Chapter 15

106 5 0
                                    

Bago pa sila muling magkasakitan ay nagtawag na ang referee at nagumpisa na muli ang laro. Ramdam ko ang tension sa pagitan nila. Imbes na magtulungan ay naggigitgitan sila at minsan pa ay sadyang nagkakasakitan kaya napagalitan ng instructor. Sa huli tuloy ay natalo ang department namin. Panay ang reklamo ng mga kababaihan sa paligid. Kuno ay nandaya ang kabilang department kaya nanalo.

Nababagabag ako kay Caleb dahil tila ay may alam siyang kailangan kong malaman. Ang lahat ng saya ko kaninang umaga ay napawi lahat. Ang bigat ng kalooban ko. Sinasabi niya bang niloloko lang ako ni Yvo sa pinapakita niya sa akin? Pero bakit naman? Napabuntung hininga ako.

Dagli akong nagulat ng may humawak sa balikat ko. Seryosong muka ni Yvo ang nabungaran ko, hindi niya kasama ang dalawa at hindi pa nakakapagpalit ng damit. 

Hinila niya ako papasok sa gymnasium na ngayon ay wala ng tao at tahimik. Tahimik lang ako kahit pa ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Are you mad?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang lumanay ng kanyang pagkakasabi.

"Is this because of Caleb?" tila nangagamba ang kanyang ekspresyon.

"Bakit? May dapat ba akong malaman?" hindi siya nakaimik. Nag iwas ako ng tingin, pakiramdam ko ay meron nga.

"Don't mind him, What's important is us." hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa akin.

Sa totoo lang ay nangangamba ako sa kinikilos niya. Natatakot akong masaktan. Parang kailan lang ng galit siya sa akin, tapos ngayon kung ano anong matatamis na salita ang binibigkas niya.

"Bakit..ano ba tayo? Ang alam ko kasi galit ka sa akin.." narinig ko siyang tumawa kaya napaiwas ako ng tingin.

"You said you like me do you?" naginit ang pisngi ko sa tanong niya. Oo, gustong gusto ko siya, pero hindi ako kumportableng alam niya iyon.

"Dont be embarrased Kit." titig na titig niyang sinabi sa akin. Mas lalo ata akong namula sa tinuran niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi malaman ang sasabihin.

"Because I feel the same way as you do." hindi ako nakahuma sa narinig. I heard him chuckle at my reaction then he pinch my cheeks.

"Yeah, that's why from now on, bawal ka ng tumingin sa ibang lalaki especially Caleb." nakakunot noong sabi niya at tila may naalalang hindi maganda.

"And always remember I'm yours and you're mine." dumampi ang kanyang labi sa akin. Napapikit ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Para akong timang na nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. May maliit na ngiti sa aking labi, hindi ko mapigilan. Gustong gusto ko si Yvo at hindi ko alam kung paanong nangyari kahit pa hindi nagumpisa sa maganda ang pagkakakilala namin. Isang beses ko pang pinasadahan ng suklay ang buhok bago pinagpasyahang  pumasok sa eskwela.

"Kit, blooming ka." bulong sa akin ni Cane habang naglalakad lakad dito sa field. Pupunta kami ng photo booth kagaya ng ipinangako ko sa kanya.

Nag iwas ako ng tingin at  napangiti ng maalala siya.

"Ay iba!" inirapan ko siya ng sundutin niya ang baywang ko.

"Marunong ka nang mang irap porke may love life kana ha!" nanliit ang mata ko sa kanya.

"Kanino mo nalaman at sinong nagsabi sayo?" siya naman ngayon ang nag iwas ng tingin at namula.

"Wala no, nahulaan ko lang." naglikot ang kanyang mata kaya kunot noong tinitigan ko siya.

"Wala nga sabi!" Napapitlag ako sa sigaw niya. Ngumuso lang siya at umirap at saka nagpatiunang naglakad sa photo booth.

Yvo: Where are you?

Nakagat ko ang labi sa text niya.

To Yvo: Dito sa may photo booth.

Pagkalabas sa photo booth ay nadatnan ko siyang nakatayo doon. Nakahalukipkip na parang modelo.

Lumingon ako kay Cane na patay malisyang nag iwas ng tingin saka nag paalam na may pupuntahan pang booth.

"I was waiting for you."  he hold my hand, wala siyang pakialam sa mga estudyanteng lumilingon sa amin.

Natulala lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. He said that he likes me too... I think my eyes litterally twinkled upon seeing him.. and my heart flutters so much. I am too inlove with him at aamin ko ang sarap  sa pakiramdam na nandito siya sa harap ko ngayon at nakangiti na.

Lihim akong napangiti ng naglakad siya hawak ang kamay ko, unti unti kong isinalikop ang kamay ko sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. I smiled at him at napahigpit pa lalo ang kapit sa kamay niya. I want to hold him forever... His face looks shocked upon seeing me smile.

Nagtitigan lang kami doon. Sigurado na ako sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng nararamdaman ko ngayon at ayoko ng matapos to. Unang beses ko tong maranasan at pakiramdam ko nakakalimutan ko lahat tuwing nasa tabi ko siya.

Napapikit ako sa biglang nagflash. A smiling student holding a camera approach us.

"Hi, Im sorry I captured your moment. I am an aspiring photographer." nagkamot siya ng batok at iniabot ang develop pictures sa akin.

It was us. I am smiling at him while he looks flustered looking down at me while the sunlight is peeking between us .Ang ganda, it looks aesthetic..

Kinuha niya rin iyon at pinakatitigan

"You can keep it." binigay niya sa akin ang dalawa at nakita kong isinuksok niya sa bulsa ang isa.

Tumango ako at itinago iyon sa mini bag ko. Halos mabingi na ako sa kabog ng dibdib ko.

"Thank you.."

Nagpasalamat ako dun sa lalaking kumuha ng picture. Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya dali dali na siyang umalis.

"Where do you want to go?" tanong niya.

" Kahit saan na lang." hapon naman na kaya pwede nang umuwi. Tinext ko na lang si Cane na mauuna na ako.

We ended up in carnival rides. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata. We ride almost all the rides.

Nakaupo akong naghihintay kay Yvo. Sabi niya ay may bibilhin lang siya. Pinagmasdan ko ang paligid, everybody seems happy yet I know all of us is facing our own battles. I wanted to be like them too, I wanted to be strong. I looked at the children laughing. I smile unconciously. Parang ganyan din ako noong bata. Walang problema ngayon ko na naiisip yung kasabihan na ang sarap maging bata.

Napatingala ako sa kalangitan, nagdidilim na pala. Malamig na ang simoy ng hangin, pasko na talaga.

"Here." napalingon ako kay Yvo na may hawak na cotton candy. Nakahawak pa sa batok na tila nahihiya. This is the first time I saw this side of him. He looks cute.

"I just thought you like it." sumeryoso nanaman ang kanyang muka kaya natawa ako.

"Thank you Yvo." lumingon siya sa akin. Napalunok ako sa kabog ng dibdib ko.

"Thank you for bringing me here." inangat niya ang kanyang kamay at hinimas ang buhok ko saka ngumiting muli. Hindi na ata ako nasanay sa pagbabagong bigla niya.

"As long as you're happy." nangilid ang luha ko. He chuckled.

"Are you crying?" namumulang sinamaan ko siya ng tingin saka tumalikod ng bahagya. Tuloy lang siya sa pagtawa. Halos nanigas ako ng maramdaman ang pagyakap niya sa aking likuran.

"I promise, I will take care of you from now on."

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon