Chapter 13

96 4 1
                                    


Today is the first day of the uniweek. Ngayon na babalik si Yvo.

Nanlulumo tuloy ako. So far naging matiwasay ang buhay ko nung wala siya.

Bumaba ang tingin ko sa maliit na cake na pang peace offering ko sa kanya. Bi-nake ko ito dahil sabi ni Cane ay magbigay ako  ng peace offering kay Yvo. Baka sakaling matanggap niya ang sorry ko.

Ayaw ko na din naman ng gulo kaya ginawa ko na. Pagkadating sa eskwelahan ay agad kong tinahak ang daan papuntang booth.

"Good Morning Ganda!" ngumiti at bumati ako pabalik kay manong guard. Nasasanay na rin ako na palagi niya akong binabati sa tuwing pumapasok ako.

Naka civilian lang ang mga estudyante. Simpleng off shoulder floral dress lang ang suot ko na umaabot sa taas ng aking tuhod na pinaresan ko ng flats. May mangilan ngilan pang tumitingin sa akin pero kagaya ng dati ay hindi ko na pinansin iyon.

"Kyaah ang ganda mo Kit!"  Inilapag ko ang cake sa table saka ngumiti. "Ikaw din Cane."

"Syempre bestfriends tayo!" napatawa na lang kami sa kalokohan niya.

"Yan na yung peace offering mo?"

Tumango ako."Okay na kaya iyan?"

"Effort ah may pa cake." humagikhik siya saka ako hinila. Dumiretso kami sa field para sa formal opening ng uniweek. Iba't ibang department ang nandoon with their representative na magtataas ng kanya kanyang flag.

Lumikot ang mata ko, hinahanap siya. Ngayong umaga ko sana balak ibigay ang peace offering ko.

"There's Yvo!" napalingon ako sa babaeng sumigaw at may tinuturo, lingunan ang mga kababaihan sa kanya kasama na ako.

He is wearing a jagger pants and a black plain shirt with a pair of white plain rubber shoes. Lalo siyang guwapo, gumuhit ang ngiti ko sa labi ng makita ang naiiritang ekspresyon niya sa bulong bulungan ng ibang estudyante. Even when he is angry he still looks handsome.

Napawi ang ngiti ko ng napatingin siya sa aking gawi. Nakakunot noo itong tumingin sa akin. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Nahuli niya nanaman ako! Ang malala nakangiti pa ako na parang baliw!

Agad akong tumalikod sa gawi niya. Bitbit ko pa rin ang cake sa kamay. Pasimple akong lumingon sa kanya. May hawak na siyang banner, siya pala ang magtatakbo nun para sa department namin. Kung sa bagay sa tingin ko ay kaya niya naman.

Sigawan ng estudyante ang nangibabaw ng nagtakbuhan ang bawat representative. Na kay Yvo lang paningin ko, mabilis siyang nakarating sa pol at alistong tinali ang flag saka inangat.

"Waahh SBAHM! SBAHM!"

"GO SASTE!"

"FACULTIES!"

Napangiwi ako sa lakas ng sigawan, pati si Cane sa tabi ko ay parang uod na di mapakali at nagsisigaw.

Sa huli nauna ang department namin at inanunsyo ang pormal na pagbubukas ng uniweek. Aabangan ko pa sana siya pero nawala na siya agad sa aking paningin.

Dumeretso na lang agad kami sa booth, ngayong umaga ang toka namin sa pagbabantay sa Milktea shop.

"Sayang hindi tayo makalibot ngayong umaga." panay ang reklamo ni Cane habang nag aasikaso ng mga bumibili.

"Hi, can I have a milk tea?"

"Caleb?" ngumisi siya sa akin.

"Nakabalik kana?"

Tumawa siya saka ginulo ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya dahil abala ako sa paggawa ng kanyang milk tea.

"Yeah may inasikaso lang." inabot niya ang  order at nagbayad. Naalala ko ngang hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya sa pagbuhat niya sa akin papuntang clinic.

"Caleb, thank you pala sa pagbuhat mo sa akin papuntang clinic noong mahimatay ako." mawala ang ngisi niya at sumimangot.

"I wish I was the one, but its not me who carry you,  its Yvo." napatigil ako at sandaling natunganga. Napahawak ako sa dibdib ko ng lumakas ang tibok niyon. Pakiramdam  ko ay nag init ang pisngi ko sa isiping binuhat niya ako.

"You like him." natigil ako sa pag iisip ng magsalita siyang muli. Seryoso ang muka niya at matamang nakatitig sa akin.

"I already warned you Jane about him." napalunok ako. Biniritan niya ako ng alis pagkatapos.

SINIPA ko ang dahon sa lupa sa pagka asar, kanina ko pa hinahanap si Yvo dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiibigay ang cake sa kanya.

Isa pang bumabagabag sa isip ko ay si Caleb, ang mga salita niya ay nagpapagulo sa isip ko.

"What are you doing here alone?" napatingin ako sa nagsalita. Kanina ay nag paalam ako kay Cane para hanapin si Yvo, sasama pa sana siya kaya lang ay ayaw ko na siyang maabala. Parehas na kaming pagod sa kalahating araw na pag asikaso sa booth.

He was smoking cigarrete again, he puffed one last smoke before throwing his cigarette in ground and stepped on it. Pagkatapos ay sumubo siya ng kendi.

Humakbang siya palapit sa akin. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang loob na magsalita.

"Hinahanap kita."

"For what?" ibinaba niya ang muka para pumantay sa akin. Nag iwas ako ng tingin, his breath smells mint probably because of his candy.  Itinaas ko ang cake, inilahad ko sa kanya.

"For you.." umangat ang isang kilay niya at pinakatitigan ang hawak ko.

"What's that?" He stared at me kaya napaiwas ako ng tingin.

"Cake? Gusto kong mang hingi ng sorry sa mga nagawa ko sa iyo. S-sorry Yvo." nag kanda utal utal ako sa pananalita.

"Why cant you look at me?" mas lalo siyang yumuko sa akin. Napapikit ako ng mariin. Bakit hindi niya na lang tanggapin?! Anong sasabihin ko? Na hindi ako makatingin dahil alam ko sa sarili ko na may gusto nga ako sa kanya.

"Tell me Kitarni.. Do you like me?" nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib.

"H-hindi... Wala..wala akong gusto sa i-iyo." pumiyok ang boses ko, namumulang nag iwas ako ng tingin.

I heard him chuckled and I can't take it anymore. Nilamon ko na lahat ng pride ko para sa kanya!

Dali dali kong inilapag sa lupa ang cake sa harap niya. Tatakbo na sana ako paalis ng hilahin niya ang palapulsuhan ko.

Naramdaman ko na lang ang labi niya na nakadampi sa aking mga labi. Ito nanaman siya! Manghahalik pagkatapos ay mag so sorry.

I moan in protest nasa eskwelahan kami! Anong naiisip niya?! Mabuti na lang at nasa tagong parte ito ng paaralan. Sa lugar kung saan ko siya unang nakita.

Mula sa labi ay dumausdos sa leeg ko ang halik niya. Halos magtayuan lahat ng balahibo ko ng maramdamang dinilaan niya iyon.

"Yvo!" sa gulat ay napasigaw ako ng buhatin niya ako at isandal sa pader. Ang pangit ng posisyon ko. Nakapalibot ang mga binti ko sa kanyang beywang habang ang kamay niya ay nasa pwetan ko.

"I don't wan't that cake, I wan't your's instead.."

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon