Mabilis kong tinalikuran sila. I heard them calling my name pero hindi ko na nilingon. I was betrayed once again.
Naloko nanaman ako. Nakakapagod. Paulit- ulit...
Agad na dumapo ang palad ko sa mukha ni Yvo ng pigilan ako nito. Hindi pa ako nakuntento at sinampal ko ulit siya hindi lang isa kundi marami. Maraming beses.
Hindi siya lumaban at pinabayaan ako."Umuwi ako para sa'yo Kit." lumuluha niyang ani.
"I am a coward fool. Hindi kita napanindigan noon and I don't have a strenght to face you. H-Hindi ko alam na magiging ganon." Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak.
"I'm sorry. I love you, I really do. I promised back then to come back for you. Bridge hide it to me. Babalik talaga ako. Babalik naman talaga ako kahit anong mangyari.." his voice cracked.
"But then something's off to you. You don't remember..."
Pinili kong tumahimik. My all were gone and I'm so tired to even feel angry. I feel numb from all the lies. I don't even know what to say.
Ganon na ba talaga ako ka desperada huh? Para paulit ulit pang maghintay at mamalimos ng atensyon? I guess I am. Makulit ang loob ko na kahit paulit ulit akong pinagtabuyan, gusto ko pa rin. Luhaan akong tumitig sa kanya bago tumalikod at naglakad palayo.
"Kit! I'm sorry! Please hear me!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko na nilingon pa.
I give up. I give up now.
Padabog kong binuksan ang pinto ng apartment kaya napatalon sa gulat si Sabby na nag aayos ng kuko.
"Girl! Anong nangyari at tila ka-"
"Totoo ba?" sansala ko habang nakakuyom ang kamao.
"A-anong totoo?"
"Oh stop pretending Sabby, I knew your secret now. Totoo bang baliw ako?"
Her eyes widen at nabitawan niya ang cutex na hawak.
"So it's true huh?"
"A-anong baliw? Hindi ka baliw Kit!"
"I AM!" frustrated na sigaw ko na nagpatigil sa kanya.
My lips quivered and my vision got blurry.
"Baliw ako dahil palagi kong pinagtatangkaan ang buhay ko! Baliw ako dahil nakakalimot ako ng mga nangyayari! Baliw ako dahil nagwawala ako kapag hindi ko na kaya! Kaya sabihin mong hindi ako baliw?!"
Namula ang mga mata niya at saka lumunok.
"Sinong gago ang nagsabi sa'yong baliw ka?"
"That's not what I'm telling here! Bakit mo inilihim sa'kin ang mga nakalimutan kong ginagawa ko noon! Para akong t-tanga...!" Nanginginig na sigaw ko. Umiling siya sa'kin saka nagkusot ng mata.
"Bakit kailangan mo pang maglihim sa'kin?!" niyugyog ko ang balikat niya. Nainis ako ng hindi siya sumagot kaya tinulak ko siya.
She sobbed more. "Tell me Sabby!"
"Dahil naaawa ako sa'yo Kit!" sigaw niya rin pabalik na nagpatulala sa'kin.
"You kept on waiting and waiting for that man and your father pero wala! I kept on hearing you cry for those jerks! Whole two years, you were like that! And then suddenly, you stopped and acted like nothing happened. When I talk to you about that, you won't remember a thing kaya naisipan ko na it's better, if you won't remember a thing then it's lesser the pain."
I bit my lip and look at the floor.
"Alam din ni Niel a-ano?" she avoided my gaze. Napahikbi ako. My face contorted in pain.
"Y-yung pinapainom mo sakin? G-gamot iyon diba? Gamot para sa baliw na kagaya ko?"
Umiling-iling siya. "N-no Kit. Hindi ka baliw! May pinagdadaanan ka lang pero iba ka sa baliw!" desperada niyang pakiusap but I won't listen to her now.
Napaikot nanaman ako! Sa isiping iyon ay agad na nag-init ang ulo ko. My eyes slithered and Sabby was shocked to see my sudden change of mood.
"K-Kit please calm down. Don't do anything to hurt yourself. We will get help okay? We will het help from the doctors. Gagamutin ka n-nila." pumiyok siya.
Nilampasan ko siya para pumasok sa kwarto ko saka nilock iyon. Kinalampag ni Sabby ang pinto pero hinding hindi ko siya pagbubuksan. Traydor sila!
I looked at myself in the mirror. I looked horrible. I smiled then cry. Dahan dahan akong napaupo sa sulok at niyakap ang tuhod ko. Inis na inis ako sa nangyayari. I am a mess.
Sa inis ko ay hindi ko mapigilang batuhin ng figurine ang salamin kaya nabasag ito.
Narinig ko ang tili ni Sabby sa labas. I sadly smile. Baliw na nga yata talaga ako. Humagulhol ako ng malakas sa isiping iyon.
Isang kalabog at bumukas ang pinto. There I saw Niel, Sabby, Kurt, Papa and Yvo.
"A-anak ko.."
"Kit.."
"Wife.."
Muling tumalim ang tingin ko sa kanilang lahat.
I don't know what comes in my mind that I grabbed a big piece of shard glasses and my palm immediately bled the way how hard I hold it.
"Don't come near me.." banta ko at tinutok ang bubog sa kanila. I hate them!
Sabby was crying and sobbing loudly.
"Wife please bitawan mo iyan.." marahan na pagkasabi ni Yvo pero mas nangalit ang sistema ko.
"Shut up! Don't call me that sh*t!"
Pulang pula ang mukha niya at nanginginig ang kamay na inabot sa akin, tuloy tuloy din ang agos ng kanyang luha na nakatingin sa akin.
"C-come here Kit, Put the glass down and hold my hand." Unti unti siyang lumalapit sa kaliwa, sa kanan naman ay si Niel.
"I said don't come near me or I will stab you!"
Muli akong naluha ng malapit na sila. My lips quivered and my vision blurred.
"I-I hate all of you.." hirap na hirap kong banggit habang kay Yvo nakatingin.
"I hate you." napatigil siya habang lumuluha lang na nakatingin sakin. Tinutok ko ang bubog sa tiyan ko at doon sila napatigil.
"Huwag kayong lalapit o papatayin ko ang sarili ko."
"P-princess anak ko, d-don't do that please."
"Kit, clear your mind. T-this is not you anymore." nawawalan na nang boses na ani Sabby.
"Wife, I'm sorry."
"Shut up! I'm so done by all of you!" Nilibot ko ang tingin ko at hindi ko makita si Bridge.
Tiim bagang akong lumingon sa kanila. Galit ako... galit na galit ako sa lahat. I wan't to dissappear here. Napatigil ako saka agad na ibinaba ang hawak na piraso ng bubog. Tila naman sila nagulat sa ginawa ko.
"I changed my mind. I am totally fine now."
"K-Kit ano bang nangyayari sa'yo?" malakas na iyak ni Sabby.
"I'm fine now Sabby, you all now may get out." aniko saka humiga at nagtakip ng kumot.
"K-Kit naman eh, tinatakot mo kami. We will get help by doctors-" I heard her say kaya bahagya akong natawa. Bumagon ako at nilingon sila.
"Hindi ako baliw." matigas kong sansala sa kanya.
"You may sleep but I will look over you." ani Yvo habang malumanay na nakatingin sa'kin. Muka siyang takot na takot sa paraan ng pananalita niyang sobrang lumanay.
Nakita ko pa ang pag igting ng kanyang panga saka tumingin sa taas at lumunok lunok bago muling ngumiti sakin.
I woke up by eleven then. I was startled to see Yvo sleeping beside me. Mahigpit na yakap niya ang baywang ko. My room is a mess. Kita ko ang basag na salamin.
You are cazy!
Baliw ka Kit!
I was sobbing before I knew it. Baliw nga ako. I only want to do one thing now and that is to disappear.
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...