I dream of many things to happen. Despite of many obstacles, I dream a lot of things I'm not sure if gonna happen.
"Punyetang buhay ito oh!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pagkabasag ng kung ano sa kusina.
One of my dream is a happy and complete family but it sure is impossible.
Nilingon ako ni mama na nag-iinom, sa baba ng stool chair ay nagkalat ang piraso ng basag na baso.
"Mama.."
My heart is clenching and starts beating so fast.
"Bakit ngayon ka lang?" Matigas niyang tanong.
"Ma.. meron po kasing groupwork na tinapos." pagkatapos ng klase ay mapagdesisiyunan namin ni Cane na tapusin na ang pinapagawa ng guro na diad activity.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tumayo at naglakad papalapit sa akin. Otomatikong napahakbang ako paatras. I shake my head at her. I knew I'm gonna get it again.
"M-ma.."
"Sana hindi ka na nabuhay." parang may kutsilyong itinarak sa puso ko sa sinabi niya.
"Nagsisisi akong pinakasalan ko ang demonyo mong ama." puno ng poot ang tinig niya.
Ang sakit sa damdamin na marinig ang kanyang salita. Pakiramdam ko ay hindi na karapat dapat na ipinanganak ako. Nag init ang aking mga mata at sumakit ang lalamunan sa isiping iyon.
"Hindi ba sinabi kong ayaw kong nakakikitang umiiyak ka?" may pagtitimpi ang boses niya.
Pilit akong tumango saka nagpahid ng luha.
"Opo.."
My mother hates to see me cry. Ganon siya kabato. I don't know kung naiirita siya o dahil alam niyang kagagawan niya. No matter what it still pains me..
"Tandaan mo ito Kitarni, lahat ng mahalagang tao sa'yo, balang araw iiwan ka din." My mom bitterly said. Hindi niya kayang pakawalan ang bangungot ng nakaraan.
I knew she loved Papa. I loved him too but he's nowhere to be found.
Mabilis na lumagpak ang palad niya sa pisngi ko ng marinig ang hikbi ko.
"Diba sinabi ko nang huwag kang iiyak iyak sa akin?! Hangang andito ka! Hanggang nandito ka Kitarni. Hindi ko makakalimutan ang ama mo!"
Hindi ako nakahuma ng hilain niya ang ilang hibla ng aking buhok. It was painful.
She was too drunk and when she's drunk, I know I'm gonna get this.Napaigik ako ng tumama ang mahaba niyang kuko sa aking pisngi. Ramdam ko ang hapdi niyon at pagdurugo. Ang sakit ng anit at ng katawan ko.
"NAGAGALIT AKO SA MUNDO KITARNI! KUNG WALA KA SANA! MATAGAL NA AKONG MALAYA!" lumuluha siyang sumigaw sa akin.
Pagkabitaw ay agad akong lumayo sa kanya. My uniform is already torned. Hindi ako magkamayaw sa pag-aayos non. Trails of tears cascaded on my cheeks. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya na marinig pa ang hikbi ko.
Paulit ulit kong narinig kung gaano siya nagsisisi na nakilala niya si papa at ipinanganak ako. Isang hampas pa ang iniwan niya na tumama sa aking balikat bago nawala sa aking paningin.
Umiiyak na tinakbo ko ang aking kwarto. Nadako ang tingin ko sa litrato ng aking ama na nakadisplay. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon at tinitigan.
Kasalanan mo lahat ito.
I hate that I had a fucked up life. W-Why can't I be like the other normal kids? Why can't I be happy just for once?
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...