Second Arc : Rulers of Eternal Forest!

94 20 0
                                    

Natapos na ang first arc.

Ang arkong may pinamagatang Livelihood Dungeon arc.

Nagsimula ang unang arko nang ma-isekai ang bidang may pangalang Peter sa kanluraning bahagi ng mahikal na daigdig ng Skylark, sa kaharian na kung tawagi'y Terragon sa tulong at gabay ng isang diyosa.

Sa maliit na nayon na kung tawagin ay Nayon ng mga Simula namalagi s'ya nang matagal-tagal. Dito'y nakabuo s'ya ng bagong mga koneksyon, nakakuha ng bagong mga kaibigan, higit sa lahat ay nasimulan n'ya ang pagpapayabong sa potensyal ng kanyang kapangyarihang Livelihood Dungeon na nagresulta sa pagkakamal n'ya ng limpak-limpak na salapi.

Dumating din ang panahong kinailangan n'yang lisanin ang nayon dahil sa banta nito sa kanyang panganib.

Kamakailan lang ay matagumpay s'yang naka-survive sa mapaminsalang atake ng rank C knight na si Felipe.

Ngayon ngang natapos na ang unang yugto ng buhay ng ating bida ay magbubukas naman ang panibagong pahina ng isa na namang paglalakbay para kay Peter at kanyang mga alaga.

Sa bagong mundong kanilang pamamalagian ay kakailanganin ang wastong tapang at kaalertuhan, sapagkat abundante ang mga chance encounter na maaaring magdala sa'yong mga paa sa malalim na hukay.
Samahan natin sina Peter sa kanilang pag-e-explore sa Eternal Forest.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon