Chapter 5

151 8 0
                                    

We ate lunch with his group. Iyon na yata ang pinakamatagal na oras sa pakiramdam ko.

Nagyon ay hila-hila niya ako at hindi ko alam kung saan ang tungo namin. Inabangan niya ngang talaga ako kinahapunan. Huminto kami sa parking lot at sumakay sa kanyang kotse.

Tahimik na pinakiramdaman ko siya.  Hindi siya umimik kaya nanahimik na ako. Pasulyap sulyap ako sa dinaraanan at sa kanya. My heart is again hammering my chest. Umalon ang lagukan nito at bahagyang bumaling sa akin kaya wala sa oras na napatingin ako sa kalsada. Nahuli niya ako. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko.

Hindi naman siya umimik at patuloy lang sa pagmamaneho. Namumuti ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa manibela. Hindi ko na lang pinansin at nanahimik sa kinauupuan.

Huminto ang sasakyan sa isang restaurant. Lumabas siya kaya napasunod ako. Gulat ako ng kinabig nito ang baywang ko marahang hinila papasok sa loob.

Formal ang suot ng mga tao sa loob. Napatingin ako sa suot ko. Pareha lang naman kaming naka uniform kaya napatingin ang iba sa amin.

Nag order naman siya ng pagkain mula sa menu.

"How about your drinks sir?" napakunot ang noo ko sa matinis na boses ng waitress.
Kapwa ay nagtitigan ang dalawa kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Umorder lang siya ng lemonade para sakin at wine sa kanya.

Umalis ang waitress kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pano ba kasi ay nakatitig nanaman siya. Ito ang ayaw ko sa lahat. Despite him bugging me for months now, I still don't know him. Napakamisteryoso niya. Sometimes he is playful and sometimes serious.

"Bakit tayo nandito?" lakas loob kong sinalubong ang kanyang titig.

Hindi nanaman siya sumagot, umiwas ito ng tingin at inilibot ang mata sa paligid, tila ay may hinahanap ang kanyang mata. Sinundan ko ang tinititigan niya at huminto iyon sa isang lalaki.

Kumabog ng malakas ang puso ko. Pamilyar ang kanyang itsura. Kahit pa medyo tumanda ang itsura niya ay hindi ako pwedeng magkamali. Si papa iyon!

I imagined many times what would I do if ever I will see him. Would I hugged him? Would I walk ignore him? All of that I consider bit now I don't know anymore caise I remain frozen on my sit.

Paano kung hindi niya pala ako makilala o hindi niya na ako maalala?

Lalo na at nakikita kong masaya ang kanyang itsura saka lumingon sa kanyang likuran. Tila nabagsakan ng malaking bato ang aking dibdib nang makita ang isang babae na sa tantiya ko ay ka edad ni mama.

Napakaganda niya, maamo ang kanyang mukha at may ngiti sa labi. Sa gilid niya ay nakatayo ang lalaki na sa tingin ko ay nasa dalawampu ang edad, mas matanda sa akin. Seryoso rin ang mukha, kamukang kamuka ni papa.

Napalunok akong pinagmasdan silang naupo sa di kalayuan sa amin. Ang saya nilang tingnan. Parang lahat ng balak ko kaninang lapitan siya ay biglang nawala.

Napakurap ako at di sinasadyang mapatingin sa kaharap ko. Nakatagilid ang ulo niya habang pinagmamasdan ako at parang kinikilatis.

"You okay?" nagulat ako sa tanong niya. Saka napatingin sa kamay niyang nakapatong sa akin. Tumingin ako sa mata niya, nagtatanong. Parang biglang natauhan siya at inalis ang kamay. T-talaga bang kinakamusta niya ako?

"K-kinakamusta mo ako?" lumunok ako dahil nananakit ang lalamunan ko.

Pasimple akong tumingin sa kanila. Umo-order ang babae habang nakikipag usap naman siya sa lalaking katabi.

Anak kaya nila iyon?

Pero imposible dapat ay mas matanda ako sa kanya! Ngunit kawangis na kawangis ni papa mula sa malamlam na mata hanggang sa hugis ng mukha, labi at ilong.

RUINS√(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon