Chapter 1

344 16 0
                                    


"Good Morning Ganda!"

"Good Morning din po." Nakangiting bati ko pabalik sa gwardiya ng eskwelahan at saka kiming nginitian siya.

Tahimik kong tinahak ang hallway papunta sa classroom. May mangilan ngilan pang estudyante sa hallway na nakatambay. Ang iba ay ramdam ko ang palihim na sulyap sa akin. Umiling na lang ako at hindi na pinansin ang mga iyon.

I tend to keep my silence, a lot. I just felt like I will just exhaust myself dealing with people like them.

"Sayang no? Kawawa siya, maganda pa naman."

"Malas niya lang at siya pa ang napagtripan."

"Muka pa namang mabait."

Patay malisya kong dineretso ang aking classroom at hindi na inintindi ang kanilang mga bulungan.

I am currently first year college, bussiness management ang course ko.

Pag pasok sa room ay diretso kong tinahak ang upuan sa pinakadulo. I look around and everyone were happily chatting with their friends.

Friends that I dont have...

I can't help but somehow to feel envy towards my classmates. I wanted to have a normal college life. I am never the kind of friendly instead I am an awkward person. I don't know how to approach other and make friends.

Walang gustong kumaibigan sa akin dahil siguro sakanya... Natatakot ang lahat na madamay sa kamalasang tinatamasa ko ngayon.

I sighed and nervously tapped my ballpen in my armchair. I know, kaunting oras na lang ay dadating na naman sila.

Tama nga ang hinala ko dahil maya maya pa ay rinig ko na ang ingay nila sa hallway na umabot hanggang dito sa loob.

"Nice one bro! Naka lusot ka nanaman sa mommy mo nyan?" I secretly rolled my eyes.

"Yeah." isang nababagot na tono ang sumagot dito.

"Sayang no, hindi ako nakasama."

Napabuntung hininga ako sa kaba. Ano nanamang kamalasan ang dadanasin ko ngayong umaga?

Mula sa pagkakaupo ay natahimik ang aking mga kaklase at napatingin sa'kin. May halong pagka awa ang kanilang tingin. Bagsak ng libro ang nagpagulat sa akin.

Unti-unti kong tiningala ang may gawa nito. Yvo's smug face welcomed me. May halong pagka-irita ang tingin niya sa akin.

Ang napakagwapo niyang mukha ang nabungaran ko. Ang malamlam niyang mata ay ka akit-akit, ang tangos din ng kanyang ilong, kilay na makakapal na ngayon ay magkasalubong, mahaba ang kanyang pilik mata at bahagyang nakaawang ang kanyang labing maganda ang kurba at mapupula. His define jawline makes him more manly. Bilang isang lalaki ay tunay nga siyang ka akit akit. But one word to describe the whole him. Maangas.

Kita ko kung paano umalon ang kanyang lagukan. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito. Hindi na ako magtataka kung bakit tila ay marami ang sumasamba sa kanyang mga kababaihan.

"Kanina pa kita tinatawag. Bingi ka ba?" siga niyang tanong.

Sa kaba ay tila nalulon ko na ang aking dila.

Dahan dahan na lang akong nagbaba ng tingin sa mga librong ipinatong niya sa aking lamesa. Pagbilang ko ay tatlo iyon.

"Do this, make sure to finish it tommorow." pakiramdam ko ay nanindig ang lahat ng balahibo ko ng bumulong siya sa aking tainga. Ramdam ko ang kanyang mumunting paghinga na tumatama sa aking pisngi.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon