Isang big black bike ang kinasasakyan niya ngayon. Pinagmasadan ko lang siya.
"Sakay ka na lang patagilid. Ang arte neto oh."
Siningkitan ko siya ng mata. "May kasalanan ka pa sa akin, nang aasar ka nanaman."
"Hindi na, hindi na! Hop on." tumatawang sabi niya. Isinuot niya sa akin ang isang black helmet.
Sumampa ako patagilid sa motor niya. Hindi pa ako kumportable sa kinauupuan ko dahil mataas ang likod. Napapasandig tuloy ako sa kanya.
"Dahan dahan lang ah, baka mahulog ako."
'I'll catch you if you fall.'
"Ano?"
"Wala, kumapit kang maigi sabi ko."
Kumapit ako sa damit niya sa magkabilang gilid. I heard him tsked. Kinuha niya iyon at ipinalibot sa baywang niya.
"Malukot damit ko." rinig kong sabi niya kaya kahit nakakailang ay hindi ko na tinanggal.
Mabagal niyang pina andar ang motor na tila sinasadya.
"Caleb?"
"Oh?"
"Sobrang bagal yata ng pag drive mo?"
"It's normal, besides we're just near."
"Ganun?"
"Yeah." tumango siya kaya napatango rin ako. Tiningnan ko pa siya sa side mirror na ngingiti ngiti.
Sa mamihan niya ako dinala. Malapit lang sa school. Marami ring estudyante akong nakita na nagmemeryanda.
Umorder siya ng dalawang mangkok at softdrinks. May napapansin pa akong ibang estudyante na pasulyap sulyap sa amin.
"Is it your first time here?"
Tumango ako. "Oo, diretso uwi kasi agad ako kapag uwian na."
"So.. taong bahay ka?" bahagya akong nahiya sa tanong niya. How can I not become a houseperson when I don't even know how to socialize? I'm an awkward person.
Ngumiti siya. "Dont worry, ililibot kita next time."
"May next time pa?"
"Give me your phone. I'll give you my contact."
Pagkabigay ay nagtipa siya doon, pagkatapos ay sa cellphone niya rin.
"Here, that's my number, I'll also add your number."
Nakalagay nga sa contacts ang number niya pero hindi pa naka save.
"JC." Tumingin siya sa akin ng naguguluhan. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang contact ko sa kanya na nakapangalang JC.
"JC ang contact name ko sa iyo, cute no?"
"As long as you want." ngumiti siya ng bahagya.
"Caleb?"
"Hmm?"
"Friend na kita ha?"
Nabulunan siya sa paghigop ng sabaw ng mami na naibigay na pala kanina.
Kinuha ko ang pink ko na panyo dahil hindi siya magkanda ugaga sa pagpunas ng sabaw sa bibig niya, binigay kasi niya sa akin ang blue niya na panyo kanina.
"Ayos ka lang? dahan dahan lang kasi." panenermon ko habang pinupunasan ang mukha niya.
Inagaw niya sa kamay ko ang panyo at siya mismo ang nagpunas ng muka niya.
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...