Ikatatlumpu't-apat na kabanata : Cooking up a feast after succeeding the fight!

73 11 0
                                    

"Pakilinis naman ang mga dugo, vKawaii-kun." bigla na lang sabi ng tahimik na nagkakatay na si Peter.

"Growl... Kyū!" tugon nang nagtra-transform na si Kawaii-kun.

Matuling gumapang papalapit ang slime sa nanlilimahid sa dugong paligid nang pinagkakatayan. Kung gaano katuling lumapit ang Regeneration Slime sa lugar ay sampung beses noon ang tulin nang paghigop nito sa nagkalat na dugo. Sa unang pagkakataon ay namangha ang dalawang magic beasts at ang dungeon guide sa formidable na cleaning skills ni Kawaii-kun. Ultimo kasi kasuluk-sulukan ng pinakamaliliit na mga piraso ng damo ay talaga namang lubos nitong nalinis. Pati nga ang nagtilansikang dugo sa katawan at damit nang nagkakatay na master ay kanya ring nalinisan.

"Kyū!" tila ba ay nanghihingi nang affirmation na pagpapapansin ni Kawaii-kun sa kanyang master.

"Good job, Kawaii-kun!" nakangiting binalingan saglit ni Peter ang alaga.

"Kyū!" tuwang-tuwang response naman ng Regeneration Slime.

"Kyū.. burp!" matinding namula si Kawaii-kun dahil naghagalpakan ang lahat sa kanyang biglaang pagdighay.

Napangiti namang pilit ang kanilang master.

"Pasensya ka na. Mukhang dahil sa'kin ay 'di mo pa ma-e-enjoy ang ating salu-salo mamaya." ani Peter sa kanyang maliit na alaga. Yumuko ito.

"Kyū! Kyū!" natatarantang nag-aangil naman ang slime na si Kawaii-kun.

Lumipat ang dungeon master sa kanyang pinatuyong mga putol-putol na kahoy matapos n'yang matapos ang pagkatay sa kabuuan ng higanteng baboy-ramong magic beast.

Una ay umipon muna s'ya ng katamtamang laking mga bato. Gamit ang mga bato ay nag-form s'ya doon ng tighly closed circle. Tapos ay dinagdagan n'ya 'yon ng ila pang layers. Matapos n'yang matiyak na maganda na ang pundasyon niyon at 'di na madaling magco-collapse ay sa ibang bagay na s'ya nag-focus.

Sinalansang papaikot at pacross-cross ni Peter ang mga natuyo n'yang kahoy.
Yun bang makikita sa mga palabas na nagluluto sa primitibong mga pamamaraan. Makaraang masalansan 'yon ng maayos ay dinampot naman n'ya ang dalawang kahoy na napiling ibukod sa simula pa lamang. Ang dalawang kahoy ay ang pinakatuyong-tuyo sa lahat ng mga kahoy na nandoroon. Sinimulan n'ya namang pagtama-tamain ang dalawang piraso na 'yon ng mga kahoy.

Kiskis dito, kiskis doon.

Paikot doon, paikot dito.

Kiskis.

Kiskis.

Kiskis.

Paikot.

Paikot.

Paikot.

Kiskis.

Paikot.

Kiskis.

Paikot.

Umihip paitaas si Peter.

Iyon ay upang alisin ang ilang takas ng kanyang mga buhok na matinding tumatabing sa mga mata n'ya, na sumasagabal sa kanyang ginagawa.

Di n'ya maaaring ipanghawi ang kamay sa mga hibla sapagkat masasayang ang naipon n'yang init sa pagkikiskisan ng mga kahoy. Kapag nagkaganoon ay kailangan n'ya muling magsimula sa pinakaumpisa.

Habang tumatagal ang kikiskisan ay s'ya ring pagdalas nang pagtagaktak ng gabutil n'yang mga pawis.

"Sana'y makakumbinsi ako ng isang magic beast na may kakayahang gumamit ng apoy na maging myembro nang lumalaki ko pang pamilya." napapahiling na lang na sabi ni Peter out of nowhere.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon