Chapter 12

115 3 0
                                    

Naramdaman kong nagvibrate ang hawak kong selpon kaya napatingin ako doon.

Si Caleb ang nagtext.

From JC: Im okay now, how about you?

To JC: Okay na ako. Bakit pala hindi kita makita? Hindi ka pumasok?

From JC: May inaasikaso lang. Why? Miss me again?

Napangiti ako sa text niya. Mapagbiro talaga siya.

To JC: Baka ikaw nakaka miss sa akin?

Napatingin ako sa field na maraming estudyanteng nag eensayo. Next week na ang uniweek kaya halos wala kaming ginagawa ngayon.

Nanonood lang kami ni Cane ng mga estudyanteng nagpapractice ng mob dance. May mga naguumpisa na ring magtayo ng booth at kabilang na kami doon. Salitan kaming magkaka klase na magtayo ng aming booth, tapos na kami kanina kaya tambay ulit kami ngayon.

Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Yvo. Nabigyan siya ng one week suspension kaya malamang sa uniweek ay nandito na ulit siya.

Noong hinatid niya ako sa bahay kinagabihan ay nag natadtad na pala ni Cane ng text ang phone ko kaya kinwento ko ang buong nangyari bukod doon ay nasa site din ng eskwelahan ang video ng pagsusuntukan ni Caleb at Yvo maging ng eksena namin ni Brianna.

Iyon pala ang tinutukoy niyang video na ako ang babae doon. Totoo namang ako pero wala silang alam sa totoong nangyari.

Ayaw ko na sanang alalahanin si Yvo pero hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bawat lumilipas na minuto ay pasagi sagi siya sa isipan ko.

Napapikit ako ng mariin at pilit na tinatanggal siya sa isip.

"Huy!" nakasimangot si Cane sa akin.

"Ano ba iyan, lagi ka na lang tulala tuwing nag uusap tayo." umirap siya sa akin. Napatawa ako sa asta niyang parang bata.

"Sorry na, marami lang akong iniisip."

"Ano pa nga ba, ikaw lang naman ang bestfriend ko." sabay kaming napatawa sa kanyang tinuran.

"Ang sabi ko nood tayong basketball sa uniweek." pag uulit niya.

Umuo na lang ako.

"IVO!" otomatikong napalingon ako sa narinig. Ngunit iba ang nakita ko. Lalaking mukang tinawag ng kanyang kaibigan.

Kapangalan lang!

"Uyyy lumingon siya. Akala mo siya na ano?" sinundot sundot ni Cane ang tagiliran ko. Natatawang hinuli ko ang kanyang kamay.

"Ano ba hindi." tumigil naman siya at nakataas kilay na tumingin sa akin. Namumula ang muka ko sa hiya.

"Umamin kanga, may gusto ka kay Yvo?" agad akong umiling at nag iwas ng tingin. Sa tinanong niya ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Kahit marinig ang kanyang pangalan ay bumibilis ng husto ang tibok nito. Unang beses kong maramdaman ito at hindi ko alam ang gagawin.

Ito na ba yung tinatawag na love? Problema sa pag ibig? Pero umiibig na ba ako?

"Okay ganito, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo kapag nakikita mo si Yvo."

Napalingon ako sa kanya at nakatingin ito sa akin na tila may hinihintay. "Come on Kit, tell me. Tutulungan kita. Promise."
Humarap siya sa akin.

"Now tell me kung anong nararamdaman mo kapag nakita si Yvo?"

Tumikhim ako at tumingin sa paligid. Mabuti na lang at walang tao sa kabilang bench.

"Kinakabahan?" umikot ang mata niya.

"Anong kinakabahan, kinakabahan ka kasi natatakot ka sa kanya o dahil na eexcite ka sa presenya niya?"

"Pareho." padabog niyang kinamot ang ulo.

"Ano ba iyan. O eto na lang. Isipin mong may kasama siyang ibang babae at mahal na mahal niya iyon? Anong feeling?"

Sa tanong niya ay naalala ko ang paghawak niya sa kamay ni Brianna at ang pakiramdam ko noong akala ko ay kakampihan niya ito. Napalunok ako at tumingin sa kanya.

"M-masakit sa dibdib." nanlaki ang mata niya at itinaas ang hinliliit na tila may binibilang.

"One point, lagi ba siyang laman ng isip mo?" napatango ako sa tanong niya.

Itinaas niyang muli ang isang daliri."two points, kaya pala lagi kang tulala. Eto pa gusto mo siya lagi makita?" Dahan dahan akong napatango sa tanong niya.

"Kyaah Confirm!" nagulat ako sa impit niyang sigaw. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya. " Meron kangang gusto sa kanya, Inlove kana Kit!"

Natulala ako sa tinuran niya. "Anong dapat kong gawin kung inlove ako sa kanya?" parang wala sa sariling tanong ko.

"Depende, iibig ka ng palihim o ipaglalaban mo dahil gusto mong masuklian ang nararamdaman mo?"

Kung umiibig na nga talaga ako sa kanya ay siguradong wala lang iyon sa kanya. Galit siya sa akin at gusto niyang pinahihirapan ako. Sa naisip ay nasasaktan ako.

Ganito ba talaga ang magkagusto?

"Galit siya sa akin Cane. At isa pa wala akong panahon para sa pag ibig na iyan"

"Walang pana-panahon ang pag ibig, kapag tinamaan ka, wala kang choice but to live with it and soon, marerealize mong gusto mong masuklian ang nararamdaman mo."

"Gusto mo bang maging maayos na kayo?"

Muli akong tumango, ayaw ko ng may kagalit kaya hangang maaari ay ayaw kong may kahidwaan, hindi ako sanay sa ganon.

"Si Yvo ang klase ng taong ma pride kaya dapat ikaw na ang magpakumbaba kung ganon."

"Matagal na akong nagpapakumbaba Cane."

"Kahit naiinis ako sa Yvo na iyon ay humingi ka na lang  ng Sorry para matapos na."

"Nag sorry na ako." humingi na ako ng tawad sa Condo niya pero nagdabog lang siya..

Natahimik ito at maya maya pa ay ang nakangiting humarap siya sa akin.

"May plano ako kung paano ka makikipagbati sa kanya."

Sa huli ako pa rin ang magpapakumbaba. Sabi ko sa sarili ko ayos lang. Sinusubukan kong lawakan ang pag iisip ko. I know having Yvo on my side is not a good situation.

I promise myself to study hard and peaceful. No one can hinder me from doing so.

Yvo is just a challenge God is giving me.
As to this feeling I have been feeling, I guess I have no choice but to forget it.

Ganon naman talaga, hindi naman lahat ng minamahal natin ay mahal din tayo, sometimes we need to be over rule by mind than heart and think rational.

Although I can't say if I feel love or just infatuated with him but one thing is for sure.

Anuman itong nararamdaman ko, I'll make sure it will never destroy me.. I hope so..

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon