I just really wanted peace. Iyon lang, pero dahil sa lalaking iyon ay hindi ko na nangyari. He is ruining my college life and I hated him for that.
Holding the books, I anxiously wait for Reevo and his friends. Hindi ko maiwasang
maalala kung bakit ako nasa sitwasyon ko ngayon.It was the first day of school and the first day of my college life. Hindi ko kabisado ang eskwelahan at hindi ako nakasama sa orientation para sa amin noon dahil inalagaan ko si mama, naglasing siya ng sobra at nagkasit kaya imbes na umatend ay pinili ko na lang na alagaan siya sa bahay.
Nagtanong ako sa guard ng direksyon. Tinahak ko ang sinabi niya ngunit humantong ako sa di mataong lugar. Puro patay na halaman ang nakikita ko. Kahit ganon ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng naturang silid.
Sa pagliko ko sa isang pasilyo ay iba ang nadatnan ko. Isang lalaki na nakatalikod at halatang naninigarilyo. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Matangkad at saktong pangagatawan. Sa pagbuga niya ng usok ay kumalat ang matamis na amoy sa paligid ngunit para sakin ay masakit sa lalamunan iyon. Hindi ko napigilan ay napaubo ako ng sunod sunod. Napalingon ang lalaki at saka naniningkit ang matang tiningnan ako.
"Who are you?" matigas ang boses nito at maangas ang dating. May hikaw sa kaliwang tainga, matangos din ang ilong niya. Ang labi niya naman ay mapula na tila ba hindi naninigarilyo. Maganda din ang hugis ng kanyang mukha. He looks rugged with his prominent jaw.
"I said who are you and what are you doin' here?" I snapped from my thoughts when he forcefully held my wrist.
I creased my forehead and slightly pushed him away.
"I was finding my building." He's rude! Naiinis ako dahil doon. He can't just do that.
Akma siyang magsasalita ng tila natigilan siya at lumingon sa likod.
"Tangina, hindi ba ako titigilan ng mga iyon?" Kausap niya sa sarili bago tumingin sa akin ng masama.
"Don't you ever tell anyone you saw me here, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo..." puno ng pagbabanta ang tono niya saka siya tuluyang nawala sa aking paningin.
Unfortunately, ako ang nadatnan ng isang guro noon at dinala sa guidance para makuwestyon. The teacher threathened me to say the truth or my parents will be called and I don't want that kaya walang akong nagawa kundi magsabi ng nakita ko.
Sabi ng guro ay takot daw ang mga studyanteng isumbong iyon kaya walang patunay na gumagawa ito ng kababalaghan sa loob ng paaralan, kaya laking pasalamat sa akin ng guro. Nabalitaan ko ngang binigyan ito ng suspension, mula noon ay kakaiba ang tingin sa akin ng mga estudyante.
"So it's you... didn't I warn you na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa oras na isumbong mo ako?"
I bit my lip and look at him in the eyes. I could see anger and frustation on his blakc orbs as I remain silent.
"Why? You're mute now?" Panunuya niya pa.
Instead of dealing to people like him I decided to do the usual thing I would do in times like that.
Nilagpasan ko siya ngunit hinablot niya ang bag ko at saka kinalat ang laman sa hallway at saka niya pinunit ang mga notebook at libro ko kasama na ang assignments ko.
My eyes went wide. Natutuod na pinanood ko siyang gawin lahat ng iyon. Hindi ako makapaniwala, totoong may ganitong tao. Gusto ko siyang sigawan at pigilan sa kanyang ginagawa ngunit nanatili akong tuod.
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...