Ikalabing-isang kabanata : Ang Terrestrial wolf at ang regeneration potion

172 36 0
                                    

Makapasok sa pag-aaring dungeon agad-agarang chineck ni Peter ang status ni Ichiro sa pangambang 'di pa ito lubusang magaling, ngunit laking gulat n'ya sa 'di inaasahan tumambad.

...

Name : Ichiro
Race : wolf (Possible to evolve)
Gender : male
Age : 1 year and 2 months
Lifespan : 3-30 years

Stats.

Strength : D
Resilience : D
Agility : D
Spirit : D

Ability :

Cockroach's Tenacity

- Cockroaches have the most tenacious survivability. And the one who have this ability is just as tenacious.

...

Makailang beses napakusot sa mga mata n'ya si Peter. Namilog ang mga mata n'ya matapos ma-realize na 'di s'ya namamalik-mata lang at totoo ang nakikita.

"YES!" Napahiyaw nang malakas si Peter. Nagtatalon din s'ya makailang beses sa kasiyahan. Nang humupa ang excitement ay napahinto ito na hinihingal ngunit 'di naaalis ang ngiting tagumpay n'ya.

Nanlaki ang mga mata nina Ichiro at Kawaii-kun sa gulat sa biglang pagkabaliw ng kanilang master?

Bumalik si Peter sa status ni Ichiro upang kutingtingin ito.

Nagbabakasaling pinindot ni Peter ang possible to evolve sa tabi ng race ni Ichiro. Laking tuwa ni Peter nang nag-expand ang mga opsyon doon.

...

Glacial wolf
Infernal wolf
Tempest wolf
Terragon wolf

...

Huminto sa pagpindot si Peter sa takot na baka magkamali s'ya sa pagpili.

Nilingon ni Peter ang alagang lobo.

Sinimulan n'yang kausapin si Ichiro patungkol sa evolution path nito.

Bilang master nina Ichiro, Kawaii-kun at mga alaga na magiging parte pa ng pamilya n'ya sa hinaharap, nais n'yang hangga't maaari'y bigyan n'ya sila ng kalayaang magdesisyon para sa sari-sarili nila.

"Ichiro maaari kang mag-evolve. Nais mo bang mag-evolve?" Tanong ni Peter sa alagang lobo.

"Gru?" Nagtatakang sabi ni Ichiro.

"Oo. Sa totoo n'yan may apat kang pagpipilian." Eksplika ni Peter.

"Gru!" si Ichiro.

"Sabi sa una'y Glacial wolf." Umpisa ni Peter.

"Gru?" Curious na tanong ni Ichiro.

"Hindi ako sigurado pero base sa pangalan ng evolution path na 'yon ay malaki ang posibilidad na mag-e-evolve ka sa isang nilalang na may elemento ng yelo." Paliwanag ni Peter sa kanyang teorya sa alaga.

"Sa katunayan ang natitirang tatlo'y may pangalang may kinalaman din sa mga elemento." Dagdag pa ni Peter.

"Gru? Gru?" Excited nitong tanong.

"Hmm.. So ano ang gusto mong piliin, Glacial wolf, Infernal wolf, Tempest wolf o Terrestrial wolf?" Tanong ni Peter.

"Gru!!" Walang pag-aatubiling sagot ni Ichiro.

"Gusto mong maging Terrestrial wolf, Ichiro?" Pag-uulit ni Peter sa choice ng lobo.

"Gru!"

"Malinaw. Nauunawaan ko." Sabay tango ni Peter.

Pinindot ni Peter ang ikaapat na choice, ang Terrestrial wolf.

...

Are you sure you want to evolve your wolf into a Terrestrial wolf?

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon