Ikasampung kabanata : Ang Silkies at si Kawaii-kun

159 34 2
                                    

Bahagyang natigilan si Peter makaraan n'yang makita ang isa sa mga bagay na pinaka-aabangan n'ya sa mundong may medieval na setting.

Isang wagon na hila-hila ng mga kabayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang wagon na hila-hila ng mga kabayo. Nababasa n'ya lang ang mga wagon ng mga peddler sa nobela noon, ngunit ngayo'y kaharap na n'ya ang isa. Maaga n'ya rin 'yon nakita kesa sa kanyang inaasahan.

Tinampal ni Peter ang magkabilaang pisngi.

"Di ito ang panahon para mamangha at maging curious. Unahin mo muna ang mas importanteng bagay." Paala-ala ni Peter sa sarili.

Lumakad si Peter papunta sa Eternal Forest. Makarating sa bungad ng gubat kung saan sigurado na s'yang walang makakakita, binuksan n'ya ang lagusang patungo sa Livelihood Dungeon.

...

Sasandali pa lamang nakakaalis ng taberna si Peter nang hikayatin ni Thomas na iluto ni tandang John ang dalawang piraso ng mais.

Sa ngayo'y nasa likuran bahagi ng taberna na silang dalawa, kung saan 'di pa nasisilayan ni Peter.

Kasalukuyang pinakukulo ni tandang John ang dalawang mais sa isang kawa. Sampung minuto na silang nakatitig at nakamasid sa kumukulong lutuan.

"Pwede na kaya 'yan, tandang John?

"Sipatin mo na. Baka luto na."

"Alisin mo ang takip, tanda. Tusukin mo. Para malaman mo kung maaari nang kainin."

Ilang beses nang napapailing si tandang John sa walang awat na panunudyo ni Thomas. Pilit nitong inuudyukang hanguin na nila ang mais at kainin. Masyadong halatang excited itong peddler para malasahan ang misteryosong pagkain.

Dumaan pa ang panibagong sampung minuto bago pinatayan ni tandang John ang apoy na nagpapakulo sa kawa. Dalawampung minuto. Yun ang kabilin-bilinan sa matanda ni Peter. Sumusunod lang s'ya sa eksperto sa pagluluto ng mga mais.

Sa pag-angat ni tandang John sa takip ng kawa ay s'yang pag-asunto sa kanilang mga pang-amoy ang isang mabagong aroma. Napalunok ang dalawa sa kabanguhang nalasap.

Hinango nila 'yon.

Hinipan-hipan nang sila'y mapaso.

Pinahiran ni Thomas ang tumutulong laway gamit ang manggas sa katakaman. Maging ang mature na si tandang John ay 'di mapigilang umaktong parang bata sa masarap n'yang naaamoy.

Nang mapansin nilang sakto na lang ang init ng mais ay sabay nila itong nilantakan. Nanlaki ang mata ng dalawa sa unang kagat.

Napapikit at napangiti ang dalawa sa unang pagkakalasa nila sa mais.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon