Chapter 7

144 6 2
                                    

Titig na titig ako sa papel na hawak ko. Pinapagawa niya lang naman ako ng essay na 1,500 word count.

Hindi ko alam pero ang sakit ng pakiramdam ko. Umaasa ba ako na maging maayos kami?

"Ano iyan?" naitago ko bigla ang hawak kong criteria ng essay.

"Wala." ngumuso siya at umirap.

"Ang yayabang ng mga iyon, akala mo kung sinong siga."

"Siga naman talaga sila." totoo naman, balita ko ay maraming lalaki ang ilag sa kanila.

"Nakakaasar! Lalo na yang Deter na yun! Parehas sila lahat!"

"May kasalanan ka pa sa akin Cane." pagbibiro ko dito. She pouted.

"Sorry na Kit.. Nainis ako eh. Ganito na lang, libre ko ang lunch mo sa paparating na sports fest! Game?"

Oo nga pala, magaganap na ang uniweek one week from now kaya nag uumpisa ng maghanda ang lahat.

"Manonood tayo ng sports tapos punta tayong photo booth!" sabi ko nga maligalig si Cane kapag ako lang ang kausap.

Tumango ako at umayos ng upo ng dumating na ang guro.

"As you all know, uniweek is coming. So.. I am giving this class a whole project. And that is to create a booth, I want to see reports of capital used, income and demand chart. It's up to you what booth do you like."

Sa buong oras ng klase ay binigyan kami ng guro ng oras para magplano. Sa huli ay napagdesisyunan ng klase na magtayo ng Milktea Shop. Kung sa bagay yun naman ang trend ngayon. Ang importante daw ay dapat tutubo kami.

Maaga natapos ang klase, kaya nakatambay kami ngayon ni Cane sa white bench kung saan nagpapalipas ng oras ang mga estudyante. Marami namang tambayan, pwede din sa library sa ibang pavillion, sa gym o sa iba pang bench pero mas gusto ko na dito.

Marami ang estudyante dito ngayon. Sa bagay ay biyernes malamang ay maaga ring natapos ang subjects nila.

"Kit?"

"Hmm?" mula sa paggawa ng essay ni Yvo ay napatingin ako kay Cane.

"Hindi kaba napapagod?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

"Kasi.. dapat nagpapahinga kana ngayon eh." Nakatingin siya sa akin ngayon ng may halong awa at ayoko nun. I always hated to see their pity for me. Ngumiti na lang ako.

"Ayos lang ako, wag mo nang intindihin iyon."

"Ano ba kasing nagawa mo sa Yvo na iyan para ganyanin ka niya. Natandaan ko pang pinahiya ka niya noon sa harap ng maraming estudyante ah?" Isa rin siguro siya sa nakakita na pinagpupunit ni Yvo ang mga books at notebooks ko noon.

"You can tell me Kit, kaibigan mo na ako."

Siguro nga, oras na rin para magtiwala sa iba. Kahit pa malaman ni mama na may kaibigan ako. May sarili akong desisyon at gusto ko nang maging katulad na lang ng ibang normal na tao.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari noong first day hanggang sa nangyari sa guidance. Bali balita din kasi noon na nag away daw sila ng Dad niya dahil doon. Sikat na sikat nga siya.

"Ang babaw naman nun." nakakunot ang noo niyang sabi sa akin.

Mababaw ba talaga? Pero nahatulan siya ng suspension. Magdadalawang linggo rin bago siya nakabalik.

"Malakas ang kutob ko Kit ha, iba na iyan. Ang tagal tagal na non eh!"

Ano namang ibang dahilan niya? Meron nga ba? Tama naman si Cane, kung tutuusin sariling kasalanan niya na iyong nangyari sa kanya. Malas ko lang dahil ako ang nakasaksi.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon