inaawat ni Ichiro si Moriko?

Na animo'y nasa side ng higanteng oso ang Terrestrial Wolf.

Tila pinoprotektahan pa talaga nito ang mortal na kaaway ng kakampi n'yang si Moriko.

"Brr!" paangil na ani ng babaeng unggoy.

"Gra!" mapagbatang sagot naman ng lalaking asong-lobo.

Nag-concentrate at pilit inintindi ni Peter ang 'di kumpletong konteksto ng balitaktakan ng mga alaga.

"Umalis ka r'yan lobo!" ani Moriko.

"Masasaktan ka kapag pinagpatuloy mo pa 'yan!" banta naman ni Ichiro.

"Sinabihan na kita," galit na giit ni Moriko.

Nagsimulang magtatalon ang Man-Ki.

Bam!

Bam!

Bam!

Bam!

Giniya ni Ichiro ang higanteng oso palayo. Wala namang protestang sumunod ang halimaw. Tila ba ay tiwalang-tiwala ang oso rito.

Malaking kalituhan ang naramdaman ng dungeon master sa nasaksihan.
Bumagsak ang tuhod nito sa lupa. Nagsimula kasi ang matitinding pagyanig sa kanyang bisinidad.

Napansin n'yang nagseryoso na si Moriko.

Gumamit na ng abilidad ang Man-Ki na tinatawag na Stamp. Ang naturang abilidad ay isang in-born na abilidad unique para sa lahi ng mga Man-Ki.

Binagsak ni Moriko ang dalawa n'yang kamay, tsaka seryosong tumakbo tungo kina Ichiro at sa tunay nitong target, ang higanteng oso.

"Gra!" bumaling si Ichiro sa higanteng osong puros sugat, binigyan 'to nang simpatetikong tingin, tsaka nito binalik muli ang tingin kay Moriko.

Inangat ni Ichiro ang dalawang harapang paa.

Naglitawan sa ere, sa may harapan ng tumatakbong Man-Ki, ang maraming maliliit na tipak ng matutulis na bato.

Sa pagbagsak pabalik sa lupa ng harapang mga paanan ng asong-lobo ay ang s'ya namang matutuling pagbulusok pababa ng tipak-tipak na mga bato sa sumusugod na Man-Ki.

Nakita ni Moriko ang pinawalang Meteoric Drops ng Terrestrial Wolf.

Kitang-kita n'ya ang mala-pader nitong pagkakaayos sa alapaap.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon