Tahimik kong inaantay si Cane ngayon sa classroom. Christmas break is done and back to school na naman. Abala ako sa pagbabasa ng may bahagyang bumunggo sa upuan ko kaya napalingon ako sa likod ng wala sa oras.
Isang lalaking seryoso ang bumungad sa akin, bahagyang umuugoy ugoy ang kanyang paa at nababanga nito ang aking upuan.
Nagyon ko lang siya nakita dito. Transferee? o Shift? Either of the two ay hindi ko alam.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Nakakahiya man siyang sitahin ay nilakasan ko ang loob ko. Lumingon siya at pinagtaasan ako ng kilay.
Nagulat ako doon. Bakla ba siya? Kadalasan kasi ng mga may itsura ngayon ay naliligaw ng landas.
"Nasisipa niyo po kasi yung upuan ko." ngumiti ako para hindi naman magmukang bastos pero hindi niya pinansin bagkus ay tumigil siya sa ginagawa at nagkutkot sa selpon.
Siguro ay nahihiya siya, ako rin naman minsan ganon kung may kumakausap ay hindi ako sumasagot dahil nahihiya ako napapagkamalan nga lang na maldita, ganon din siguro siya.
"Kit!" sigaw ni Cane kaya halos mapalingon ang mga kaklase namin sa kanya. Umupo ito sa tabi ko at napalingon sa likod.
"May papa sa likuran mo kyaaah." mahinang tili nito kaya pinadilatan ko siya.
Tumaas ang kanyang kilay at saka ngumisi . "Kamusta ang bakasyon mo with papa Yvo?" may halong kilig na sabi niya kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"May makarinig sa iyo, kanino ma nalaman na magkasama kami?" natigilan siya at nanlaki ang mata. Pinaningkitan ko siya, Cane is acting suspicious noong nakaraan ay alam niya rin na may namamagitan sa amin ni Yvo kahit wala akong binabanggit sa kanya tapos ngayon ito.
"W-well, I just assume since ganoon naman talaga ang nanliligaw?" hindi ko pa sinasabi na kami na ni Yvo and I feel guilty for it and alam niya pa ay nanliligaw lang si Yvo. Tumango tango ako.
"Magkasama kami nuong Christmas at New Year." bulong ko sa kanya. Mahinang tumili ito at hinampas ang braso ko.
"Sabi ko na eh." kinikilig na ani niya. Napatawa na lang ako sa inasta niya. Inasar asar niya pa muna ako, natigil lang noong dumating na ang teacher.
"Kwentuhan mo ako mamayang luch." mapagbanta niyang bulong sa akin.
***
"Patingin-patingin ng singsing mo! Kyaaaah kinikilig ako" ipinakita ko ang aking kamay sa kanya. Natigil siya at nanlalaki ang matang nakatitig doon.
"W-wow ang g-ganda nga." taliwas sa kanyang sinabi ay hindi natutuwa ang kanyang boses.
"Ayos ka lang Cane?"
"Ayos lang ako, Oo nababanyo lang." dali dali siyang tumayo at naglakad palayo. Nagtatakang tiningnan ko ang singsing.
Pagbalik sa clasroom ay nananahimik si Cane kaya labis ang pagtataka ko.
"Uy.. Okay ka lang talaga?" kalabit ko sa kanya.
"Ayos lang ako Kit, medyo nahihilo lang."
"Okay..."
Hanggang pagsapit ng uwian ay hindi naimik si Cane kaya ipinag kibit balikat ko na lang.
"Ihahatid ka ni Yvo?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Uh.. Oo, nagtext siya kanina." bumuntung hininga siya saka malungkot na tumingin sa akin. Alanganing nginitian ko siya.
"Sige mauna na ako, mag iingat ka okay?" pansin ko ngang kakaiba si Cane ngayon. Tahimik at malungkot ang itsura niya malayo sa maingay at makulit na siya.
BINABASA MO ANG
RUINS√(Unedited)
RomanceReevo Emmanuel Yvaroa hated to be engage, so he planned something he never thought that would make things even more complicated. Can he still stand his chosen ground when everything turn into a battle of will, life and love? Would you still love hi...