May kasalanan nanaman ako kay Yvo. Suspended nanaman siya dahil sa akin. Siguradong mas galit na siya sa akin ngayon. Hindi na ako magtataka kung sasakalin niya na ako sa susunod naming pagkikita.
"Look who's here.." mula sa pag iisip ng malalim ay napa angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Tatlo sila at mukang mga seniors.
Ang babaeng nasa gitna ay may mahabang straight na buhok, maganda siya kaso puno ng make up ang muka, ganon din ang dalawa niyang kasama. Kapwa nakataas ang kilay ng mga ito sa akin.
"Sino kayo?" nagtataka ako kung bakit tila ay galit sila sa akin.
"Huh! May gana ka pang sumagot. Hindi mo ako kilala? Well let me tell you. I am Briana Mendez the only daughter of James Mendez, the owner of Mendez Corporation." may pagmamalaki ang tinig nito.
Marami ngang mayayaman na business man dito malamang isa ang tatay niya sa may ipinagmamalaking kumpanya dito.
"Anong kailangan niyo sa akin?"
"Bitch please? Huwag na tayong maglokohan dito. Ikaw yung babaeng nasa video diba?"
"Anong video?"
"Nagmamaang maangan ka pa! Impakta! Dahil sayo nasuspend ng dalawang beses si Yvo, masyado kang papansin!" tinulak niya nang bahagya ang balikat ko kaya napaupo ako pabalik sa bench.
Kinabahan ako sa ginawa niya. Sa tantiya ko ay siya ang uri ng babaeng nananakit ng kapwa niya babae. Wala pa naman si Cane ngayon dahil nagpaalam saglit na CCR. Vacant ngayon kaya tambay kami ulit sa white bench.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka rin na suspend! Its all your fault! That's why Yvo hate you so much! You're a bad luck! It's your karma bitch!" I bit my lip.
"Oh My Gosh! Look! Are you crying?"
Hindi ako nakasagot sa kanya. Nanginginig ang labi kong tumingin sa paligid at marami ang nakamasid sa amin. Yung iba mukang naaawa, yung iba natutuwa. Yung iba wala ring pakealam.
Hinawakan niya ang balikat ko at hinila patayo ng pwersahan. Mahigpit ang kapit niya. Pilit kong hinila ang balikat ko pero malakas siya. Di hamak na mas malaki rin siya sa akin. Abot lang ata hanggang mata niya ang tangkad ko.
"Listen everyone!" pagkuha niya sa atensyon ng lahat. Nanlalamig ang kamay ko sa ginawa niya, nagsimula na ring kumabog ngalakas ang dibdib ko.
"See this girl here? You know her didn't you?!" May mga babaeng sumigaw ng Oo.
Tumawa siya."Of course we know! Ito ang alalay ni Yvo diba?!"
Lumipat ang kamay niya sa palapulsuhan ko at kumapit mg mahigpit doon.
"Bitawan mo ako.." pilit kong binawi ang hawak niya sa kamay ko pero pinanlakihan niya ako ng mata. May mga estudyanteng naglabas ng kanya kanyang selpon at kumukuha ng bidyo ng nangyayari.
"Alam din nating siya ang dahilan ng pagka suspend ni Yvo ng dalawang beses?!" may mga sumagot ulit ng Oo puro babae.
Naluluhang tumingin ako sa paligid. Sari-saring reaksyon ang nakikita ko. May naaawa, may tila natutuwa na karamihan ay kababaihan, may iba naman na mukhang nababahala at may walang pakealam at nanonood lang.
Sa mga panahong ganito ay naa alala ko si mama at ang mga payo niya. Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya akong napapalapit ako sa mga tao.
Anyone can hurt you anytime, anywhere.
"Papayag ba kayo na unfair ang judgement? Na hindi siya suspended?" May mga sumigaw muli ng hindi.
"I'll file a petition na dapat ay ma suspend rin siya! Will you support me?!"
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...