Chapter 3

161 13 1
                                    

Nangingiting inilagay ko sa tupperware ang binake kong cookies para kay Cane.

Isinilid ko iyon ng maayos sa bag pagkatapos ay napagpasyahan ng umalis. Wala na si mama dahil nasa trabaho na siya ng mga ganitong oras.

Pagdating sa paaralan ay masigla kong binati pabalik ang gwardiya ng muli nanaman akong nitong batiin ng magandang umaga.

I will start my day beautiful!

Excited akong ibigay ang binake kong cookies kay Cane. Hindi ko alintana ang mga tingin sa akin sa hallway at corridors. Masaya ako ngayong araw.

Una dahil hindi ako napagalitan ni mama.
Pangalawa ay dahil magkakaroon ako ng kaibigan.

I just felt it. Maybe my mother is not right all along. Maybe this is now the right time for me to have a friend.

Sana lang ay hindi ko makita sina Reevo ngayon...

"Goodmorning girl, Kit!" ngumiti ako kay Cane saka siya binati rin pabalik.

"Ano ka ba huwag ka nang mahiya sa akin. Madaldal talaga ako sa mga taong gusto ko at kumportable ako."

Hindi ko mapigilang mangiti sa tinuran niya. I was hoping too and looking forward about being Cane's friend.

"Mabait ka naman eh. At saka we are friends na!"

Masaya ako na tinuturing niya akong kaibigan. Napangiti ako ng malawak sa kanya.

"May ibibigay ako sayo mamayang lunch, sabay tayo?" alok ko sa kanya. Ngayon may kaibigan na ako pwede ko na siguro siyang yayain na sabay kaming kakain ng lunch sa canteen.

"Sure why not? Ano bang ibibigay mo?" may halong excitement ang boses niya at bahagya pang sinundot ang tagiliran ko. Masayang kausap si Cane. Sa una lang siya tahimik pero kapag nakuha mo ang loob niya ay dumadaldal siya.

Napatawa ako sa kiliti at pinigilan ang kamay nito."Secret. Mamayang lunch ibibigay ko sayo."

Natigil lang kami sa kulitan ng dumating ang guro at nagturo.

Natapos ang subjects ng pang umaga at dumeretso kami ng canteen, halos punuan pa. Pagkatapos umorder ay saka kami umupo saay bandang dulo.

"Mabuti at hindi ka ginulo nila Reevo ngayon ano?" sa kalagitnaan ng pagkain ay tanong  niya.

I just realize how big deal he is in this school.

"Oo nga eh, sana magtuloy tuloy na."  I hopefully said.

"Ang balita ko ay ikaw daw ang dahilan kung bakit siya nauspend noon?"

Tuwing naaalala ko ang mangyari ay hindi ko maiwasang magsisi, but I know I shoudn't be. It is not my fault. It's his fault and he should own it but I guess he's too prideful to do it.

 
Nagbaba na lang ako ng tingin sa pagkain.

"Uh.. ayos lang kung ayaw mo ikwento, huwag mo nang isipin iyon. Ayos ka lang? Nangangamba ang boses nito at nagsisisi.

Ngumiti ako sa kanya."Ayos lang ako.Wag kang mag alala, saka ayos lang kung magtanong ka, diba nga magkaibigan na tayo."

Ngumiti ito at tumango tango."Speaking of friend, asan na yung sabi mong ibibigay mo? Sa sinabi niya ay hinagilap ko ang bag ko ngunit ng maalalang inilabas ko ito sa aking bag sa classroom ay nawala ang ngiti ko sa labi at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Naiwan ko sa room, teka kukunin ko." tutal tapos naman na akong kumain. Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan ako nito.

"Teka! Teka! Huwag na, pagbalik na lang mamaya. Ito naman hindi naman ako nagmamadali eh" nangamot pa ito sa ulo.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon