Chapter 33

60 7 1
                                    

"Ayusin mo nga! Ang pangit ng gawa mo eh!" sigaw ni Sabby habang inaayos ko ang kulay ng kuko niya. Pinigilan ko ang sariling pinturahan ang muka niya.

"Eh paano? Galaw ka ng galaw?" Umirap siya.

"Kita nang kumakain ako!" tinuro niya ako ng tinidor na may nakatusok na hotdog.
Umirap ako. Sinasadya niyang maglumikot.

"Tiisin mo iyan, it's your fault anyway. You offended me three times that night."

I pursed my lips to stop myself from laughing.

Nabukulan kasi siya sa noo nang itulak ko siya. Sinarhan ko pa ng pinto.

"Uuggh! I will really move out from this freakin cheap apartment!"

"Sorry na nga eh" iniisip ko pa lang na aalis siya nalulungkot na'ko. It would be so quiet then.

"Oh don't tell me, ma mimiss mo ako?" she teased.

Ngumuso ako saka umirap. "Kahit huwag ka nang bumalik."

She laughed. "Okay, dahil hindi ako mabubuhay ng walang enemy, hindi ako aalis."

"Tsk"

"Haay hay haaay" aniya habang tinaas ang mga daliri at sinipat iyon.

"Perfect" matamis siyang ngumiti sa'kin.

Siguradong may date nanaman siya.

Makahulugan niya akong tiningnan bago ngumisi.

"So..?"

"So?" ulit ko.

"Anong ganap kagabi? May nangyari bang alam mo na?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Nangyari ang anong alam ko na?"

Siya naman ang napatampal ng noo bago tumusok ng hotdog at dahan dahan iyong sinubo habang nakatingin sa'kin. Tumaas ang kilay niya ng makahulugan bago ngumisi saka kumagat at ngumuya.

"Gets? Nangyaring kakaiba? Mahiwaga?" ngisi niya.

Napabuntung hininga ako saka inalala ang nangyari kagabi. Natulala ako.

"OMG! May nangyari nga?!" Tumango ako kaya lalong nanlaki ang mata niya saka tumili.

"Kyaaah gaga! Nagbibiro lang ako, umamin ka naman? So ano, naramdaman mo kung gaano kasakit?!" Muli akong bumuntung hininga saka tumango. Napasinghap siya ng malakas.

The moment I throw that ring made my heart clenched. "Tanga! Bakit ka naman bumigay na?" sigaw niya sa mukha ko.

Ano namang gusto niya? Matagal ko ng gustong bumigay pero kinakaya ko but last night, it felt like something snapped me.

"I just felt like it was the right thing to do that time. I don't know, nawala din ako ng tamang pag iisip. Nagpadala ako sa emosyon ko." Eksaherada siyang suminghap.

"Sa bagay, nakakawala talaga ng tamang pag iisip iyon girl! So ano?! Kamusta?! Pinagsisihan mo ba?!" tila excited niyang tanong.

I bit my lip. Sa totoo lang, pagkatapon ko niyon ay tila gusto kong hablutin ulit agad pabalik ngunit nagyari na.

"Nangyari na eh."

Sabby eyes bulged. "You're an assh*le Kit. Pagkatapos ka niyang paligayahin. Ipapakita mo ngayong nagsisisi ka?"

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about 'pinaligaya'. It definitely hurted him last night." and I don't know why I feel guilty right now.

"What?"

"I was talking about what happen last night, when I throw the ring he gaved me. I knew it hurted him."

Nahampas niya ang lamesa kaya napatalon ako sa gulat.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon