Chapter 21

83 4 1
                                    

Hinanap ko si mama. Pinuntahan ko siya sa trabaho niya. Hapon na at uwian na nila kaya sigurado akong madadatnan ko pa siya.

I saw my reflection at the car window beside me. Napasimangot ako. Sobrang dungis ko na.

Agad akong naalerto ng mamataan ang pamilyar na bulto. Agad ko iyong nilapitan nakatalikod sa aking gawi at may kausap sa kanyang phone.

"Ma?" I called. Lumingon siya sa aking gawi at nanlaki ang mata.

"Kitarni anong ginagawa mo rito?" nakataas kilay na tanong niya.

"Ma, pumunta sa bahay si papa nung nakaraan." panimula ko.

"Sumama kana sana sa kanya." sagot niya at lumakad paalis. Napanganga ako sa sagot niya.

"A-ayoko, sabi ko hihintayin kita." Nagsimulang magtubig ang aking mata. Huminto siya sa paglalakad.

"Sabi niya binenta na raw yung bahay? Hindi iyon totoo. Saan tayo titira?" she shake her head then turned her back to me. I saw her shoulder shaked kaya alam kong umiiyak siya.

"Malaki ka na Kitarni, kaya mo na ang sarili mo. Sumama ka na sa tatay mo." matigas niyang ani. Pagak akong natawa.

"Malaki na ako alam ko kung kanino ako sasama. Kung aalis ka lalayas na rin ako. Hindi mo na ako makikita kahit kailan." Puno ng galit kong ani.

I didn't know until now that I had this hidden bravery to talk back to my mother. I guess beacuse of my bottled up emotions.

"Umalis kana. Sumama kana sa kanya."

"No, pwede pa naman tayong mabuo."

Galit na lumingon siya sa akin. I just feel my cheek burned by her slap. My tears started to fall unstoppable. Kinuyom ko ang aking kamao. Tiningnan niya iyon.

"Lalaban ka?" she pushed me to my shoulder.

"Ito itatak mo sa kokote mo. Hindi na pwede iyang sinasabi mo." Dinuro niya ng paulit ulit ang aking sentido.

Tinampal ko iyon. Gulat siyang lumingon sa akin. Nananakit ang lalamunan ko. Pilit kong nilunok iyon at nagpakatatag. Pinunasan ko ang luha ko.

"Bakit...? Tell me! Why?" galit kong sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nasa publikong lugar kami.

"Gusto mong malaman? Sige! Dahil ako ang kabet, ako ang nanira ng relasyon! At ikaw." Dinuro niyang muli ang dibdib ko.

"Bunga ka lang ng pagkakamali! Hindi kana dapat ipinaganak!" My tears resurfaced again pero maagap na pinigil ko iyon.

"Kasal kayo ni Papa." paninindigan ko. I can't just understand why was she letting my father with his mistress.

"Kit, may mga bagay na hindi na dapat ipipilit." nagtitimpi niyang saad.

"Ganon nalang iyon ma? Aalis kana? Iiwan mo na din ako?" masamang loob kong tanong. My voice were shaking.

"Yes, kagaya ng sabi ko, malaki kana." malamig niyang sabi.

My eyes were bloodshot red. I looked at her face. Hinahanap ko kung nasaan na ang dati kong mapagmahal na ina. We stared each other for how many seconds.

I swallowed the biling pain in my throat.

"Fine... hindi na. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Aalis ka?" Napipiyok kong saad.

"Go..Umalis kana, Hinding hindi kita hahanapin kahit kailan. Tutal simula ng umalis si papa hindi mo na ako itinuring na anak, wala na rin akong nanay." Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa kanyang muka bago tumalikod at sumakay sa isang sasakyan bago humarurot ng alis.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon