Ikawalong kabanata : Harvest time

275 45 3
                                    

Nagsimula si Peter sa pagmamasid sa sakahan.

Ngayong finocus n'ya ang atensyon sa nayon napansin n'yang panay sakahan lang talaga ang nasasaklaw ng tanaw n'ya. Mapakanan man o mapakaliwa. Maliban lang sa manaka-nakang kabahayan na nilalabas-masukan ng mga magbubukid.

Meron din s'yang nakitang ilang pang mga gusali sa kalayuan. Hindi n'ya sigurado kung ano ang mga yun at kung ano ang gamit ng mga 'yon.

Para naman sa pastulan sa likuran ni Peter, hindi n'ya na pa binigyan 'yon ng atensyon. Wala naman s'yang makikita kundi ang mga kahayupang pansaka at ang mga pastol. Kung may kailanganin man s'ya sa pastulan ay maaari n'ya namang puntaham iyon sa susunod. After all, iyon ang bungad ng nayon at malapit lang ito sa bahay ng mag-amang Richard at Peter.

For now, ang interes n'ya ay nasa mga gusaling wala s'yang ideya ang gamit.

He just want to fill his curiosity.

Nilampasan n'ya ang mga sakahan at magsasaka upang tunguin ang lugar.

Sa tinatahak n'yang landas napansin n'ya sa gilid ang isang nakatenggang lupang sakahan. Wala naman s'yang nakitang mali roon. Para kay Peter na mula sa pamilya ng mga magsasaka, alam n'ya ang dahilan noon. Isa iyong farming technique. Hinahayaan ng mga magbubukid na rumecover muna ang lupa ng hindi pagtatanim sa isang cycle. Sa ganong paraan ay may sapat na sustansyang makukuha ang mga tanim sa susunod na pagtatanim.

Sa pagbaybay n'ya ay paminsan-minsang may nakikita s'yang mga ina, mga dalagita at mga musmos sa labas ng kanilang bahay at may kung anong ginagawa.

...

Dumating s'ya sa gusaling pinakapumukaw ng pansin n'ya.

Tiningnang maigi ni Peter ang nakabukas na pintuan ng gusali.

Meron s'yang pakiramdam na alam n'ya na kung anong klaseng lugar ito. Base sa posisyon nito sa sentro ng nayon at magarbong vibes ay halata na kung gaano ito pinahahalagahan ng nayon. Nang may lumabas at sumalubong sa kanya nakumpirma n'ya ang kanyang hinala.

"Kamusta ginoo. Napansin kong nakatayo ka sa labas at tila nag-aalangang pumasok. Kaya hindi ko napigilan ang sariling 'di lumabas. Sumama ka sa'kin sa loob. Huwag kang mahiya. Hindi mapang-alipusta ang Goddess of Goodwill. Pinahahalagahan n'ya ang bawat anak n'ya." Nakangiting anyaya sa kanya ng isang lalaking may edad na bago ito pumasok sa loob ng gusali.

"Sabi ko na nga ba." Kumbinsidong sabi ni Peter sa loob-loob n'ya.

Sinundan n'ya ang lalaking nakasuot ng itim na abito.

Pagkapasok n'ya ay nanlaki ang mata n'ya ng lumapat ito sa isang imahe sa gitna ng kapilya. Iyon ang diyosang nagbigay ng kapangyarihan at ikalawang buhay n'ya.

Pagdating ng pari sa gitna ng kapilya ay humarap ito kay Peter. Napangiti ang lalaki nang makita ang paninitig ni Peter sa rebulto ng Goddess of Goodwill. Piniling itikom ng pari ang bibig at pigilin ang dapat ay sasabihin. Nakangiti itong naghintay kay Peter.

"Pasensya po." Nahihiyang sabi ni Peter sa pari nang mapansin n'yang napaghintay n'ya ito.

"Walang problema. Nauunawaan ko. Mas importante ang pagbibigay-pugay sa ating manlilikha, ang Goddess of Goodwill, kesa sa hamak na paring tagapaglingkod n'ya lang." Nakangiting turan ng pari.

"Ako nga po pala si Peter. Bagong dating lang ako mula sa silangan." Pagpapakilala ni Peter sa pari.

Tumango-tango naman ang pari sa introduksyon ni Peter.

Nang mapansin nito ang titig ni Peter ay napatanong ito. "Anong problema Peter?"

"Ano hong pangalan n'yo?" Aniya.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon