Ikalimang kabanata : The beginning of a dungeon life

219 37 1
                                    

"Gamitin mo ang available mong dungeon points, master. Kakailangin mo ang basic item na yun sa pagtatanim, tehehe!~" Utos ni Peach kay Peter.

Walang reklamong sinunod 'yon ng dungeon master. Tahimik na binukas ni Peter ang kanyang shop. Dinala n'ya yun sa dungeon shop. Pagkatapos ay tumungo s'ya sa tools category.

...

Tools!

- Farming tools
- Rearing tools

...

Clinick ni Peter ang farming tools kung nasaan ang pangangailangan n'ya.

...

Farming tools!

Pail : 10 DP (owned[1])
Dipper : 10 DP (owned[1])
Watering can : 10 DP
Sickle : 10 DP (owned[1])
Hoe : 10 DP
Hammer : 10 DP
Ax : 10 DP

...

Clinick ni Peter ang hoe na ipangbubungkal n'ya sa lupa.

...

Are you sure you want to use your 10 dungeon points to buy one hoe?

Yes 👈 or No?

...

Walang pag-aatubiling binili 'yon ni Peter. Nanghihinayang man sa dungeon points, naisip ni Peter na investment ang pagbili ng tool na yun.

Walang anu-ano'y may sumulpot na isang asarol or hoe sa lapag sa harapan ni Peter.

"Sirugo naman ay may ideya ka na sa pagtatanim, master, tehehe?~"

"Oo naman, Peach. Hindi mo naitatanong ngunit galing ako sa pamilya ng mga magsasaka sa Earth. Kahit bigas ang pangunahin naming tanim ay masasabi ko namang mapapakinabangan ko ang kaalamang yun dito." Mataas ang kumpyansa na pinukpok ni Peter ang sariling dibdib.

"Mahusay master, tehehe!~"

Dinampot ni Peter ang karit o sickle na nakuha n'ya mula sa wooden chest sa loob ng kanyang bahay.

Binitbit n'ya rin ang may lamang tabo at tubig na mula sa magical fountain of life na timba.

"Maghanap ka ng lupang pagtataniman mo ng mga buto ng mais master, tehehe!~"

"Maaari mo bang buksan ang mapa ng dungeon, Peach?" May lambing na pakiusap ni Peter sa kanyang dungeon guide.

"Wala pong problema master, tehehe!~" Pagkasabi noon ni Peach ay ang s'ya ring paglabas ng mala-hologram na mapa ng Livelihood Dungeon sa harapan ni Peter.

"Salamat."

"Walang anuman po master, tehehe!~ Pero gusto ko lang sabihing maaari mong bukas ang mapa. Kailangan mo lang sabihin ang keyword na, 'map open,' at 'close map,' naman kung nais mo na itong isara, tehehe!~"

"Maraming salamat, Peach."

Agaran ding sinubukan 'yon ni Peter.

"Map close!" Sumara ang mapa.

"Open map!" Muling bumukas ang mapa.

Bahagyang napangiti si Peter. Gaya nang pagbubukas ng kanyang dungeon, simple lang din ang paraan nang pagbubukas ng mapa.

Doon sa mapa, sinuri n'ya ang kabuuan ng dungeon. Ngayon n'ya lang napansing may nakalagay na sukat sa gilid ng mapa.

"100 square meter," sabi roon.

Just imagine na merong dalawang American football field na magkarugtong side by side. Ganun kalaki ang isang 100 square meter field.

On the map, makikitang may perpektong hugis parisukat ang kabuuan ng dungeon.

Livelihood Dungeon! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon